Hinampas niya ito sa braso para mapagtakpan ang kilig na unti-unting bumabangon sa kaloob-looban niya.
'Hoy gago, huwag mo nga akong pinagluluko' sinadya niyang palakasin ang boses para hindi nito mapansin ang panginginig ng kalamnan niya.
Sumasayaw sa pagkaaliw ang asul na mga mata nito, as if he's suppresing his laughters. Nang hindi na nito mapigilan ang sarili ay tumawa na talaga ito.
Wala sa sariling hinampas niya lamesa na siyang dahilan kung bakit napatigil ito at kung bakit napatingin ang ibang kumakain sakanila.
Iniumang niya ang kamao niya dito, 'Nakita mo ito? Sanay na akong makipagbasak ulo kaya tumigil ka dahil walang nakakatawa sa sinabi ko. Baka gusto mong ipakain ko lahat ito saiyo para matahimik ka' saka niya inilahad ang kamay sa mga pagkain na nasa harapan nila.
Napansin niyang natigilan ito saka napatitig sa mukha niya. Tila may kung anong mali sa mukha niya dahil nakakunot-noo na ito.
'Yeah, I can see that' he sighed. Gumalaw ang panga nito na siyang mas lalong nagpadepina sa mga iyon.
Pinigilan niya ang sariling mapanganga sa pagkain na nasa harapan niya, not referring the real food but the man in front of him.
Even with those messy hair, he still looks so hot.
He put his two arms on the table, saka nakapangalumbaba na pinakatitigan siya. Hindi siya sure, pero feeling niya parang biglang umiinit ang kanyang magkabilang pisngi dahil sa titig nito.
Am I blushing?
Kumuha siya ng french fries saka iniumang sa bibig nito, 'Gusto mo?' tanong niya. Umiling ito saka ipinagpatuloy ang patitig sakanya. 'Bakit ganyan ka makatingin?' nakataas ang kilay na tanong niya sa binata.
Naiilang na siya sa intensidad ng mga titig nito kaya lihim siyang napalunok.
'What happened to your face? Bakit may mga pasa ka?' his cold tone sent shivers down my spine.
Nag-iwas siya ng tingin dito, 'Wala ito, im one of the members in our school martial arts' simpleng sagot niya kahit na parang matutunaw nasiya sa mga titig nito.
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila. Hindi na kasi ito nagsalita at pinagmamasdan nalang siya habang kumakain. Hindi niya tuloy malunok-lunok ang kinakain niya dahil may mas masarap pa na pagkain sakanyang harapan.
What the hell are you thinking!? Halos makutusan na niya ang sarili dahil sa mga pinag-iisip.
Iniumang niya sa binata ang burger na hindi pa niya nakakagatan, pero umiling lang ito bilang tugon sakanya.
'Bakit ayaw mo? Hindi ko pa nga to nakakagatan eh' my heart skipped while looking at him. Is it bad?
'Kaya nga ayaw ko eh, kasi hindi mo pa nakakagatan' nanlaki ang mata niya sa narinig pero ngisihan lang siya nito. Hindi niya tuloy mawari kung alin sa dalawa ang gusto niya, iyon bang nakakunot-noo ito o yung nakangisi lang kagaya ngayon.
'Eww ka' napanguso siya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Napatigil siya ng makita na tumayo ang binata sa kinauupuan nito.
May lumapit sa kanila na isang maganda at seksing babae. Nakashort-short ito at tank top. Maputi ito at napakakinis ng balat.
Napasimangot siya, basta babae talaga ang bilis ng lalaking ito.
'Lycaniel' sa tamis ng boses nito, kulang nalang langgamin ang binata na ngayon ay may matamis naring ngiti habang nakaharap sa babae.
Lycaniel? Well, tunog babaero rin. Bagay na bagay talaga sa makating binata.
Hindi niya alam kung anong ipinagpuputok ng butsi niya but the idea of seeing him smiling sweetly to this girl pissed her off big time.
'Czarina, it's nice to see you here. Hindi ko alam na kumakain ka pala dito' he said coolly.
Yumuko siya to calm herself, hindi niya alam kung anong nangyayari pero masakit sakanya na makita ito na may kinakakausap itong ibang babae.
Baka naiinsulto lang siya kasi hindi ganito ang pakikitingo sakanya ng binata. That's right, wala nang iba pang logical na dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng ganito.
'Ba't hindi, lalo pa at alam ko na pamilya niyo ang may-ari nito' napaangat ang tingin niya sa binata dahil sa narinig na sinabi ng babae.
Napakamot ito sa ulo saka pasimpleng tumingin sakanya, sinimangutan lang niya ito. Kaya pala ganito ito makaasta, pamilya pala nila ang may-ari.
Sobrang yaman pala ng loko, complete pakage na. Gwapo, matangkad at mayaman. Eh di wow! Siya na iyong pinagpala ng Diyos. Nasa kanya na ang lahat!
'I missed you, na miss mo rin ba ako? Hmm?' mapang-akit na mas lumapit pa ito sa binata.
Napatingin sa kanya si Lycaniel, there's something in his eyes that she couldn't named.
Tinaasan niya ito ng kilay. Napatuwid siya ng upo, nakita niya ang ginawang paghawak ng babae sa kamay ng binata.
'I missed you too, of course' narinig niya na wika nito sa babae. Napaismid siya.
Sa harapan pa talaga niya balak maglampungan ng mga ito. Kay sarap pagbabatuhin ng dalawang makakati.
Nang di na niya makayanan ay napagdesisyunan nalang niyang umalis na. She just lost her appetite.
'San ka pupunta?' Lycaniel asked her ng makita nito ang pagtayo niya.
'Uuwi n--'
'Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo' may nahimigan siyang galit sa boses nito. Aba't ito pa ang may ganang magalit sakanya.
'Wala kang pakialam' sagot niya saka niya ito inirapan. Bakit kailangan pa siyang pakialaman nito, bakit hindi nalang nito atupagin ang babaeng sawa na ngayon ay nakalingkis na sa braso ng binata.
Mukhang ngayon lang siya napansin ng babae base narin sa panlalaki ng mga singkit nitong mata. Yes, she's beautiful indeed. Kaya sayang ito kung magpapaloko lang sa makating si Lycaniel.
Nakita niya ang marahas na pagtanggal ng binata sa mga kamay ng babae na nakakapit sa balikat nito. Mukhang nagulat din ang babae sa ginawa ng binata.
Pero ang mas ikinagulat nilang dalawa ay ang ginawang paglapit ng binata sakanya.
And before she can react, hinawakan na nito ang isang kamay niya saka siya hinila paalis doon.
BINABASA MO ANG
Sex Is My Business (Please Dont Read: UNDER REVISION)
RomanceMj Fedrigo is the granddaughter of Don Leo Fedrigo, one of the most powerful business tycoon in the Philippines. Maraming naiinggit sakanya kung pera ang pag-uusapan, pero hindi nila alam na napakamiserable ng buhay niya. Natatakpan man ng pera ng k...