Gaya ng dati, late na naman nakauwi si Mj Fedrigo ang nag-iisang apo ni Don Leo Fedrigo.
As usual, may bandage na naman siya sa kanyang ulo at ilang pasa sa katawan.
Membro siya ng kanilang school martial arts club, hilig na talaga niyang makipagbasagan ng ulo just to feel the pain.
But then again, wala siyang maramdamang sakit maliban sa kahungkangan sakanyang dibdib.
Maybe she is numb already.
Hindi man halata ng nakakarami pero miserable at malungkot ang buhay niya.
Pinapakita niyang malakas at matapang siya sa harap ng maraming tao, pero deep inside mahina talaga siya.
Napangiti si Mj ng pagak nang makitang masayang nag-uusap ang kanyang lolo at si Stephanie sa may hardin ng kanilang mansyon. Apo ito ni Charlyn Cortes na siyang ikalawang asawa ngayon ng kanyang lolo.
Hindi pa pala natutulog ang mga ito, may nakapa siyang inggit sakanyang dibdib.
Kahit pa sabihin na siya ang totoong apo ni Don Leo, pero malayong-malayo ang loob nito sakanya.
Dahil iyon sa isang pangyayari na ayaw na niyang balik-balikan pa.
Dahan-dahan siyang pumanhik sa magarang hagdanan ng kanilang mansyon papuntang second floor.
Ayaw niyang makita siya ng mga ito, tutal wala namang pakialam ang kanyang lolo kung umuwi na ba siya o hindi.
Prenteng nakaupo si Mj habang naghihintay na magsimula ang tournament.
She is a fourth year student in St. Paul University.
May laban ngayon ang tennis club nila sa Stanfold University. Dito sa school nila gaganapin ang tournament.
Parang kiti na nagtitilian ang mga schoolmates niyang babae.
Pero imbes na ang kanilang school tennis team ang e'cheer ng mga ito, kabaliktaran ang nangyari.And she cannot blame them, SU tennis players are like greek Gods kung palakasan at pagwapuhan ng appeal ang pag-uusapan.
Matatangkad din ang mga ito kabaliktaran ng sa kanila na parang pinagkaitan ng height!
Alam na niyang matatalo ang school nila but she still want to watch the match between their school and SU.
Bored kasi siya at wala siyang ibang mapaglilibangan. Kahit naririndi na siya sa ingay ng mga babaeng nasa labas ng court.
Narinig na niyang magagaling ang players ng kabilang school at gusto niyang makita at masaksihan iyon.
Napatuon ang pansin ni Mj sa lalaking nakatayo sa loob ng court.
Base sa uniform nito, alam na niyang player ito ng SU.
Nakatalikod ito sakanya, pero magkaganon paman alam niyang gwapo ito. Matangkad ito gaya ng iba nitong mga kasama.
Bawat grupo ng mga babaeng kinakawayan ng lalaki ay parang sinasapian sa kilig na kanilang nadarama.
Umikot paharap sa gawi nila ang lalaki, at bawat babaeng nakikita ay nginingitaan nito at kinakawayan.
Hindi nga siya nagkamali ng masilayan ang mukha nito, kulang ang salitang gwapo para ilarawan ang mukha mayroon ito.
Lumalabas sa bawat pagngiti nito ang malalalim na dimples na siyang lalong nagpapadagdag sa appeal ng lalaki.
Inaasahan na ni Mj na ngingitian din siya ng lalaki, pero hindi nangyari iyon.
Napalis ang mga ngiti nito ng mapatingin sakanya. Nakakunot-noo pa ito na parang ang pangit-pangit niya.
Pero agad naman iyong nawala ng ibaling na nito sa iba ang paningin. Gaya ng ginawa nito sa mga nauna sakanya, nakangiti ito habang masayang kumakaway.
She felt so insulted. Nangangalaiti siyang lapitan ang lalaki, gusto niyang tadyakan ang mukha nito.
Mj decided to stand up, aalis nalang siya. Nawalan na siya ng gana.
Pero bago siya makaalis, nilingon ulit niya ang lalaki.
Ganun nalang ang pagkagulat niya ng makitang nakatingin ito sakanya.
Tinasaan niya ito ng kilay.
Whaaaaat?!
Ngumisi lang ito sakanya na para bang may nakakatawa sakanyang mukha.
Napakuyom ang kamao niya, nakakadalawa na ang lalaking ito.
She really wanted to punch his face to erase that fvcking smirk.
She compose herself, sinamaan niya ito ng tingin.
And before she take her leave, nagdirty finger sign muna siya dito na siyang lalong ikinangisi ng lalaki.
Pero hindi na niya pinansin iyon, walang lingon-lingon na umalis siya.
May araw ka rin saakin!
LYCAN POVS
Nakangisi parin si Lycaniel Mercadejas habang nakatingin sa papalayong pigura ni Mj Fedrigo.
Yeah. Alam niya ang pangalan nito. He is Mj's stalker, nakakatawa because he was known as playboy pero totoo iyon.
He's been stalking her for almost a year now. Nakakahiya mang aminin pero ito ang ultimate crush niya.
Kahit palaging nakatali ang buhok ng babae at kahit palaging naka panlalaki ito, he still find her sexy and beautiful.
Yes, malayong-malayo si Mj sa lahat ng babaeng dini-date niya, but none of those woman captured his attention like Mj did.
Gustong-gusto niyang titigan ang bilugan mga mata ng babae. Alam niyang may nagtatago sa likod ng mga matang iyon.
Gusto niyang kilalanin pa ito. Ngayon lang niya ito nakita ulit after such a long time.
Nabusy kasi siya sa mga laro nila at hindi din sila magkapareho ng school nito kaya wala siyang pagkakataon na masilayan ang magandang mukha ng babae.
In-add niya ito sa fb pero ni hindi siya nito in-accept. Buti nalang may kaibigan siya na friend nito sa fb na pumayag na magpalit silang dalawa ng account.
And by that time, inaabangan na niya palagi ang mga post nito. Pero kahit sabihin na madalang itong magpost, ay okay lang iyon kay Lycan as long as nakikita niya ang mga pictures nito.
Hindi niya akalaing makikita niya ito doon, yes alam niyang doon ito nag aaral pero ang buong akala niya hindi ito manonood ng laro.
Napakunot-noo siya ng makita kanina ang bandaged saulo nito. Hindi niya alam kung saan nito iyon nakuha.
He cursed.
Sinong sira-ulong nanakit dito?
Mababasag niya talaga ang mukha ng taong iyon.No one will gonna hurt his girl. Yes, he's girl.
Because from this moment, he will do everything to make Mj Fedrigo his.
I'll promised, no one will gonna hurt you again.
BINABASA MO ANG
Sex Is My Business (Please Dont Read: UNDER REVISION)
RomanceMj Fedrigo is the granddaughter of Don Leo Fedrigo, one of the most powerful business tycoon in the Philippines. Maraming naiinggit sakanya kung pera ang pag-uusapan, pero hindi nila alam na napakamiserable ng buhay niya. Natatakpan man ng pera ng k...