Chapter 12

1.1K 63 21
                                    

Shit! I silently cursed habang nakikipagtitigan sa lalaking hindi ko inaasahang makikita pa.

It been years since the last time I saw him. Hindi naging maganda ang huli naming pagkikita kaya ang pangungulila na unti-unting kong nararamdaman ngayon ay isang napakalaking kahangalan.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kanyang mukha. Walang nagbag-o. Pero kung gwapo na siya noon mas lalo na yata ngayon. He matured a lot. Ang dating mapaglarong mga mata niya noon ay nawala na. Seryoso siyang nakatitig saakin na tila ba nakikilala niya ako sakabila ng makapal na make up.

Nakatingala ako sakanya habang siya ay nakayuko saakin. Matangkad na siya noon pero mas lalo yata siyang tumangkad sa nakalipas na taon. Sa mga taong hindi niya ako nakasama.

Huling beses ko na sanang gagawin ang kasamang ito pero mukhang minamalas yata ako at sa lahat pa ng lalaki ay itong si Lycaniel pa ang lumapit saakin gayong hindi naman siya ang lalaking puntirya ko kanina.

'You look so familiar,' he said. Marahan akong napapikit pagkarinig ko sakanyang baritonong boses. God knows I much I miss it.

'Do I know you?' he asked dahilan kung bakit ako napadilat. Hindi pwedeng makilala niya ako. Hindi na dapat dahil hindi na kailangan.

Tinitigan ko siya ulit saka ko sya nginitian ng tipid. Kuntudo pagpipigil ang ginawa ko huwag lamang tumulo ang aking mga luha. Hindi na dapat ako umiiyak dahil sakanya. Hindi na dapat ako nasasaktan ngayon.

Pero hindi ko kayang pigilan ang sakit na unti-unting bumabangon saakin puso. Ang sugat na nilikha niya ay hindi na yata kailaman maghihilom.

'I don't think so' I replied as I look away. Ramdam ko parin ang mga titig niya saakin pero hindi ko na inaalintana iyon.

'You sure?' Tumango ako saka siya tinignan ulit. Nasa mga mata niya ngayon ang pagdududa. At kung hindi pa ako aalis ngayon ay paniguradong malalaman na niya ang totoo. Na ako ang babaeng sinaktan niya noon. Na ako iyong babaeng naniwala sa lahat ng kasinungalingan niya.

'Cr lang ako,' paalam ko. Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Agad ko na syang tinalikuran.

Nanginginig ang buo kong katawan habang naglalakad ako palayo sakanya. Hindi ko na sya nilingon pa kahit na gusto kong mapagmasdan sa huling pagkakataon ang mukha niya.  Ayaw kong makita niya saaking mga mata ang tunay na sagot sakanyang tanong kanina.

Hindi niya ako minahal noon. Ginamit niya lang ako, so hindi dapat ako nagpapaapekto sakanya ng ganito. Pero ang traydor kong puso ay iba ang isinisigaw.

Instead of going to the restroom I turn left and headed to the exit. Pagkalabas ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Mabilis akong naglakad palayo sa club kung saan doon sana ako hahanap ng panghuling nanakawanan.

Konti nalang sana ang kulang ko para makabayad sa paaralan pero mukhang hindi saakin ang gabing ito. Malalim akong napabuntong hininga. Ang kaba at kabug saaking puso ay nandun parin na tanging si Lycaniel lamang ang nakakagawa.

Marahas kong hinablot ang wig saaking buhok. Tumigil ako bahagya para pahirin ang aking mga luha na kanina na pala bumuhos.

Maglalakad na sana ako ulit nang bigla nalang may umagaw sa wig nahawak ko. At ganun nalang ang panlalaki ng aking mga mata pagkakita ko Lycaniel.

Dahil sa pag-iyak ko kaya paniguradong naalis na yung makapal kong make-up. Paniguradong sa mga oras na ito ay nakikilala na niya ako.

Nakakunot ang kanyang noo habang madilim na nakatingin saakin.

"Hindi ko inakalang doon pa talaga kita makikita" he said darkly. Mula saaking mukha ay ibinaba niya ang kanyang tingin saakin katawan. He looked so disgusted as he was staring at my body. Hindi ko maiwasang yakapin ang sarili ko sa paraan ng pagkakatitig niya saakin. Masyadong revealing ang suot ko ngayon dahil parte iyon ng raket ko. "Hindi ko akalain na magiging ganito ka kababa"

Sex Is My Business (Please Dont Read: UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon