IX Cellphone

167 2 0
                                    





Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Kaba, saya, takot, kilig ah basta! Hindi ko maintintindihan, gusto kong yakapin ang unan ko at magpa gulong-gulong sa higaan ko. At iyon nga ang ginawa ko.

Paano kaya kung nahalikan nya ako?

"Kelly!" Tawag nya mula sa malayo.

"Oo! Sandali. Wala namang mumu dyan!" Sigaw ko pabalik.

Ewan ko ba parang gusto ko syang asarin, baka sakaling ituloy nya ang paghalik sa akin.

Arrrgh!!! Ano ba itong mga naiisip ko. Galit ako sa kanya, hindi ko dapat nararamdaman ito. Tumayo na ako at sinuklay ang aking buhok gamit ang daliri. Sumilip rin ako sa salamin upang makita ang itsura ko. Plain white shirt at pajama ang suot ko. Hindi na naman nya siguro iisiping sini seduce ko sya sa suot ko na ito.

Huminga ako ng malalim. Bago lumabas ng aming silid. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. O kung kailan pa ito nag simula, na sa tuwing magkakalapit kaming dalawa ay kinakabahan ako.



Ivann's Pov

My junior knows how i'm trying hard not to kiss her. Damn! What's happening to me? Paulit ulit pa rin na nag pa flashback sa isipan ko ang mga nangyari kanina. What if i kissed her? Nang hihinayang talaga ako sa pag kakataon na iyon! Dapat sana ginawa ko. Dapat sana tinuloy ko.

Maaga pa naman para matulog kaya na pag pasyahan kong dito sa sala magpalipas ng oras, dala ko rin ang aking gitara. Hindi ako magaling kumanta o tumugtog paminsan minsang libangan ko lang ito. Naka On rin ang tv pero walang sound iyon.

Ang tagal naman ni Kelly. Na mi miss ko syang asarin but in the end ako ung naaasar haha, tinawag ko sya at sinabi nya namang susunod na sya. Nagpatuloy na lang ako sa pag strum ng gitara.

AAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!

Kelly?!

Natigilan ako sa pag strum at mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan nya ng makarinig ako ng malakas na sigaw.

Then i saw her sitting on the floor with hands on her ears.

"What happened?" Tumayo sya ng maramdaman ang pag lapit ko.

"Kumulog kasi ng malakas, na gulat ako" sabi nya na nakayuko, ramdam ko pa rin sa boses nya ang takot."

"Sino ngayon ang scared?" pang aasar ko. Napawi ang ngiti ko ng magtama ang aming mata. At bumaba ang paningin ko sa lips nya. Napalunok ako.

"Sabi ko naman sayo bilisan mo" Pag iwas ko.

Hindi kasi soundproof itong kitchen area pati na ang maids quarter, maririnig mo talaga ang lahat ng ingay mula sa labas. Naglalaban ang hangin at ulan tapos sasabayan pa ng kulog at kidlat. Nakakatakot talaga.

"Tara na" yaya ko sa kanya at pinauna ko syang maglakad.

Bakit nga ba gusto ko syang kasama? Hindi naman totoo na natatakot ako na mag isa. Dalawa lang kami dito sa bahay. At natatakot ako para sa kanya. Hindi ko alam but i want her in a safe place. I want to see her, safe. Siguro dahil mas matanda ako sa kanya at pakiramdam ko responsibilidad ko sya.

Naupo ako sa couch at simulan ulit ang pag tugtog. Duon naman sya pang single naupo . Tahimik dito sa sala, ingay ko lang ang maririnig.

Ilang beses ko na sya nakitang humikab. Naman oh! Hindi sya na i entertain sa ginagawa ko?

Maya-maya ay nahuli ko sya na dahan-dahang inaabot ang remote ng tv na nasa mesa. Ano kayang nasa isip ng babaeng to?

Inunahan ko sya na kunin ang remote at sinamaan nya ako ng tingin.


Wild WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon