Care
Alas diez y media na ng gabi nang makarating sya sa Baguio. Higit anim na oras din ang byahe mula manila papunta dito.
Kinakabahan man pero mas nanaig ang kagustuhan nya na makita si Lycaniel.
Mabuti nalang at may location na nakalagay sa post kung saan nakatagged ang binata.
Agad syang pumara ng taxi pahatid sa Grand Sierra Pines Baguio kung saan pansamantala na nakastay si Lycaniel kasama ang kateammates.
Pagkalabas nya sa taxi na ay agad na sumalubong sakanya ang malamig na hangin. Hindi sya nakapagdala ng jacket dahil sa pagmamadali kanina.
Pagkatapos ng kanilang klase ay agad syang pamarito kaya nakaschool uniform parin sya.
"Pwede bang magtanong miss?" she asked the receptionist.
Ngumiti ang babae sakanya.
"Yes ma'am, how may I help you?"
"Hmm, ano ba ang room number ng taga SU tennis varsity players?" pasimple nyang inilibot ang paningin sa lobby ng hotel.
"Wait a second ma'am" may tinipa ito sa computer na nasa harapan. "They're in room 436, 7th floor" dugtong ng babae.
Ngumiti sya dito at nagpasalamat. Agad syang sumakay sa elevator.
Tila nakikipagkarera sa pagtibok ang puso nya habang nakatingin sa pinto ng kwarto nila Lycaniel.
Nagdadalawang isip sya kung pipindutin ba nya ang doorbell o hindi.
Ngayon lang pumasok sa isipin nya kung papaano sasabihin sa binata o sa mga kasamahan nito kung bakit nandun sya at kung ano ang ginagawa nya doon.
She sighed. Nilabanan nya ang hiya sa maaaring isipin ng mga kasamahan ni Lycaniel sakanya.
Nanginginig na pinindot nya ang doorbell na nasa gilid lang ng pinto.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may bumukas narin sa pinto at iniluwa ang isang napakagwapong nilalang.
Katulad ni Lycaniel ay para din itong modelo sa tindig at tikas.
Alam nyang isa ito sa mga kateammates ng binata. Hindi na nakapagtataka iyon, sa pagkakaalam nya, lahat sila pawang biniyayaan na nag-uumapaw na kagwapuhan.
"Yes?" tanong ng lalaki. Hindi man ito nakangiti sakanya pero hindi rin naman suplado ang dating nito.
Napakamot sya sakanyang ulo, tumikhim muna sya bago sumagot.
"Nandyan ba si L-Lycaniel?"
Tumaas ang isang kilay nito na syang nagpapadepina sa makakapal na kilay.
"You are?" tanong nito imbes na sagutin sya.
"I'm M-Mj"
Napa"oh" ang lalaki. Umangat ang gilid ng labi nito para sa isang tipid na ngiti.
Nilakihan nito ang pagkakabukas ng pinto.
"I'm Ejie" pagkilala nito. "Come in" Pinapasok sya ni Ejie sa loob.
Pagkapasok nya ay agad nyang nakita ang ilan sa kasamahan ng binata na nanonood ng tv sa may sala.
Malaki ang silid na inupahan ng mga ito.
Natigil sa panonood ang mga naggwagwapuhang binata at nakukuryos na napatitig sakanya.
"Who is she?" tanong ng nakamushroom hairstyle. May bandana itong suot na nakapulupot sa ulo.
"Si Mj" simpleng sagot ni Ejie.
Bumalatay ang pagkabigla sa mukha ng mga ito habang nakatingin sakanya.
Iginiya na sya ni Ejie sa isang kwarto. Ni hindi man lang sya tinanong ng binata kung ano o kung sino ang pakay niya.
Nakapagtataka man pero mukhang alam na nito kung sino ang pinuntahan nya doon.
"He's inside, pasukin mo nalang" he said. Pagkatapos nyang magpasalamat ay iniwan narin sya nito.
Binuksan nya ang pinto at dahan-dahan syang pumasok sa loob.
Natutulog na Lycaniel ang sumalubong sakanya.
Napangiti sya sa nakikita. Hindi nya maiwasang hangaan ang binata. He looked like an angel sleeping silently.
Umupo sya sa gilid ng kama.
Sinalat nya ang noo ng binata, at gaya ng inaasan nya ay napakainit nga nito. And from the looks of it, mukhang apat na araw na itong nilalagnat.
Hindi nya maiwasang mas lalong mag-alala. Kaya pala hindi nito nagawang magparamdam sakanya ng ilang araw dahil siguro sa lagnat.
Nagpunta sya Cr at kumuha ng isang extra towel at maliit na palgana na nilagyan nya ng tubig.
Pupunusan nya ito dahil alam nyang makakabuti iyon sa pakiramdam ng binata. Iyon ang palaging ginagawa ng mommy nya sakanya satuwing nagkakalagnat sya.
Umupo sya ulit sa kama gilid ng kama kung saan natutulog ang binata.
Inilagay nya sakanyang kandungan ang palgana na may tubig saka sinimulan ang pagpunas sa mukha ng binata.
Pinunasan nya ang noo ni Lycaniel. Unang lapat palang ng basang tuwalya'y nalukot na ang mukha nito. Gumalaw ang binata at bumaling sa kabilang bahagi ng kama.
Hindi niya maiwasang mapatulala. Kahit na may sakit ito'y ni hindi man lang iyon nakabawas sa kagwapuhang taglay.
Bumuntong-hininga sya saka lumipat sa kabilang bahagi ng kama at naupo sa gilid niyon.
Marahan nyang hinaplos ang nagulong buhok ng binata. Ang kaninang nagkadikit na kilay ay unti-unti ng bumabalik sa dating pwesto. Tila nagkulay papel ang natural na mapula-pulang labi nito.
Nang bumalik na sa normal ang paghinga ni Lycaniel ay pinunasan nya ulit ang mukha nito. He shrugged. Pero hindi na ulit ito gumalaw pa at mukhang nasanay na yata sa bawat pagdampi ng basang tuwalya sa mukha nito.
Pagkatapos nyang mapunasan si Lycaniel ay inayos nya pa ang nagulong kumot nito. Nang salatin nya ang noo ng binata ay medyo hindi na ito maiinit.
Masaya sya at kahit papaano ay naibsan ang init sa katawan ng binata. Hopefully, he'll recover tomorrow.
Nahahapong naupo sya sa medyo may kalakihan na sofa na nasa loob ng kwarto. Napagpasyahan nya na doon nalang matutulog.
Ilang minuto muna ang pinalipas niya bago napagdesisyunan na mahiga. Humarap sya sa gawi kung saan mahimbing na natutulog si Lycaniel.
Kahit malayo pero ramdam nya ang hininga nito. Bago paman pumikit ang kanyang mga mata para matuloy ay nginitian muna nya ang nakapikit at mukhang anghel na binata.
Nasa kalagitnaan na sya ng kanyang pagtulog nang maramdaman na parang may bumubuhat sakanya. Pero sa sobrang pagod at antok ay hinayaan nalang nya ang sarili na magpatangay at magpalamon sa mundo ng kadiliman.
Pagkagising sa umaga ay agad na sumalubong sakanya ang isang maliit na papel na nakadikit sa gitnang ibaba ng kanyang noo. Hinaharangan ang kanyang paningin.
Kinuha nya iyon. Hindi nya maiwasang matawa dahil tila doctor ang syang sumulat sa mensahe na nakalagay sa doon.
Alam nyang sulat kamay iyon ni Lycaniel. Pero kahit na magulo ang pagkakasulat pero nababasa at naiintindihan parin naman niya iyon.
Thank you so much for taking good care of me last night. I've already texted your professors kung bakit ka absent ngayon. Don't worry about it. See yaaa later! :*
-----------------------------
A/N
Comments and Votes for more updates. 😙😙😙
BINABASA MO ANG
Sex Is My Business (Please Dont Read: UNDER REVISION)
DragosteMj Fedrigo is the granddaughter of Don Leo Fedrigo, one of the most powerful business tycoon in the Philippines. Maraming naiinggit sakanya kung pera ang pag-uusapan, pero hindi nila alam na napakamiserable ng buhay niya. Natatakpan man ng pera ng k...