Chapter 13

187 9 1
                                    


"Honeyyy! Finally you're here I've been waiting for you!" ang matinis na boses na iyon ang syang umagaw pansin kay Lycaniel mula saakin.

I was caught off guard nang bigla nalang may yumakap sa binata mula sa likuran. Hindi na dapat pero agad kong naramdaman ang pagkirot ng aking puso mula sa nakita.

Mas lalong hinigpitan ng binata ang pagkakahawak sa kamay ko nang akma ko itong babawiin.

Kumalas ito mula sa pagkakayakap kay Lycaniel atsaka nakangiting hinarap ang binata.

I'm a little bit taller than her but she's definately more beautiful. Mahahaba ang dalawang pilik mata nito na hindi ko mawari kung natural ba o hindi. Makinis ang mukha at babaeng-babae talaga ang dating nito hindi katulad ko.

"I miss you so mu------" napatigil ito sa pagsasalita at napatingin saakin. Mula saaking mukha ay bumaba ang tingin nito sa kamay namin ni Lycaniel na magkahawak.

Nalukot agad ang mukha nito dahil sa nakita. Mukhang hindi nito nagustuhan ang nakikita kaya babawiin ko na sana ulit ang kamay ko pero gaya kanina ay hinigpitan lang ni Lycaniel ang pagkakahawak niya saakin.

"Who is she?" Matigas nitong tanong sa binata pero ang matatalim nitong mga mata ay nanatili sa kamay namin.

"She's none of your business," Lycaniel answered coldly. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakanilang dalawa. Wala mangkompirmansyon mula sa mga ito pero alam kong may relasyon sila. Masakit man isipin pero hindi imposible iyon lalo pa at matagal narin kaming hindi nagkita nang binata.

Nilampasan lang ni Lycaniel ang babae habang tangay-tangay ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa binata.

Hindi ko na nilingon pa ang girlfriend niya kahit gusto ko pa. Somehow I feel guilty when I shouldn't be. Pero kahit na wala naman akong ginagawang masama pero hindi ko parin maitatago na gusto ko ang binata. Kahit sa kabila nang nangyari ay gusto ko parin siya.

"You sit there," turo niya sa malawak at malapad na sofa hindi ka layuan sa kinatatayuan namin. He must occupied the whole floor since wala na akong makitang ibang pinto aside sa nag iisang pinto na pinasukan namin.

"Ano ba talaga ang rason at dinala mo ako dito?" I asked him instead imbes na gawin ang sinabi niya. Nakataas ang aking kaliwang kilay habang nakikipag titigan sakanya. He's ocean blue eyes was too instense to be handle kaya ako rin ang unang nagbawi ng tingin.

"Umupo ka muna. We'll talk later" akmang tatalikuran na sana niya ako pero mukhang may hindi pa ito na sabi kaya tumingin ulit ito saakin. "Kung may balak kang tumakas pwes sinasabi ko na ito sayo ngayon na nagsasayang ka lang ng oras." anya na syang lalong nagpakulo sa dugo ko.

Tumalikod na siya at pumasok sa isang pinto di kalayuan sa kinatatayuan ko. Mukhang iyon ang kwarto ng binata.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan nang lugar. Halos lahat nalang ng mga gamit doon ay kulay puti. Mula sa dingding hanggang sa sahig ay puti rin. Sa isang tingin malalaman mo na agad na lalaki ang nakatira doon.

Pero hindi ko maiwasang mamangha. Magaling syang pumili. Maganda at mukhang pinag-aralan talaga ang pagkakadesenyo ng kanyang unit.

Ilang babae na kaya ang nadala niya dito? Hindi ko maiwasang isipin kahit na hindi naman dapat dahil labas na ako doon. Pero hindi ko na ibibilang ang sarili ko sa mga babaeng dinala na niya dito. Hindi naman ako dinala rito ng binata para sa rason na iyon. Nanikip ang dibdib ko dahil sa naisip.   Iniisip ko palang ang mga ginagawa niya kasama mga babaeng iyon ay parang pinipiga na sa sakit ang puso ko.

He's a grown up man now. Alam ko na may pangangailangan siya na kailanman ay hindi niya hahanapin saakin.

Mapait akong ngumiti. This is not the right time to think about it. Marami na ang nangyari at wala dapat syang puwang sa puso ko.

"Bakit nakatayo ka parin dyan?" Tanong ni Lycaniel saakin. Napakurapkurap ako dahil sa pagkabigla. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala siya.

Mukhang naligo siya dahil medyo basa pa ang mga buhok niya. Nakaputing tshirt at jogging pants na si Lycaniel ngayon. Hindi maluwag ang suot niyang jogging pants kaya mas lalo kong nakikita kong gaano kahaba ang mga binti ng binata. Natural lamang dahil matangkad na lalaki sya. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil doon.

Parang modelong naglakad siya palapit sa sofa saka naupo sa isa sa mga couches doon.

Iminustwera nito ang kaharap na upuon. Dalidali naman akong umupo doon.

"What do you want?" I asked him directly pagkaupo na pagkaupo ko.

He smirk. May kung ano sa ngiti or should I say sa ngisi niya na syang nagpakaba saakin.

He handed me an envelop. Hindi ko napansin na may hawak pala siyang ganito kanina.

Nilukob nang kakaibang kaba ang aking dibdib. Dahan dahan ko na tinanggap ang ibinagay niya.

Sa nanginginig na kamay ay binuksan ko iyon at ganun nalang ang takot ko nang makita ang mga larawan na nandoon.

Ramdam ko ang paghapdi nang dalawa kong mga mata palatandaan na ano mang oras ay iiyak na ako.

"B-bakit mayron ka n-nito?" Mahina at nauutal kong tanong sakanya.

"I have my sources" simpleng sagot niya saakin.

Pinagmasdan kong mabuti ang mga larawan. Hindi ako pwedeng magkamali. Ako ang babaeng nandon. Kasama ko sa bawat pictures ang mga lalaking nabiktima ko. Hindi ko alam kung paanong nangyari iyon. Ni hindi ko maalalang may nakapansin sa ginagawa ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung anong klasing laro ang pinaplano ng binata. Pero isa lang sinisigurado ko, hindi ako makikipaglaro sakanya. 

"I don't know why are you doing these but please leave me alone," pinatatag ko ang sarili because I don't want him to think na kayang-kaya niya akong takutin ng ganito.

"How can I? When you're my business?" nakaangat ang gilid na labi as if he was mocking me. He's making fun of me and I am very sure of that now. 

"Cut the crap Lycaniel, kung wala kang magawa sa buhay mo why don't you choose another victim instead of me? Kasi ako wala akong panahon para makipaglukohan saiyo" I said seriously kahit na kinakain na nang takot ang puso ko. 

Is he planning to report me to the police or what? I really don't have any idea why is he doing these stunts. Pinaimbestigahan pa niya ako without my knowing? But why?



------------

Hi guys, my another story is out, the title is "I love you off-cam". Please check it out :) Sorry for late update, will update more now. Thank you. 

Sex Is My Business (Please Dont Read: UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon