Chapter Six

1.4K 48 2
                                    

Pero gaya nga nang sinasabi ng iba, hindi lahat ng pangako natutupad.

Naniwala, nangarap at umasa siya sa mga pangako nito. Akala nya ang pag-ibig na nabuo ay totoo pero isa lang pala iyong napakalaking kasinungalingan.

When he said he loved her. She believed it. When he courted her, she accepted him. Believing that he would never hurts her. Nang dumating ito sa buhay niya, sumaya ang kanyang puso na ilang taong nalungkot. Pero panandaliang kaligayahan lang pala iyon. Akala niya wala nang mas sasakit pa sa pagkamatay ng kanyang ama. Pero kulang ang salitang sakit ng makita niya mismo sakanyang dalawang mata ang kataksilan nito.

Winasak nito ang puso na ito rin ang bumuo. Sana hindi nalang ito dumating, mas nakakaya pa nya noon ang ginagawang pambabalewala ng lolo niya sakanya kaysa ang ginawa nito. Sa anim na taong nawalay siya sa binata, wala ng ibang laman ang puso't isip niya kundi ito lamang. At sa mga pagkakataong naiisip niya ito ay bumubuhos ang kanyang mga luha.

Kahit nasaktan siya nito, hindi parin maiaalis nun ang katutuhanan na ito parin ang una niyang pag-ibig.

And it makes her heart sick when she remember all the good words and the broken promises.

Walang buhay siyang napangiti.

Napalayas sya sa kanila sa mismong gabi kung saan natuklasan niya ang kataksilan sakanya ni Lycaniel.

Mas naging mahirap sakanya ang buhay simula ng mapalayas siya. Dalawang taon siyang nahinto sa pag-aaral. Kahit labag man iyon sa kalooban ay wala siyang nagawa. Kulang at hindi sapat ang sahod niya bilang isang waitress sa di kilalang resto.

Mabuti naman kahit papaano, naging mabait ang panginoon sakanya. Nakahanap agad siya ng murang bahay na mauupahan. Nakaipon at nakapagpatuloy din siya sa pag-aaral sa kolehiyo.

Ngayon nga ay graduating na siya sa kursong accountancy. Pero mas dumami naman ang gastusin niya. Mas lumaki kasi ang bayadin niya sa eskwela. At kaylangan niyang mabayadan iyon kung gusto niyang makagraduate lalo pa at running for suma cum laude siya.

Wala na siyang ibang choice kundi pasukin ang raket na ito.  Ilang linggo na rin niyang ginagawa iyon. Kahit labag man sa kalooban wala siyang ibang choice kundi gawin iyon.

Alam niya, sa mata ng diyos kasalanan parin iyon kahit ano paman ang rason kung bakit mo ginagawa iyon.

Kung hindi siya mag-iingat maaari pa siyang makulong. Kaya naman gaya ng ginagawa niya, palagi siyang nagsusuot ng wig at mas kinakapalan pa niya ang kanyang make up para hindi siya makilala ng magiging biktima niya.

Nandito siya ngayon sa isang kilalang bar hindi para mag-unwind or magbinta ng aliw. Nandito siya para makahanap ng prospect victim.

Pasimple siyang umupo sa madilim na bahagi ng bar. Pero medyo madilim dun ay naaaninag parin niya ang mga tao sa paligid.

Everyone are busy drinking, some are busy dancing. Hindi niya inalintana ang nakakabinging musika.

Mapang-akit na nginitian niya ang isang lalaki na ganina pa nakatingin sakanya. Base sa paraan nang pakakatitig nito sakanya ay nakuha na niya ang atensyon nito.

Dahan-dahan itong humakbang papunta sa dalaga. Nasa labi nito ang isang matamis na ngiti. Gwapo ang lalaki pero hindi kasing gwapo ni Lycaniel. Hindi niya alam kung bakit palagi niyang kinukumpara ang lahat ng lalaki sa binata.

'Hi beautiful lady, you alone?' tanong nito pagkalapit sakanya. Agad nitong ipinalibot sakanyang bewang ang isang balikat.

Medyo naasiwa siya doon pero hinayaan nalang niya. Kaylangan niyang magtiis ng konti.

Iniisip siguro nito na easy girl siya, pero hindi nito alam na hindi iyon ang kanyang pakay.

Inilapit nito ang mukha sa gilid ng kanyang leeg. Kuntudo pagpipigil ang ginawa niya wag lang itong maitulak.

'Are you bored?' marahan niya itong itinulak imbes na sagutin ang tanong lalaki. Itinuro niya ang dancefloor, kaya napalingon ang lalaki dun.

Lihim niyang kinuha ang pakete ng sleeping pills at pasimple iyong inilagay sa hawak na baso ng lalaki na naglalaman ng alak.

'Let's dance loverboy' she seductively said.

'Sure beautiful' uminom muna ito sa hawak nitong baso na naglalaman ng alak. Inalalayan siya nitong makatayo mula sa pagkakaupo.

Pero nakakailang hakbang palang sila ay natumba na ito. Agad niya itong hinila pabalik doon sa kinauupuan niya kanina. Mabuti nalang at walang nakapansin sa kanila.

Iniupo niya doon ang lalaki. Base sa malalalim na paghinga  ay mukhang nakatulog na ito.

'I'm really sorry but I really need to do this' hinging paumanhin niya dito.

Dahan-dahan siyang umupo patabi sa malas na lalaki. Kinapa niya ang kaliwang bulsa nito at hindi naman siya nabigo dahil agad niyang nahanap ang kanyang pakay.

Nagmamadaling kinuha niya ang pitaka ng lalaki. Kaylangang makaalis na siya doon bago pa may makapansin sa ginagawa niyang krimen.

Binuksan niya ang pitaka at agad na kinuha ang naaaninag na pera. Madilim kaya hindi niya makitang mabuti pero alam niyang pera iyon.

Pagkatapos ay binalik naman agad niya sa bulsa ng lalaki ang pitaka nito saka siya nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.

She feel bad. But she had do it. Konting pagtitiis nalang ang kaylangan niyang gawin.

Limang libong peso ang nakuha niya mula sa lalaki kanina sa bar. Nakauwi na siya ngayon sa maliit na apartel na inuupahan niya.

Malungkot siyang napatingin sa pera. Kahit pa sabihin na para iyon sakanyang kinabukasan, hindi niyon maikakaila na gumawa parin siya ng masama sa kapwa niya.

Walang gana niyang inilagay iyon sa loob ng isang kahon kasama ng iba pang pera na ninakaw niya. Konti nalang ang kulang niyon at pwede na siyang tumigil.

Pagkagraduate niya, maghahanap agad siya ng magandang trabaho. At ipapanalangin nalang niya sa panginoon ang kasalanang pinaggagawa niya.

Nakatulog siya ng may luha sa mga mata. At gaya ng dati, ibinabalik na naman siya ng kanyang panaginip sa nakaraan. Sa nakaraan kung saan naniwala siya sa mga pangako ng binata, mga pangako na napaku.

--------

A/N

Sorry for the x typos. Comments and votes are accepted :) thanks

Sex Is My Business (Please Dont Read: UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon