It's already 3am, but still I can't sleep knowing that Lycaniel is in the next room.
He blackmailed me, the nerve of that man at nakuha niya pa akong pasunurin sa ganitong paraan.
Up until now hindi parin maalis sa isip ko ang mapang-asar na ngisi na naglalaro sakanyang mga labi kanina.
He's a devil in disguised. Siya pa nga ang may kasalanan saakin noon tapos siya pa ang may lakas loob para takutin ako. Wow! Just wow!
Ang kapal, ang kapal talaga! Hindi ko tuloy maiwasang isipin na siguro sa haba nang panahon na hindi ko siya nakita ay tuluyan na siyang nasiraan ng utak. Wala ng ibang rason kung bakit niya ito ginagawa ngayon, it's either he's crazy or he's just making fun of me again just like what he did before.
Kinakain na naman ng pait at sakit ang puso ko everytime naiisip ko ang nangyari noon. Parang kailan lang, hanggang ngayon naalala ko parin kung paano niya ako ginago.
At ngayon mukhang balak pa yata niyang makadalawa? Putang-ina nalang talaga na hahayaan ko siya. Hindi na niya ako mapapaikot katulad nang ginawa niya saakin dati. Not again, not again Mercadejas.
Pagkabalik nila Lycaniel mula sa paligsahan na sinalihan kung saan sila ang nanalo ay ipinagpatuloy niya ang paghatid sundo saakin.
Pinaghihintay ko lang lagi ang binata sa parking lot kahit minsan gusto niya akong puntahan at hintayin mismo sa labas ng aming silid-aralan.
Ayaw kong may makakita saamin at baka ano pang isipin ng mga schoolmates ko. Hindi naman dahil sa nahihiya ako, ayaw ko lang maissue kaming dalawa ng binata. Alam kong naging mabait lang siya saakin at ayaw kong bigyan ito ng iba pang kahulugan. Pero hindi ko maiwasan na kiligin sa bawat pagkakataon na sinusundo niya ako.
Sino naman kasi ang hindi? Lycaniel is very handsome, he's perfect in everything. At sa loob nang mga araw na pagsundo niya saakin ay wala na akong ibang ginawa kundi ang lihim na pagmasdan ang kanyang mukha, secretly admiring every details of it. Hindi ko naman magawa na titigan siya ng hayagan at baka mahalata pa ako ng binata.
He PMed me on messenger kanina lang na nandun na daw siya sa parking lot ng aming school, naghihitay saakin. Lihim akong napapangiti habang excited na naglalakad papunta doon.
Hindi man alam ng binata pero sobrang saya ko sa mga nagdaang araw dahil sakanya. Inaamin ko sa sarili na si Lycaniel ang aking happy pills, he brought colors to my black and white life.
Nanguno't ang aking noo nang makita ang napakaraming babae na nando'n sa parking lot, tila may pinagkakaguluan. It's already five pm. Dapat nakauwi na ang mga ito.
Kinakabahan na naglakad ako palapit, at hindi nga ako nagkamali. Pinapaligiran ng mga ito si Lycaniel.
Nakangiti lamang ang binata sa mga schoolmates kong babae na labis na humahanga sakanya. Some of them tried to talked to him pero tango at ngiti lang ang isinasagot ng binata.
'Lycaniel' tawag ko sakanya. Napalingun saakin ang mga babaeng nandun, pero hindi ko na binigyan pansin ang mga ito.
Humakbang ako palapit sa binata. Sumilay agad ang isang napakagandang ngiti sa mga labi niya nang makita ako. Siya iyong tipo na hindi madamot sa ngiti pero parang may iba sa pagkakangiti niya saakin ngayon at sa pagkakangiti niya kanina sa mga babaeng nagkakagulo sakanya.
He's smiling at me as if ako lang ang magandang babae dito or was just I imagining something. Or masyado lang akong nag-aasume sa mga bagay na hindi dapat binibigyan ng ibang kahulugan.
Napalis ang magandang ngiti sa mga labi niya pagkalapit ko. Ang mga kilay na kanina ay magkalayo ngayoy magkadikit na.
Hindi ko maiwasang magtaka dahil sa inaakto niya ngayon.
"Ma-may problema ba?" Mahina kong tanong sakanya. Pero imbes na sagutin ay pinagbuksan nalang niya ako.
Natahimik ang mga buong paligid. Kung gaano ako katahimik pumasok sa loob ng kanyang sasakyan ay ganon din katahimik ang mga schoolmates ko na nakamasid lang saamin dalawa ni Lycaniel. Nakanganga at tila hindi makapaniwala na magkakilala pala kami ng binata.
Nakarating na kami sa bahay ay hindi parin ako kinikibo ng binata. Pero bago paman ako makababa ay hindi ko maiwasang kausapin siya.
Hindi ko alam kung bakit siya galit saakin. Hindi rin ako sanay na ganito siya ngayon. Sanay akong nakikita na naka ngisi lang siya.
"Lycaniel, galit ka ba saakin?" Hinarap ko siya at pinakatitigan.
Nakita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.
"Hindi" tipid na sagot niya saakin. Ni hindi man lang niya ako pinagkabalahang tignan, hindi ko maiwasang masaktan sa pagbabalewala niya saakin ngayon.
"Im so-sorry if I did something wrong," naiiyak na ako sa pinapakita niyang kawalan ng interes na makig-usap saakin.
He's my only friend. For the short span of time, siya ang naging dahilan kung bakit sumasaya na ako ngayon. Siya lang Ang nagparamdam saakin noon.
He bited his lips saka dahan-dahan na lumingon saakin. His eyes is bloodshot. Hindi ko kayang basahin ang mga emosyon nakapaloob sa kanyang mga mata, the intensity of his stares is too much for me, I can't handle it.
"You have another bruises, nung nakaraan may pasa ka rin. Fuck!" He cursed. "Nagagalit ako. Nagagalit ako kasi hindi mo inaalagaan ang sarili mo when all I did is taking good care of you!" He was almost shouting. Dahil mestizo kaya agad na namula ang mukha niya.
Natameme ako dahil sa narinig. I don't know how to react. Ako lang ba ang nag-iisip na may ibang kahulugan ang huli niyang sinabi?
"I hate it, I hate seeing you like this" he said it with so much pain. Hindi ko alam bakit ganito, ayaw kong mag-isip dahil ayaw kong umasa.
Pagkababa ay pinaharurot agad ng binata ang sasakyan. Ni hindi na siya nakapagpaalam katulad ng madalas niyang ginagawa.
Walang buhay akong pumasok sa loob. Hindi ko inakala na darating ulit ang pagkakataon nauuwi akong ganito. Lifeless and sad.
@all, Hi readers happy reading! 😊😊 If you noticed, medyo na bago yung paraan ng aking pagkakasulat it is because I've learned a lot from the past years 😘😘😘. Chapter 16 of WAMEC is posted, please check it out. Thank you
Comment below and vote for more updates 😊😊😊😊
BINABASA MO ANG
Sex Is My Business (Please Dont Read: UNDER REVISION)
Roman d'amourMj Fedrigo is the granddaughter of Don Leo Fedrigo, one of the most powerful business tycoon in the Philippines. Maraming naiinggit sakanya kung pera ang pag-uusapan, pero hindi nila alam na napakamiserable ng buhay niya. Natatakpan man ng pera ng k...