ASTRO PAG NAGOUTING

459 22 1
                                    

Kasalukuyang nasa gitna ng daan ang sasakyan ng astro para hanapin ang ruta ng paga-outingan nila. At eto namang driver nila na si JinJin ay nakalimutan kung saan nga ba sila dadaan.

Rocky: Hyung dyan tayo liko sa kanan. Feeling ko talaga dyan eh.

MJ: Hindi hyung, dito yun sa kaliwa. Liko tayo kaliwa!

EunWoo: Try nyo kayang magtanong -_-

Binaba naman ni sanha ang bintana para magtanong. Sakto naman na may dumaan na matandang babae kaya agad nya itong tinanong.

Sanha: Manang, saan po ba yung di kaaya-aya falls?

Manang: Ay yun ba? May madadaanan kayong chapel pagkatapos ay makikita nyo na yun.

Sanha: Eh?

MoonBin: Manang! Saan- manang wait lang! Huy manang! MANANG! TOKWA! BINGI BA YUN?

JinJin: Basta may madadaanan tayong chapel! Lintek na! Saang chapel ba yun?

Rocky: Yun na nga eh! Nasa kanan kasi yun!

MJ: Di nga kasi hyung, nasa kaliwa nga.

JinJin: Ay leche! Kayo na magdrive! Kayo na oh!!

MJ &Rocky: (^_^)v

Sanha: Ako na lang! ^_^

JinJin: MUKHA MO! umupo ka lang dyan.

MoonBin: Naman oh!! Balita ko pa naman madami dun chix! Hanep!

Sinubukan ulit ni sanha magtanong ng may dumaan ulit.

Sanha: Ale, saan po ba yung di kaaya-aya falls?

Ale: Liko kang kaliwa tapos liko ka ulit kanan. Diretso lang doon at puro gubat ang mapapasukan nyo. Pagkatapos nun ay may aakyatin kayong bundok.

Muntik namang mahilo si sanha sa mga sinabi ng ale. May mga action pa kasi. Buti na lang ay sumingit si EunWoo.

EunWoo: Akala ko po ba may madadaanan kaming chapel??

Ale: Taga rito ka ba?! Eh sa wala naman kayong madadaanan na chapel eh! *walk out*

MJ: Beastmode si ale? Eh?

EunWoo: Hayaan nyo na yun. Liko na lang tayo kaliwa.

Lumiko nga sa kaliwa ang astro at pagkatapos ay lumiko ng kanan at may nadaanan nga silang gubat pero wala naman silang nakitang bundok.

Sanha: Hyung natatakot na ako~ feeling ko nasa wrong turn 2 tayo. Grr~

MJ: Maknae naman eh!! Natatakot na din kaya ako!

Rocky: Balik na kaya tayo?

JinJin: Wait lang may bata. Tanungin muna natin.

Binaba muli ni Sanha ang bintana para tanungin ang bata.

Sanha: Bata, saan ba yung di kaaya-aya falls?

Bata:......

Sanha: Bata??

Bata:....

Sanha: Huy, ayaw sumagot.

MoonBin: Hey, little kid saan matatagpuan yung di kaaya-aya falls?

Bata:.......

Di pa rin sumagot ang bata at nanatili lang itong nakayuko. Hinawakan naman ni Sanha ang bata sa balikat at nagulat sila ng tumingin ito sakanila ng nanlilisik ang mata.

Sanha: WAAAAH~ HYUNG! ALIS NA TAYO DITO!! MAY ZOMBIE!! HYUNG MAY ZOMBIE! AAAHHH~

JinJin: Shet! TOKWAAAA!!

At agad na pinaharurot ni JinJin the leader ang sasakyan nila pabalik. At dahil doon ay di na nila pinlano pang bumalik sa falls na yun.

Di nga kaaya-aya. >\<

Requested by Imjeongmin

☆☆☆☆☆☆

Astro ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon