Chapter 5: Bitterness Overload

49 2 0
                                    

Cara's POV

Nagising na lang ako nang may nag-flash sa mukha ko. May nag-picture sakin! Anla, sino 'to? Pagdilat ko umupo ako at kinusot mata ko. Nilingon ko naman yung katabi ko at nagulat ako nang makita ko yung history classmate ko habang nakatingin sa siya cellphone niya na pinang-picture niya ata sakin.

"A-anong ginagawa mo dito tsaka bakit mo ko pinicturan?" Tanong ko sakanya.

"Wala lang. Pangit mo kasi matulog."

Nang-iinsulto ba 'to? Kung oo, nakakainsulto a. -______-

"E bakit mo ko pinicturan? Pangit pala e." Sabi ko at akmang kukunin yung cellphone niya pero naiwas niya agad yun.

"Gusto ko e." Ayos 'to a. Ano nga pala pangalan nito?

"Matagal ba kong nakatulog?"

"Hindi naman. Sige alis na ko." Sabi niya sabay tayo at naglakad na siya.

"Sandali. Anong pangala--?"

"Ian." At tuluyan na siyang umalis. Ian? Ah.

Tumayo na rin ako nang mag-ring cellphone ko dahil tumatawag si Lily. Naka 15 missed call na pala si Lily sakin.

"Hello?"

(Hello, hello ka diyan. Nasaan ka ba? Kanina pa kita hinahanap. Nakailang missed call na ko sayo a.)

"Nasa garden ako. Pasensiya na Lily, nakatulog ako dito e. Hinahanap kita kanina hindi kita makita. San ka ba nagpunta?"

(Nakatulog ka? Sa garden? Siraulo ka. Paglabas ko kasi sa C.r nakita ako ni Ms. Ceniza, ayun! Inutusan ako. Hintayin mo ko diyan. Pupunta na ko. Wag kang aalis diyan.)

Magsasalita pa sana ko pero pinatay na niya. Bastos na babae 'to. -____-

Ilang minuto lang dumating na rin si Lily.

"Wala ka na bang klase? Nakuha mo pang matulog diyan."

Naglakad na naman kami paalis sa garden.

"Anong oras na ba Ly?"

"9:55am."

"May class ako ng 10:00am. May five minutes pa. May klase ka ba?"

"Vacant ko pa. Sige na, pumasok ka na. Text ka na lang."

"Sige. Bye Ly!" Tumango lang si Lily sakin at umalis na ko para pumasok sa next class ko.

***

Lily's POV

Pagkaalis ni Cara pumunta muna ko sa library. May kailangan akong basahin na libro para sa pinapagawa samin ni prof.

Pagkarating ko sa library hinanap ko na naman agad yun hanggang sa makita ko. Kaya lang, ang taas. Shemay! Kahit tumingkayad ako hindi ko talaga abot. Hindi naman sa maliit ako a? Pero mataas talaga yung pinaglalagyan nung libro e. Pinipilit kong abutin yun nang may lalaking kumuha nun at binigay sakin. Ikaw na matangkad. -____-

"S-salamat." Nginitian niya lang ako at lumabas naman dimple niya. Parang pamilyar siya sakin? Siya ata yung bestfriend ni Calvin Hermosa? Kilala din 'to e. Ano ba pangalan nito? Ay, Bakit ko ba iniisip pa yun? Magbabasa na nga lang ako.

My BITTERHalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon