Nakasalubong niya si Stephanie habang papaalis siya sa court kung saan gaganapin ang laro, mukhang doon papunta ang mga ito. Alam niyang may gusto ito sa isa sa mga players ng taga SU.
Umangat ang kaliwang kilay nito ng mamataan siya, pero gaya ng dati, she just looked at her with no emotion at all.
Wala siyang panahon sa kaartihan nito. Lalampasan na sana niya ito ng harangin nito ang daraanan niya, pati ang mga alipores nito ay nakiharang narin.
Isa-isa niyang tinignan ang mga ito bago niya binalingan si Stephanie. Tinaasan niya ito ng kilay para iparating na hindi kaylanman siya natatakot dito.
'Akala mo makakalimutan ko yung pangengealam mo nung isang gabi!' galit na kumpronta nito sakanya. Ang tinutukoy nito ay iyong nangyari sa loob nang cr ng convinient store kung saan may inaaway itong babae. It just happened na nandun din sya ng time na iyon.
Tumaas ang gilid ng kanyang labi para sa isang nang-uuyam na ngisi.
'I don't have time for your dramas' she said coldly. Tinignan niya ng masama ang isang kasama nito, natatakot na tumagilid agad ito para makahakbang na siya.
Pero bago paman siya makaalis ay hinawakan na ni Stephanie ang kanang balikat niya.
Mahina siyang napatawa at malamig pa sa hangin na tinitigan niya ito.
'You better get your filthy hand off my shoulder kung ayaw mong magkaroon ng ganito' sabay turo niya sakanyang pasa sa mukha. Mukhang naiparating naman niya dito na hindi siya nagbibiro kaya agad nitong binitiwan ang balikat niya.
'Hindi pa tayo tapus, i'll make it sure na makakarating ito kay lolo lalong-lalo na iyong pambubwesit mo saakin nung isang gabi' pagbabanta nito saka nito binalingan ang mga kaibigan. 'Let's go girls' maarti itong naglakad palayo sakanya kasama ang mga kampon nito.
Nagkibit-balikat lang siya, wala siyang pakialam kung isumbong man siya nito. Hindi na siya bata para matakot sa mga walang kwentang pagbabanta nito. Dati oo, but anymore. Tapos na siya sa kabanata ng buhay niya kung saan lahat ng gusto nito sinusunod niya just to pleased her lolo.
Pero nung marealized na hindi niya talaga makuha ang loob ng kanyang lolo kahit ano paman ang kanyang gawin ay tumigil na siya.
She gave up, hindi na siya makikihati pa sa isang atensyon na hindi naman kayang ipagkaloob sakanya.
Gabi na kaya sa isang kilalang fastfood chain nalang niya napagdesisyunan kumain.
Dahil siguro peak hour kaya sobrang dami ng tao at ang taas din ng pila.
Masyaga lang siyang naghintay hanggang sa malapit na siya sa counter. Nasa ikatlong pila na siya ng mapagmasdan niyang mabuti ang mukha ng lalaking nagtatake order sa harapan at ganun nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makilala ito.
Hindi siya maaaring magkamali, isa ito sa varsity players ng SU. Ito iyong lalaki gahapon na siyang dahilan kung bakit hindi na siya nakapanood ng laro.
Pero anong ginagawa ng lalaking ito dito? Nagpapart time job ba ito?
Balak sana niyang lumipat sa kabila pero na dismaya siya ng makitang mataas din ang pila kaya nagkasya nalang siya doon sa pwesto niya.
Nang makapag-order at makaalis na ang babaeng nauna sakanya ay agad na siyang lumapit sa binata.
Akmang sasabihin na sana niya dito ang kanyang orders ng mapansin na imbes sakanya ay sa kanyang likuran ito nakatingin.
'Hi ma'am good evening, may I take your orders' matamis ang ngiti na sabi nito pero ang mga mata ay nanatili sakanyang likuran.
Wala sa sariling napalingun siya at ganun nalang ang galit niya ng makita ang isang magandang babae. Nakangiti rin ito at tila nagpapacute pa sa lalaki. Well, she can't blame her. Kung ikaw ba naman ang ngitian ng isang napakagwapong lalaki siguro ganun din ang magiging reaksyon mo.
BINABASA MO ANG
Sex Is My Business (Please Dont Read: UNDER REVISION)
RomantizmMj Fedrigo is the granddaughter of Don Leo Fedrigo, one of the most powerful business tycoon in the Philippines. Maraming naiinggit sakanya kung pera ang pag-uusapan, pero hindi nila alam na napakamiserable ng buhay niya. Natatakpan man ng pera ng k...