Mataman syang nakatingin sa payapang karagatan na nasa kanyang harapan. Umaasa na sana bumalik ang kanyang mommy.Her mother died last year, dahil sa sakit sa puso. Pero sa murang kaisipan, umaasa parin siya na babalik ito sakanila.
She miss her so much. At sa nalalapit na birthday niya ay ang makasama ulit ito ang siyang tanging kahilingan.
She'll turning 9 next month. Sobrang kay bilis ng panahon. Parang kahapon lang ng huli nyang nakasama ang ina.
"Baby?" umaliwalas agad ang kanyang mukha pagkakita sa kanyang daddy.
"Daddy!" agad siyang yumakap dito at niyakap naman siya nito pabalik.
"Just stay here, okay? May kukunin lang ako sa loob. Don't come near in the water. I will be right back," nakangiting tumango siya sa ama.
Nandito sila ngayon sa isa sa mga beach resort na pagmamay-ari ng kanyang lolo. Pero hindi pa open sa public kaya wala pa itong gaanong tao.
"Very good" ginulo ng ama ang kanyang buhok. He went inside the house leaving her all alone.
Napatingin ulit siya sa karagatan. Sobrang napakapayapa ng tubig. At ang napakalamig na simoy ng hangin ay sobrang sarap sa pakiramdam.
Wala sa sariling napahabang siya palapit sa dagat. Nawala sakanyang munting isipan ang bilin ng ama. Ang tanging nasa isipan niya ay ang makalapit doon.
Napangiti siya ng naramdaman ang banayad na paghaplos ng tubig dagat sakanyang dalawang paa.
May nakita syang isang napagandang kabebe na nasa gilid ng kaliwang paa niya.
Yuyuko na sana siya para kunin iyon ng bigla siyang makarinig ng isang napakalakas naugong galing sa isang sasakyan na pandagat.
Pero bago paman siya makagalaw para tignan kung ano iyon ay may tumulak na sakanya.
At ganun nalang ang kanyang takot ng magkulay pula ang tubig. And there she saw her father, laying and bathing with his own blood.
Agad na umagos ang masaganang luha sakanyang mga mata. She screamed in terror. She screamed until she can't scream no more.
Napabalikwas ng bangon si Mj. Pinagpawisan ang buong katawan niya kahit sabihin pa na nakaon ang aircon sakanyang silid.
Napaginipan na naman niya ang aksidente na iyon na syang kumitil sa buhay ng kanyang daddy.
Wala sa sariling pinalis niya ang mga luha na unti-unting umaagos mula sakanyang mga mata.
His death changed everything. Hindi lang ito ang nawala sakanya. Nawala din ang lolo niya sakanya.
Hanggang ngayon nasasaktan parin siya. Hanggang ngayon ay nagdurugo parin ang sugat sakanyang puso na kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi parin naghihilom.
It was all her fault. Kaya siguro naging mahirap ang buhay sakanya sa nakalipas na mga taon.
Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa kanyang gilid. She opened her facebook, hoping that Lycaniel's still online.
Alam niyang imposible na iyon lalo pa at alas dos na ng hating-gabi.
Pero umaasa parin siya, she need someone to talk to.
Laging galak niya ng makitang nakaonline pa nga si Lycaniel. Although, nagtataka siya kung bakit gayong ang lalim na ng gabi.
She was about to chat him but to her dismay Lycaniel went offline.
Napabuntong-hininga siya, feeling all alone again. Pero lumiwanag agad ulit ang puso niya ng makita na nag-online ulit ito.
Hi she messeged him.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala parin siyang nakuhang reply mula sa binata.
She was about to give up when her phone beep up.
Lycaniel Mercadejas
video calling from messengerExcited na pinundot niya ang accept button. Agad na sumalubong sakanya ang gwapong mukha ng binata.
Nakasando ito ng kulay puti. Nakalitaw ang dalawang braso nito na medyo may kalakihan na.
May nakikita siyang nag-iinuman sa likuran nito. Kilala niya ang ilan sa mga iyon, kasamahan ito ng binata sa tennis club.
"Nag-iinuman kayo?" casual niyang tanong dito. Medyo may naramdaman siyang kung ano sa puso ng makitang may iilan rin na babae ang naroon.
Nag-iwas ito ng tingin sakanya at napakamot ito sa kilay. Tumikhim muna si Lycaniel bago tumango sakanya.
"Birthday kasi ng isang kaklase ko"
"It's already 2am, you should go home. Diba may klase pa bukas?" napatingin ito sakanya. Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi nito.
"Uuwi na talaga ako dahil sinabi mo" nakangiting wika nito sakanya. Naglakad ito palabas ng bahay. May tumawag pa sa binata na isang babae pero hindi na iyon pinansin ni Lycaniel.
"Hindi ka ba magpapaalam sakanila?" tanong niya ng makitang lumalayo na ito. Mukhang papunta na ito sa parking lot.
Umiling si Lycaniel, "No need" tipid nitong sagot.
Matiim siyang pinakatitigan nito.
"Ikaw, ba't gising ka pa?" agad na bumalik ang pait na kanyang nadarama kanina dahil sa tanong nito.
"May napanaginipan lang ako na hindi maganda" sagot niya.
"Do you want me to come over to your house?" umiling agad siya.
"Huwag na, I'll be okay" she heard him sighed.
"Please? Kahit sandali lang?" he pleaded.
May pagsusumamo sa mga mata nito. Nakanguso pa ang labi na syang naging dahilan para lumitaw ang dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi.
"Okay, pero sandali ka lang dito" nakita niya ang pagliwanag ng dalawang mata nito.
"Huwag ka munang lumabas ng bahay nyo hangga't hindi pa ako dumadating. Okay?" she nodded.
He went inside his car. Hindi na niya ito kinausap dahil ayaw niyang maistorbo ito sa pagmamaneho.
Ang cool nitong tignan habang seryusong nagdadrive. Lumalabas ang dimples nito satuwing napapakagat ito sa labi.
Hindi niya inakala dati that a man with dimples can be this hot.
"I know I'm handsome, so I understand why you're staring me intently" uminit ang dalawang pisngi niya dahil doon.
----------
A/N
Sorry for x-typos
Comments and Votes for more updates :)
BINABASA MO ANG
Sex Is My Business (Please Dont Read: UNDER REVISION)
RomanceMj Fedrigo is the granddaughter of Don Leo Fedrigo, one of the most powerful business tycoon in the Philippines. Maraming naiinggit sakanya kung pera ang pag-uusapan, pero hindi nila alam na napakamiserable ng buhay niya. Natatakpan man ng pera ng k...