Nagising ako dahil sa sobrang lakas ng ulan. Ulan na hindi parin tumitigil simula kahapon. Naka tulugan ko na rin ang pag iisip sa mga nangyari sa'kin kahapon. Simula sa di kilalang lalake na nag text, kay Ivann at sa instant boyfriend ko na instant rin ang pagka wala. Maganda naman yung babae, sexy maputi mukhang mayaman. RIn one word DYOSA. Ano pa kayang ayaw nya doon?Alas kwatro na ng madaling araw hindi na rin naman ako makatulog dahil sa lakas ng ulan, kaya lumabas na ako sa maids quarter. Wala na rin naman doon si Manang Liz.
"Magandang umaga po" bati ko kay Manang Liz na tinugunan nya naman ng ngiti.
"Kelly,mamaya ay uuwi muna ako sa bahay namin. Malapit lang naman iyon dito, nasa labas lang nitong Village. Nag aalala kasi ako sa mga apo ko at sa bahay namin." Si Manang Liz.
"Sige po walang problema" sagot ko habang tinitext ang kapatid ko.
Ako: malakas rin ba ang ulan dyan?
Walang sagot na dumating. Naisip kong tulog pa iyon dahil maaga pa, kaya sinabihan ko na lang na mag ingat.
Ang lungkot ng paligid kapag umuulan. Nagbukas ako ng tv para malaman ang lagay ng bagyo. Namamasyal na nga ito sa Pilipinas.
Gaya ng sinabi ni Manang Liz umalis na nga ito ng lumiwanag na ang kapaligiran. Napag alaman kong Wala din si Ma'am Emi gayon din ang asawa nya. Si ma'am kasi halos bahay na nya ang ospital. Si sir naman may hearing sa malayong lugar.
Mag isa lang pala ako dito. Wala rin kaya si Ivann? Tanong ko sa isip ko ng mapadaan sa hagdan. Naisip kong pagkatapos kong malinis ng bahay ay magkukulong na lang ako sa kwarto. Wala din naman akong masyadong gagawin dahil malakas ang ulan.
Hapon na at wala namang Ivann na bumababa mula sa taas. Nagsimula na akong kabahan nang mapagtanto na mag isa lang pala talaga ako. Lalo kasing lumakas ang ulan. May kasama pa itong malakas na hangin at paminsan minsang pag kulog at pag kidlat.
Natatakot ako. Buong buhay ko hindi ko pa naranasan ang mag isa. Sa loob pa ng isang malaking bahay. Di ko na mabilang kung ilang halimaw at mga multo ang lumabas mula sa imahinasyon ko at sa tuwing pumipikit ako.
Sinecure ko ang buong bahay. Ni locked ko na ang mga pinto at mga bintana kahit na alas kwatro pa lang.
Papunta na ako sa maid's quarter ng makarinig ako ng ingay mula sa kusina.
Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. May multo talaga dito!
Anong gagawin ko? Aalamin ko ba kung ano iyon? O magkukunwari akong walang narinig?
Isa na namang tunog ang gumulat sakin. Tunog ito ng nabasag na plato! Tinungo ko na ang kusina at paulit ulit kong binulong sa sarili, MATAPANG KA KELLY!
"Wala bang pagkain?" Biglang humupa ang kaba na nararamdaman ko ng makitang si Ivann lang pala iyon . Pinupulot nya ang mga piraso ng nabasag na plato.
Nagbasag ba ito dahil walang pagkain?
"Sorry akala ko kasi ako lang mag isa dito. Kaya hindi na ako nagluto" sagot ko habang lumapit sa kanya. "Ako na yan"
"No. Kaya ko na 'to" sabi nya habang pinupulot pa rin ang mga bubog. "Ipagluto mo na lang ako please?" Pakiusap nya na nakatingin sa akin.
"Ok . Ano bang gusto mong kainin?" Tanong ko.
"Ikaw"
"Huh?" Tanong ko sa sagot nyang d ko ata narinig o hindi ko naintindihan dahil sa ulan.
"Fried egg na lang. Sunny side up."
Mabuti na lang at itlog lang ang gusto nya. Hindi kasi ako magaling mag luto.
"Si yaya?" Tanong nya habang hinahanda ko ang pagkain nya.
"Umuwi muna. Nag aalala daw sya sa mga apo nya eh"
"Sabi ko sunny side up, bakit scrambled 'to?" Naka simangot nyang tanong.
"Sorry, uulitin ko na lang." Sabi ko
"Pwede na 'to" sabi nya ng akmang kukunin ko ung plato na may itlog.
Sunny side up naman yun. Kaya lang hindi maganda ang pagka basag ko sa itlog plus nahirapan pa kong kuhain iyon mula sa kawali. Kaya nadurong.
Pagkatapos nyang kumain ay umalis na rin ito sa kusina. Nang mahugasan ko naman ang pinagkainan ay natulog na ako.
TOK! TOK! TOK!
"Sino yan?"
TOK! TOK! TOK!
"SINO YANNNNNN?" Mas malakas kong tanong ng gisingin ako ng sunod sunod na pagka tok. Napatingin rin ako sa orasan at alas- otso pa lang pala ng gabi. Ang bagal talaga ng oras kapag umuulan.
"Ivann" sigaw nito.
Asar naman! Alam nyo yung feeling na ang sarap ng tulog mo tas gigisingin ka ng gwapo?!
"May ipag uutos ka pa?" Tanong ko ng mabuksan ang pinto.
"Can you stay with me?"
"With you?"
"There in the living room"
"Bakit?"
"I hate typhoon" sabi nya at tinalikuran na ako.
"You hate? O you're scared?" Natatawang pang aasar ko.
Nilingon nya akong muli. At lumapit sya sakin.
"I'm the boss here, can't you just follow?" Galit nyang sabi.
"Kalalake mong tao ang duwag duwag mo, bading!" Natatawa kong sabi at nilagpasan sya.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para asarin sya ng ganon. Siguro nga FC lang talaga ako haha. Papunta na sana ako sa living room ngunit hindi pa ako nakakalayo ay nahagip nya ang wrist ko. Hinila nya ako pabalik at isinandal sa pinto ng kwarto namin.
"Sino ang bading?" Marahan pero matigas nyang tanong.
"Sino?" Tanong nya ulit at inilapit ang mukha nya sa akin.
"Sino?" Sa bawat tanong nya ay papalapit ng papalapit ang mukha nya sa akin. Isang SINO pa nya at mahahalikan na nya ako!
Nanginginig ang tuhod ko sa sobrang kaba. Hindi ako makapag salita. Nakaramdam ako ng takot sa kanya. Nakakagalit ba talaga para sa isang lalake kapag sinabihan mo silang bading?
OA naman manghahalik agad?
"Sino kelly?" Pansin kong naka tuon na rin ang paningin nya sa labi ko. Halos hininga na nya ang hinihinga ko. Shit! Paano kung bad breath ako?
Bahala na si batman.
"Sorry" mahinang tugon ko. Nakatitig naman sya ngayon sa akin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kaya yumuko na lang ako.
"Kaming mga lalake may feelings din. Marunong din kaming matakot. Tao lang din kami." Sabi nito na nakangiti na. Kinurot pa nya ang pisngi ko bago nya ko pakawalan. Saka sya umalis.

BINABASA MO ANG
Wild World
General FictionMay lugar pa ba sa puso mo ang magmahal? Kung sa bawat pagkakataon na pipiliin mong maging masaya ay palagi kang nasasaktan? Hanggang kailan ka aaas? Hanggang kailan ka kalalaban?