II Hidden Sexiness

5.2K 24 0
                                    

II- Hidden Sexiness.

"Mmmmm..antok pa 'ko," daing ko habang inaabot ang cellphone mula sa mesa, sa tabi ng higaan ko, para patayin ang alarm.

Sabi ni manang Liz dapat daw ay gising na ako bago mag ala-singko, kaya kahit inaantok pa ay bumangon na ako, naiihi na rin ako kaya nagpasya akong magbanyo muna bago ayusin ang higaan ko. Walang banyo dito sa maid's quarter kaya kailangan ko pang pumunta sa kusina.

Inaantok pa talaga ako at hindi ko mapigilan ang mag hikab. Napalingon naman ako sa hagdan ng marinig kong may bumababa mula doon.

Halos takbuhin ni sir Ivann ang pag baba sa hagdan na parang alam ko na kung saan papunta dahil sa suot nitong jersey at sa bitbit nitong rubber shoes, natigilan sya ng mamalayan na nasa harap na nya ako.

"Are you trying to seduce me?" NYEH! tama ba yung narinig ko o inaantok lang talaga ako O_o?

"Pakilinis " inabot ko naman agad ang inaro nyang sapatos sakin para linisin. Naramdaman ko naman na umupo sya sa gilid ng mesa para hintayin ako, ramdam kong pinapanood nya ang ginagawa ko kaya pinagbutihan ko talga ang pag linis.

"Matagal pa ba yan? " Tanong nya na parang inis na naman. Ano bang nagawa ko? Lord paki explain. T_T

"Ito na nga Sir oh kumikinang pa" kinindatan ko nga at iniabot  sa kanya ang sapatos.

WAAaaah! Anyare? Yung noo nya umaalon!

oooohh stupid me T_T

"Manalamin ka nga. nagulat ako sa sinabi nya, hindi naman iyon kalakasan kaya sigurado akong ako lang ang nakarinig. Fc!" pahabol nya.

Ano daw fc? Ano yun? Feeling close?  Habang pinag iisipan ko ang iba pang  ibig sabihin ng salitang iyon, namalayan kong wala na sya sa tabi ko. Agad  ko namang tinungo ang banyo para dun manalamin.

"Ano bang mali sa itsura ko? " Kinapa ko ang muka ko sa harap  ng salamin habang  kinakausap  ang sarili ko at paulit ulit na inaalala ang mga sinabi nya.

Are you trying to seduce me?

manalamin ka nga.

Fc!

Feeling close nga siguro ako dahil kinindatan ko sya. Medyo na iiling naman ako ng mapansin ang suot ko. Naka white sando lang ako na sa sobrang nipis ay makikita ang kabuoan ko, bahagya na ding sumisilip ang munti kong cleavage at medyo mailkli din ang suot kong floral shorts . 

Bakit ba? Ganito yung masarap pantulog eh >.< 

Malay ko bang gising na sya ng ganon ka aga eh di sana nakapag palit muna ako bago lumabas. Nakakahiya. T_T

Pero kapag naaalala ko ang sinabi nya

Are you trying to seduce me?

MEeeeh! Parang kinikiliti ako, naglalaro sa utak ko ang mild lang naman na kapilyahan. Seduce pala ha?

May pagka conservative din pala itong si sir Ivann. Sa Manila sya nag aaral di ba? Ano kayang kurso ang kinukuha nya? Nag do-doktor din ba sya katulad ng kanyang ina o nag lo-law tulad ng kanyang ama? Dapat sanay na sya sa mga ganitong tanawin. Mas malala pa nga yung nakikita ko sa tv eh, yaaah sa tv lang... Kasi hindi pa ako nakakarating ng Manila. Poor kelly... tapos sasabihan nya agad ako na manalamin.. Nakakainis lang, pero dahil flawless naman ako wala akong dapat ikahiya matuwa pa nga sya at nakita nya ang tinatago kong alindog eh!

"Bakit nya nasabing sini-seduce ko sya? na seseduce ba sya? Hindi ko intensyon na akitin sya. Madumi lang ang utak nya hmp! bahala na nga grrrrrrr...

>.<

Mendyo napalakas ata ang boses ko dahilan para mapansin ako ni manang Liz.

"Kelly ok ka lang ba dyan?" sigaw nito na alam kong nasa labas lang ng pinto ng banyo. Tumugon naman ako kasabay sa pagbukas ko ng pinto.

"Ok lang po ako. May kausap lang po ako sa cellphone palusot ko magpapalit lang muna po ako ng damit para makapag simula na po ako"

"Nandoon na ang uniform mo, yun na ang suotin mo" turo nya sa cabinet, tumango lang ako at kinuha iyon para magbihis.

.

.

.

.

.

.

Wild WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon