ASTRO IMAGINES (MJ AND LAE)

237 10 6
                                    

Dedicated to itzRailee for requesting.

Bes, gabi na. Pero wala pa rin yung bibe mong jowa. Di mo nga alam kung pano mo yon naging jowa eh. Sa mukha ba namang bibe? Hahahaha pero dahil sa maganda ka syempre kaya mo sya naging jowa. Di mo naman kase maitatanggi na mukhang bibe man sya sa ating paningin ay gwapo pa rin sya. Kumbaga sa lahat ng bibe sya ang pinakagwapo.

(Pero sa panahon ngayon. Inililibing nya na si Mj sa isip nya. Eh pano ba naman ang sabi ng magaling na si Mj  magdedate sila.)

Eh inabot ka ng undas wala pa rin si Mj! Kaloka.

Lae: Humanda ka talaga sakin Mj.

Bulong mo sa sarili mo. Aba syempre nandito ka lang naman sa sikat na restaurant kung saan kayo magdadate ni Mj. Kaya di ka makasigaw kahit na gustong-gusto mo na.

Unknown guy: Hi? Pwede bang makishare ng table? Wala na kaseng bakante eh.

Bes! Gwapo!! Kamukha sya ni fafa Jemen bes!! Syempre tumulo laway mo. Ang gwapo eh! At syempre pumayag ka. Ang kaso nga lang...

Mj: HI BABE! MY HONEY BUNCH! ASAWA NG NAGIISANG AKO AT WALA NG MAKAKA-AGAW PA DAHIL IKAW AY AKIN AT AKO'Y SAYO MY LOVE OF MY LIFE SARANGHAEYO ANDITO NA IS ME ^_^

Lumapit si Mj sayo at hinalikan ka nya sa noo.

Unknown guy: Uh? Who's this guy?

Tanong nya sayo at tinuro si Mj. Symepre nagulat ka sa biglang paglutaw ni Mj out of nowhere kaya di ka makasagot. At Mj bilang si Mj sya na lang ang sumagot.

Mj: Pinakagwapo nyang asawa. Bakit may angal ka?

Unknown guy: Ah. Okay. Aalis na lang ako.

Mj: Ayon umalis na hahaha. Babes my honey bunch sino ba yung bakulaw na yon?? Di ka naman nangaliwa diba?

Lalo namang uminit ang ulo mo sa tanong nya. Anong klaseng tanong kase yon Mj?? Late ka na nga sa date nyo magtatanong ka pa kung nangngaliwa yang girlfriend mo. Hays

Lae: Ako? Nangaliwa? Eh baka ikaw ang nangangaliwa. Paalala ko lang ah late ka ng LIMANG oras.

Bigla namang napaayos ng upo si Mj. Syempre alam naman nya na nalate sya ng dating at pinaghintay ka ng matagal.

Mj: Sorry na my babes honey bunch love of my life. Masyadong napahaba yung practise namin at traffic pa. Promise di na mauulit. Ito na ang first and last na malalate ako sa date natin ^_^

Lae: Tss. Oo na. Libre mo na lang ako.

Mj: Di ka na galit?

Lae: Di na.

Mj: Weeh?? Sige nga kung di ka na sakin galit. Mag I love you ka nga ^3^

Lae: Tsk. Dami mong alam. I love you. K na?

Mj: ahihihi ano?

Lae: Sabi ko. I love you Kim Myung Jun.

Nagulat ka naman ng bigla ka nyang yakapin at siniksik ang ulo nya sa leeg mo sabay sabing.

Mj: I love you too, jagiya.

☆☆☆☆☆☆
Ahehe shemey kenekeleg eke. Hi Lae! Sorry kung di ko nagawa yung request mo oemjii di ko alam kung ano yung tinga eh hahaha. Sorry for disappointing you >.< mianhae. ---RIN

Astro ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon