Chapter 11: Coincidence

14 3 0
                                    

Cara's POV

"San ba tayo kakain?" Tanong ko sa kanya habang nasa elevator kami pero hindi na niya ko nasagot kasi bumukas na yung elevator then lumabas na kami. May pwede bang kainan sa lugar na 'to? Parang wala naman. Hindi na lang kasi magpa-deliver eh! Nasa loob parin kami ng hotel ng may makita kaming pwedeng kainan kaya pinasok namin yun. Sa first floor pala ng building na 'to may pwedeng pagkainan. Ang taray! Umupo naman na kami.

"What do you want to eat?"

"Kahit ano. Ikaw na bahala." Um-order naman na siya.

After a few minutes, dumating narin yung pagkain namin. Wow! Takam na takam na ko! Sa wakas talaga, makakakain na rin! Ito na ang lunch, merienda, at dinner ko!

"Pwede na ba kumain?" Siyempre, tatanungin ko muna siya. Mahiya naman kayo!

"Go ahead."

"Salamat!" Sabi ko at nilantakan ko na yung pagkain ko. Hmm! Ang sarap! Subo lang ako ng subo. Wala kong pakialam sa mga nanonood sakin, basta kakain ako. Gutom ako eh!

Tiningnan ko naman si Calvin na nakatingin sakin at parang natatawa.

"Itawa mo na yan, mautot ka diyan." Sabi ko sakanya kahit punong-puno pa yung bibig ko. Nagpipigil pa kasi!

"Hahahaha! Hinay hinay lang kasi. Wala namang aagaw niyan sayo."

"Bakit ba? Gutom ako eh! Wala pa kaya akong kain simula kanina---"

"Oo na, wag ka na madaldal diyan. Mabulunan ka pa eh."

"Eh sa dinadaldal mo ko e--- *cough* *cough* *cough*"

"Oy, Cara!? Okay ka lang!? Yan na nga ba sinasabi ko eh!" Sabi niya tapos dali dali siyang lumapit sakin habang ako ubo parin ng ubo. Subo kasi ako ng subo tapos daldal ako ng daldal! Nabulunan tuloy ako!

"Eto, tubig oh!" Inabutan niya naman ako ng tubig kaya mabilis kong ininom yun. Habang umiinom ako, hinihimas niya likod ko. Nang makainom ako, natigil na ko sa pag-uubo. Hayy, salamat naman!

"Ano? Okay ka na ba?" Nag-thumbs up lang ako sakanya habang nakahawak parin ako sa dibdib ko.

"Kulit mo kasi eh."

"Hehe, sorry naman!" Sabi ko at kumain ulit. Hinay hinay lang kasi, Cara!

"Pano ka nga ulit napadpad dito?"

"May pupuntahan kasi ako. Magbabakasyon sana kaya lang, kung siniswerte nga naman ako, napasok ng holdaper yung bus na sinasakyan ko tapos kinuha yung bag ko tsaka ako iniwan sa lugar na 'to. Sanay na naman ako na tinatakbuhan pagkatapos makuha ang gusto eh kaya hindi na bago sakin yun. Pero, uy! Salamat ah?"

"Saan?"

"Saan ka diyan? Sa lahat! Sa lahat ng pagtulong mo sakin kahit hindi mo naman ako kilala. Thankyou kasi sinama mo ko sa pag-check in mo dito sa hotel tapos nilibre mo pa ko ng pagkain."

"Siyempre, paano pag hinayaan kitang magutom at matulog sa kalsada mag-isa? Edi konsensya ko pa. Pasalamat ka nga nasiraan ako eh, kung hindi.."

"Kaya nga thankyou eh!"

"Oo na, kumain ka na lang diyan." Kumain naman ulit ako.

***

"Hayy, salamat! Nabusog rin!" Sabi ko sabay bagsak sa malambot na kama. Kakatapos lang namin mag-dinner dun sa baba eh. Wait! Sila Mama, baka nag-aalala na yun kasi hindi ko pa sila tinitext simula kanina. Sila Papa, si Marco, si Lily-- Asan na ba yung cellphone ko baka tumatawag na yung mga yun! Wala sa bulsa ko.. San ba ko huling---? SA C.R!

My BITTERHalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon