Chapter 21: Bonding

12 3 0
                                    

Calvin's POV

Ang tahimik ni Cara habang kumakain. Natuwa lang naman kasi akong asarin siya kanina. Takte, baka nagalit 'to.

Ako na lang kaya magprisinta maghatid sakanya mamaya para makausap ko siya?

Ang cute niya lang kasi kanina nung nagba-blush siya kaya inasar ko pa siya. Galit kaya 'to?

"Hey Calvs, bakit di mo ginagalaw pagkain mo? Hindi ba masarap?" Biglang tanong naman ni ate Calyx.

"Ahh may iniisip lang ako."

"Ahh. Mamaya mo na isipin yan kumain ka muna" Sabi niya ulit kaya bumalik na ako sa pagkain ko.

Nang matapos kami kumain, pinaligpit narin ni ate Calyx yung mga pinagkainan kila Yaya.

"Cara, gusto mo na ba umuwi? Ipapahatid kita" Tanong ni ate Calyx kay Cara.

"Oo sana ate Calyx eh. Baka kasi hinahanap na rin ako nila mama." Sabi naman niya.

"Ganun ba? Sige, ipapahatid na kita."

"Uhh, ate" Tawag ko nang magsimula sila maglakad pero napahinto sila nung tawagin ko si ate Calyx.

"Bakit Calvs? Ahh oo nga, hindi ka pa pala nagpapaalam kay Cara. Paalam ka na dali kasi uuwi na siya." Sabi naman ni ate. Ano ba pinagsasasabi nito?

"Hindi. Uhh, ako na lang maghahatid kay Cara." Prisinta ko. Mukha namang nagulat si Cara.

"Sigurado ka?" Tanong ni ate kaya tumango lang ako.

"Ikaw bahala." Nakangiting sabi ni ate Calyx sakin.

"Kunin ko lang susi." Sabi ko then umakyat ako sa kwarto ko para kunin yung susi ng sasakyan ko.

"Tara?" Tanong ko kay Cara pagkababa ko pero nakatingin lang siya sakin kaya hinila ko na siya.

"Ingat kayo ah!" Pahabol pa ni ate Calyx.

"Bukod sa niluto ni ate Calyx, ano pang nakain mo at nagprisinta kang ihatid ako?" Tanong niya pagkasakay namin sa kotse ko.

"Wala naman." Sagot ko na lang tsaka ko pinaandar yung sasakyan.

"Ewan ko sayo. Alam mo para kang Czekoslovakia."

"Bakit naman?"

"Ang hirap mo spelling-in." Mahirap daw? Pero may naalala ako bigla. I-topic ko kaya yung kanina? Baka kasi nagalit 'to sakin eh.

"Cara, about kanina.." Pagsisimula ko habang nakatingin parin ako sa dinadaanan ko.

"Anong tungkol kanina?" Takhang tanong niya. Teka, hindi ko pala alam address niya.

"Saan ka nakatira?" Tanong ko sakanya.

"Basta ituturo ko na lang. Ano nga yung tungkol kanina?"

"Yung sa kwarto ko—"

"Ahh yun? Ano ka ba! Hindi ko naman sinasadya kasing pumasok sa kwarto mo eh. Nakabukas kasi eh, sorry na tsaka hindi ko rin naman sinasadyang makita kang nakaganun lang. Kung alam ko lang edi sana hinayaan na lang kita magutom para hindi na kita pinuntahan sa kwarto mo't tawagin ka para kumain. Nakakaloka ka naman kasi, dapat sa banyo pa lang nagbibihis ka na o di kaya naman i-check mo muna kung sinarado mo yung pinto mo nang walang makakapasok at walang makakakita sayo na nakaganun ka lang" Paliwanag niya. Pero natawa ko sakanya kanina kasi nagba-blush siya. Hahaha!

"Pfft, Hahaha!" Hindi ko nanaman napigilan matawa.

"Yan! Isa pa yang tawa na yan. Tatawa tawa ka pa kanina. Tuwang tuwa ka namang pagtripan ako eh 'no?"

My BITTERHalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon