I'm on my way. Hihintayin kita sa parking lot ng school nyo :*
Iyon ang mensahe na natanggap niya sa binata. Napangiti siya sa emoticon na ginamit nito sa dulo.
Apat na araw na mula ng sunduin siya nito, at simula noon ay palagi na siyang sinusundo ng binata.
Sinabi niya kay Lycaniel nung isang araw na sa parking lot nalang siya hintayin nito at wag na siyang puntahan pa. Kasi baka may makakita sakanilang dalawa.
Ayaw niyang isipin ng kanyang mga schoolmates na may namamagitan sakanila ng binata.
Ayaw nyang siraan ang reputasyon ni Lycaniel. Alam naman niya na walang ibang kahulugan ang ipinapakita nito sakanya. Baka gusto lang nito na pakitaan siya ng kabutihan.
She is happy. Ang makasama ito ay nagdudulot na nang kasiyahan sakanyang puso.
Dati, satuwing umuuwi siya ay ibayong lungkot ang kanyang nadarama. Pero noong unang araw na inihatid siya nito ay wala siyang maramdamang lungkot, bagkus ay kayapaan at kasiyahan ang namayani sakanyang kaibuturan.
'Hi Mj' napalingun siya kay Philip. Lumapit ito sa kinauupuan niya. Last period na nila ngayon, malapit na mag-uwian pero hindi pa rin dumadating ang kanilang filipino teacher.
Nginitian niya si Philip. Umupo ito sa bakanteng upuan sa harapan niya. Mukhang lumabas ang kaklase niya na siyang nakaupo dun.
'H-hindi ako makapaniwala na kayo na pala ni Mercadejas' malungkot na sabi nito sakin.
Natatawang umiling ako. How I wish!
'Hindi ko siya kasintahan' umaliwalas ang mukha nito dahil sa narinig.
'Really?' tumango siya bilang tugon. 'Okay lang ba naihatid kita ngayon?' his eyes are full of hopes.
Ayaw nyang biguin ito, pero kaylangan. Naging mabuti ito sakanya, pero hindi niya nahanap dito at sa iba pa niyang manliligaw ang nahanap niya kay Lycaniel. Hindi bahay kundi isang tahanan ang natagpuan niya sa binata.
'I'm really sorry Philip, pero may susundo na kasi saakin' hinging paumanhin niya dito. Agad na lumungkot ang mukha nito.
'S-susunduin ka ba ni Mercadejas? Is he c-courting you?' tumango at umiling siya dito.
Yes, susunduin siya ni Lycaniel. Pero hindi siya nito nililigawan.
'Nope, hindi niya ako nililigawan' medyo na lungkot siya sa katutuhanang iyon.
Kahit na hindi niya pa ito gaanong kilala at nakasama ng matagal. Pero alam niyang may munting puwang na ito sakanyang puso.
'Wag kang basta magtitiwala sa taong iyon. I knew him. He's a playboy' alam na niya iyon pero medyo hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita ni Philip na tila ba sa paraan ng pagkakabigkas nito ay masamang tao si Lycaniel.
'Alam ko na yan. Hindi naman nakakapagtaka iyon lalo pa't sobrang gwapo nito' sumama ang mukha ng kanyang kaklase. Hindi na siya nito kinibo. May nakikita siyang paninibugho sa mga mata nito, pero hindi na niya binigyan pansin iyon.
Gumuhit ang isang napakagandang ngiti sakanyang labi ng mamataan ang binata.
Tila ito modelo na nakatayo pa sandig sa gilid ng sasakyan nito.
Ngumiti si Lycaniel at pagkakita sakanya.
'How's school?' tanong nito. He open the door for her as always.
'It was fine, malapit na ang first periodical exam namin so medyo busy pero kanina hindi pumasok yung filipino teacher namin' kwento agad niya sa binata pagkapasok nito sa driver's seat. Ewan ba niya, but everytime she's with him, nagiging palakwento siya.
He chuckled as he start the engine. He was about to say something nang bigla nalang tumunog ang cellphone nito para saisang tawag.
'Can you accept it for me?' ininguso ni Lycaniel sakanya ang cellphone nito na nasa ibabaw ng dashboard. 'Pakiloudspeak narin'
Nang-alangan pa siya nang una dahil iniisip niyang baka girlfriend or isa sa mga babae nito ang tumatawag dito. Pero nang makita niya kung sino ang tumatawag ay para siyang nabunutan ng tinik.
Gagong Macanza's Calling..
'Where in hell are you Mercadejas!?' bungad agad ng kaibigan nito sa kabilang linya. 'Don't tell me tatakasan mo na naman kami? Aba't apat na araw kanang hindi sumasama sa practice ah!' agad siyang napabaling sa lalaki dahil sa narinig. Sinamaan niya ito nang tingin pero nginisihan lang siya nito.
Hindi pala nakakapagpractice ito dahil sa ginagawa nitong pagsundo sakanya pero ni hindi man lang iyon nasasabi sakanya ng binata. Naguilty tuloy siya, ni hindi man lang niya naisip iyon.
'Shut up dickhead. I'm driving' tumatawang turan nito sa kaibigan. He even wink at her.
Muntik na tuloy niyang nakalimutan ang galit niya dahil sa ginawa nito. Why? He's so irresistible. Pero hindi niya hinayaan ang sarili na madala sa kilig na unti-unting sumasalakay sa kaibuturan niya habang nakatingin sa nakangising mukha ng binata.
'Huwag na huwag kang magpapakita samin bukas dahil panigurado masasakal ka lang naming lahat dito. Beastmode na si captain at coach sayong gago ka!'
'With or without practice I can still win the game. Magaling yata ako. At saka sobrang gwapo ko pa' mayabang na sabi ni Lycaneil dahilan para makurot niya ang balikat nito. At gaya kanina, nginisihan lang ulit siya ng binata.
'Really huh? Ano na naman bang nahithit mo Mercadejas? Katol na naman ba? Aba, tigil-tigilan mo na iyan. Napakalaki mong fvck you!' nangangalaiting wika ng kaibigan nito saka pinatay ang tawag.
Tatawa-tawa lang sakanyang tabi si Lycaniel pagkatapos ng tawag. Hindi na niya napigilan ang sarili at nahampas na niya ito.
'Ouch baby! Brutal mo naman. Feeling ko pag nagpakasal tayo magiging battered hus----' piningot niya ang tenga nito dahilan para hindi nito natuloy ang sasabihin.
Pinanlakihan niya ito ng mata. Anong sinasabi nito na kasal? Ni hindi pa nga sila mag-on at wala pang ligawan na nangyari tapos kasal na agad ang sinasabi nito?
Kahit lihim siyang natuwa sa sinabi nito pero hindi niya ipinahalata iyon.
'Bakit hindi mo sinabi sakin? Hindi ka pala nakakasama sa practice niyo tapos wala ka man lang sinasabi saakin' she accused him.
Nagkibit-balikat lang si Lycaniel sakanya.
'Hindi naman importante iyon kaya di ko na sinabi' sinapak na niya ang binata sa pagkakataong iyon. Hindi ba nito iniisip na baka matalo ito sa susunod nilang game?
'A-aray!'
'Anong hindi importante? Laro mo ang nakasalalay dito. Pano kung matalo ka?' magkasalubong na ngayon ang dalawang kilay niya habang pinakatitigan nito.
Nilingun siya nito saglit saka ulit ibinalik ang tingin sa daan. He sighed.
'This is not all about the game. This is all about us. Kahit hindi ako makapagpractice, I know I can still win the game. Pero kapag hindi kita nakita at nakausap, I don't know if I can win you, or if I can win your heart'
-------
A/N
Sorry for x-typos.
Votes and comments are accepted :)
BINABASA MO ANG
Sex Is My Business (Please Dont Read: UNDER REVISION)
RomanceMj Fedrigo is the granddaughter of Don Leo Fedrigo, one of the most powerful business tycoon in the Philippines. Maraming naiinggit sakanya kung pera ang pag-uusapan, pero hindi nila alam na napakamiserable ng buhay niya. Natatakpan man ng pera ng k...