Lumabas agad siya sakanilang mansyon pagkarating ng binata. Kinailangan pa niyang maglakad ng ilang minuto dahil medyo may kalayuan ang kanilang gate.Agad nyang nakita si Lycaniel na prenteng nakaupo sa hood ng kotse nito.
Lumapit sya sa kinaruruunan ng binata. Huminto sya sa mismong harapan nito.
He tap the space beside him, urging her to sit there. Walang salitang umupo nalang siya doon.
"Tell me about your dreamed" anito. Tumagilid ito paharap sakanya.
Hindi agad siya nakapagsalita. Nagdadalawang isip kasi siya kung sasabihin ba niya iyon sa binata o hindi.
Wala pa syang napagsasabihan tungkol doon. Masyado iyong sensitibo para sakanya, kaya hanggang ngayon hindi parin niya nagawang ibahagi iyon sa iba.
But Lycaniel is different. Komportable syang kasama ang binata.
She looked at him in the eyes. Tila may kung ano sa mga mata nito, parang nababasa nito ang kanyang totoong saloobin na pilit nyang itinatago.
Tila hinihikayat siya ng mga mata nito na ibahagi ang isang parte ng kanyang buhay na pilit na nyang kinakalimutan pero patuloy parin na naging dahilan kung bakit siya nasasaktan.
"M-matagal ng nangyari iyon, p-pero hanggang ngayon ay iyon parin palagi ang na-napapanaginipan ko" hindi niya napigilan ang paggaralgal ng kanyang boses.
Mataman lang na nakikinig sakanya ang binata. Sumasakit ang puso niya satuwing nagsasalita. Naging mahirap man, pero nagawa naman nyang maikwento dito ang lahat.
Siguro ito narin ang tamang panahon para bumitaw. Masyado siyang yumakap sa masamang ala-ala na iyon kaya siguro hanggang ngayon hindi parin naghihilom ang sugat sakanyang puso.
"I-it was my f-fault" hindi na niya inalintana ang mga luha na kanina pa umaagos sakanyang mga mata.
Inakbayan siya ni Lycaniel. Agad syang nakaramdam ng kaluwalhatian dahil sa ginawa nito.
"Hush, it was not your fault" kinabig siya nito payakap. Kusang umangat ang dalawang kamay para ipulupot sa bewang ng binata. "May dahilan ang Diyos kung bakit iyon nangyari. Wag mong sisihin ang sarili mo. Soon, marerealize din ni Don Leo na wala kang kasalanan"
Mas lalong bumubos ang kanyang masaganang luha. Siguro nga tama sila, para maibsan ang sakit, kailangan mo lang umiiyak. Kailangan mo lang ng isang tao na handang makinig saiyo.
Naramdaman niya ang marahang paghaplos ng binata sakanyang buhok. Mas lalong bumuti ang pakiramdam niya dahil doon.
Napalayo siya kay Lycaniel ng mapagtanto na nabasa na ng kanyang mga luha ang suot nitong sando.
"S-sorry" hinging paumanhin niya.
"It's okay, no worries. You can cry in my arms anytime" pinalis nito ang natitirang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Don't you ever think na kasalanan mo ang nangyari noon" hinawakan nito ang isang kamay niya at marahan na pinisil iyon "Always remember, na satuwing naiiyak ka at gusto mo ng kausap ay nandito lang ako palagi. You can always count on me"
Parang gusto tuloy ulit nyang umiyak dahil sa sinabi nito.
"S-salamat Lycaniel" ngumiti siya dito at nginitian naman siya nito pabalik.
Pinisil nito bigla ang ilong niya dahilan para mapahiyaw siya.
Napahawak sya sakanyang ilong at sinamaan niya ito ng tingin.
Nginisihan lang siya ng binta.
"Smile ka na po, please?" he said cutely, flashing his dimples. Tila ipinagmamalaki talaga nito sakanya ang pamatay nitong mga biloy dahilan para mapangiti nalang rin siya.
BINABASA MO ANG
Sex Is My Business (Please Dont Read: UNDER REVISION)
RomanceMj Fedrigo is the granddaughter of Don Leo Fedrigo, one of the most powerful business tycoon in the Philippines. Maraming naiinggit sakanya kung pera ang pag-uusapan, pero hindi nila alam na napakamiserable ng buhay niya. Natatakpan man ng pera ng k...