Chapter 16: Secret Admirer

10 3 0
                                    

Cara's POV

Halos kanina pa ko palakad lakad dito sa loob ng University. 20 minutes na siguro. Oo, bilang ko. Maya't maya ba naman akong tumitingin sa relo ko eh.

Buti nga marami akong pwedeng puntahan kasi malawak naman 'tong University. Nagulat ako nung may nakatabi na sakin at kasabay ko nang naglalakad. Nilingon ko naman..

"Calvin? Uy!" Tumingin naman siya sakin at ngumiti. Gwapo!

"Uhh, Cara.. Iniiwasan mo ba ko?" Ano daw? Natawa naman ako ng bahagya.

"Iniiwasan? Bakit naman kita iiwasan?" Bakit ko naman siya iiwasan? Ano bang nagawa niya? Adik rin eh.

"Eh kasi kanina nung nagkabanggaan tayo ng dalawang beses, tinawag kita pero hindi mo ko pinansin. Tuloy tuloy ka lang."

"Ahh! Hehehe hindi yun! Hindi kita iniiwasan 'no!"

"Eh ano yun---"

"Ahh yung kanina? Wala, nagmamadali lang kasi talaga ko kanina. Pasensiya na."

"Ahh, akala ko may nagawa ako eh." Ngumiti lang ako sakanya.

"Bakit pala mag-isa ka?" Tanong niya naman.

"Uhh, may klase pa kasi si Lily at Marco." Magkakilala na pala si Lily at Calvin dahil nga diba dumadalaw kami minsan sakanila.

Napansin ko lang sa mga nadadaanan namin puro nagbubulungan at nakatingin samin? Ansasama ng tingin! Well, hindi na nakakapagtaka. Pinagpapantasyahan nila 'tong kasama ko eh. Sikat nga pala siya dito nawala sa isip ko. Kaya medyo nauna ako sakanya maglakad.

"Bakit ang bilis mo maglakad?" Tanong naman niya.

"Ako? H-hindi ah! Mabagal ka lang talaga."

"Hindi naman ah. Tama nga la---"

"CALVIN!" Napalingon naman kami sa isang lalaking tumawag kay Calvin. Lumapit naman yun dito.

"Yo!" Sabi nung lalaki at nakipag-apir siya kay Calvin.

"Kanina pa kita hinahanap-- Uyyy! Sino yan ha? Hello! Daryl nga pala!" Sabi naman nung tumawag kay Calvin at nilahad niya yung kamay niya para makipag-shakehands. Kinuha ko naman yun at nagpakilala din.

"Cara." Nakangiti kong sabi kay Daryl.

"Cara? Woah! Ikaw ba yung tinulungan nito ni Calvin---"

"Oo siya yun kaya wag ka na ngang maraming tanong diyan." Sinimangutan lang siya ni Daryl.

***

Lily's POV

"Pwede na mag-dismissed. May meeting pa daw yung mga prof. para sa darating na foundation week!" Sigaw nung isa kong ka-blockmate kaya as usual, tuwang-tuwa naman ang lahat. Lumabas na ko ng room. Nasaan na kaya yung reyna ng ka-bitter-an?

Itetext ko na sana siya nung makita ko siyang may kasama. Si Calvin ba yun? Aba, close na talaga sila ah? May kasama pa silang isang lalaki na hindi ko kilala. Nakita naman ako ni Cara.

"Lily!" Tawag niya sabay aya sakin na pumunta dun. Lumapit naman ako.

"Bakit ang aga mo naman ata?" Tanong ni Cara sakin paglapit ko.

"Pwede na daw umuwi. Wala yung mga Prof. May meeting daw para sa darating na foundation week."

"Woah! Oo nga 'no, malapit na pala yun!" Sabi naman nung isang kasama nila Calvin.

"Lily, si Daryl pala. Kaibigan ni Calvin. Daryl, si Lily. Kaibigan ko" pakilala samin ni Cara. Tinanguan ko lang siya nung kumaway siya sakin.

"So, wala na palang klase. Nasaan na si Lance?" Tanong naman ni Daryl. Si Lance? Hindi ko nga nakikita yun.

My BITTERHalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon