ASTRO PAG NILAGNAT SI MOONBIN

650 39 45
                                    

MJ: Di pa ba gising si MoonBin? Tanghali na oh.

JinJin: Tingnan ko baka gising na.

-----

JinJin: YAAAAAH!! SI MOOBIN ANG HOT! LUH AKO LANG DAPAT HOT DITO DIBA? TOKWA!! *cries a han river*

EunWoo: Anong hot pinagsasabi mo? (le hinipo ang noo ni MoonBin) Shet! May fever si MoonBin.

Rocky: Magluluto muna ako ng soup. *tumakbo patungo sa kusina*

EunWoo: Maknae kumuha ka ng thermometer dali!!

Sanha: Aye aye! Captain! Ooooh~ who lives in a pineapple under the sea?
SPONGEBOB SQUAREPANT-!

EunWoo: Sanha! Utang na! Wag ka ng magkanta dyan! Kunin mo na yung thermometer!

Sanha: Sareh okeh! sareh! ^_^v

JinJin: Sabihin nyo! AROHA!!! mas hot na ba sakin si Moonbin?? *cries again*

Habang nagkakagulo sila ay iba naman ang ginagawa ni MJ. Nagrerecord sa cellphone.

MJ: Ahem* Ahem* NANAWAGAN HO KAMI!! MAY KASAMAHAN PO KAMING MALUBHA ANG KALAGAYAN. KAILANGAN PO NAMIN NG WHEEL CHAIR, OXYGEN, OXYGEN TANK, LABORATORY GOWN! GAWIN NYO NA PONG ANIM AT-

EunWoo: MJ! UTANG NA LOOB MAY LAGNAT LANG SI MOONBIN! ANONG GAGAWIN NATIN SA LABORATORY GOWN AT MAY PA WHEEL CHAIR WHEEL CHAIR KA PA DYAN?

MJ: Ah ganun ba? Haha soreh na!

Sanha: Hyung eto na yung thermometer

EunWoo: MAKNAE! Thermometer hindi thermos!!

Sanha: Eh? Magkaiba ba yun? Parehas lang naman may thermo eh.

EunWoo: *Facepalm* ako na nga lang ang kukuha.

Rocky: Heto na yung soup.

Sanha:Hep! Tikman ko muna. Baka mapait.

JinJin: Hindi na ako ang pinaka hot ng ASTRO! *histerical mode*

EunWoo: Eto na yung thermometer.

MJ: Ako na maglalagay kay MoonBin.

EunWoo: MJ!! Juscolored!! Sa kili kili yan nilalagay hindi sa tyan!

MJ: Kanina ka pa high blood dyan. Tinitingnan ko lang kung alam nyo pano gumamit neto.

Sanha: Sus, palusot pa tong bibe na to!

MJ: HALAAA! DALHIN NA NATIN SI MOONBIN SA OSPITAL!

JinJin: Why? Wae? Bakit?

MJ: 98.83 degree celciuos!! MOONBIN! WAG MO KAMING IIWAN!

EunWoo: MJ! baligtad yung thermometer! 38.89 lang naman. MJ talaga!

JinJin: Ako pa rin naman ang pinaka hot sa astro diba?

Sanha: Aish! Oo na hyung!! Magbabad ka lang sa mainit na tubig magiging hot ka na pramis!

EunWoo: Asan na yung soup?

Rocky: Sandali! Magluluto ulit ako.

EunWoo: Akala ko ba nagluto ka na?

Rocky: Tinikman ni Sanha! Naubos!!

EunWoo: ANO?!! TINIKMAN LANG NAUBOS NA?!

Sanha: ^_^v

At wala ng katapusang ingay ang naganap sa dorm nila. ^_^ kawawang MoonBin haha.

☆☆☆☆☆☆
Kawawa naman ang baby ko. Samahan ko na lang sya sa ospital haha.

Astro ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon