Chapter 12: Enemies

20 2 0
                                    

Cara's POV

Nung matapos kami kumain, si Ian naman nagsimulang magsalita.

"Paano ba kayo napadpad dito?"

"Ako kasi, may pupuntahan sana para mag bakasyon kaya lang pinasok ng mga holdaper yung sinasakyan kong bus tapos ayun, kinuha nila bag ko sakin tapos iniwan nila ako sa lugar na 'to. Mga bwisit na yun. Ang tagal kong naglakad lakad hanggang sa may makita akong nakaparadang kotse kaya nilapitan ko. Pagkalapit ko, nakita ko yan si Calvin na parang may chinicheck sa kotse niya at yun, sinama niya ko at naghanap kami ng pwedeng matuluyan at swerte namin nakita namin 'tong hotel tas nag-check in na siya. Bait nga ng hotel na 'to binigyan pa kami ng shirt. Eto nga oh, suot namin."

"Ah, kaya pala napansin ko na parang parehas kayo ng suot. Wait lang ah?" Sabi ni Ian tapos tumayo siya. San pupunta 'to?

"Uy, san ka pupunta?"

"Saglit lang." At umalis na siya. San pupunta yun?

"Pano kayo nagkakilala nun?" Tanong naman sakin ni Calvin.

"Ah, si Ian? Classmate ko kasi siya sa iba kong subjects sa S.C.U."

"S.C.U? You mean St. Clark University?" Bakit niya alam yun?

"Oo, bakit mo alam yun? Don't tell me dun ka rin nag-aaral?"

"Oo." Di nga? Hala! Baka siya yung sinasabing hearthrob sa St. Clark? Calvin din yun eh! Yung sinabi sakin ni Lily! Ano ba apilyedo nun? Hermosa ba? Oo, Hermosa!

"Talaga? Ikaw ba yung Calvin Hermosa?"

"Yup. Bakit mo alam? Sabagay, di mapagkakaila, sikat nga pala ko sa St. Clark." Ang yabang nanaman niya.

"Yabang." Tinawanan niya lang ako.

"Magka-ano ano ba kayo ni Ian?" Tanong ko naman sakanya.

"Kami? We're good friends." Ako lang ba o talagang malamig yung pagkakabanggit niya sa 'Good friends'?

"Talaga? Friends? Eh halos patayin mo na sa sama ng tingin si Ian eh."

"Ubusin mo na lang yang pagkain mo kaysa dumaldal ka diyan." Sinimangutan ko lang siya. Dumating naman na si Ian.

"Oh san ka ba gal---?" Nahinto ako sa sasabihin ko kasi napansin ko yung suot ni Ian kagaya na rin ng samin ni Calvin na may nakalagay na 'I Love Fernandina'.

"Bagay ba?" Tanong naman niya.

"Tss!" Anyare dito kay Calvin?

"San mo nakuha yan?"

"Humingi din ako." Gaya gaya din pala 'to. Haha

"Ano nga pala ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Ian.

"Nung isang araw pa ko naka-check in dito. Umuwi kasi Uncle ko galing states eh nagpasama siya tas eto lang yung pinakamalapit na hotel sa airport kaya dito na lang kami nag-check in."

"Ah.. Nasaan Uncle mo?"

"Nasa room niya. Actually, ngayon na nga ko uuwi sana. Pinapauwi na kasi ako ng Uncle ko. Kayo kailan kayo uuwi? Gusto niyo sumabay na lang kayo sakin tutal sira naman pala sasakyan ni Calvin."

"Talaga? Pwede?"

"Oo naman."

"Yiii! Salamat!" Sa wakas makakauwi na rin!

"Di ako sasabay." Ano? Nabubuang na ba 'to si Calvin?

"Ano? Pano ka uuwi?"

"Sumabay ka kung gusto mo." Sabi ni Calvin tas tumayo siya at nagsimulang maglakad. Anyare ba dun?

My BITTERHalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon