"Why? What happened?"Medyo malabo pero narinig ko ang sinabing iyon ni Ivann.
Patuloy pa rin ang pag patak ng mga luha ko kahit na paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi totoo iyon..
Kinalma ko ang sarili ko at ibinalik kay Ivann ang cellphone nya. Pag ka abot ko sa kanya noon ay agad kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. Kailangan kong kumpirmahin kung totoo ang sinabi ni Trix. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahanap sa contacts ang numero ni chang Crising.
Sinagot nya ito agad. Hindi ako nagsalita hinihintay ko lang ang sasabihin nya.
"Kelly.."
Nag simula na namang umagos ang mga luha ko.
Walang tigil.
Mas marami.
Sa mahina at malungkot na pagbigkas nya sa pangalan ko ay parang nagsasabi na totoo ang balitang nakarating sa akin.
Nanginginig ang buong katawan ko.
Nang hihina ako. Hindi ko na kaya. Ang sakit."Ang Nanay at Tatay mo. Si Ryan.." Putol-putol na salita na naririnig ko mula sa kabilang linya. Hindi ko na naintindihan ang sunod na mga sinabi ni chang dahil tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Ang alam ko lang kailangan ako ng pamilya ko. Kailangan kong umuwi ngayon din....
_________________________________________________________________________________________________________________________
"Why? What happened?" Nagtatakang tanong ko nang magsimulang umiyak si Kelly. Hindi nya ako sinagot. Iniiabot lang nya ang cellphone sa akin. Kinuha ko iyon, hindi nya pa na log out ang facebook nya. I read the conversation. Pati ako ay nagulat.
Agad ko syang dinaluhan ng makita kong bumagsak na sya sa sahig. Marahil nanghina na sya sa kakaiyak. Niyakap ko sya at isinandal sa aking dibdib. Tumingala ako para pigilan ang luha ko na gusto na rin sumabay sa kanyang pag iyak. Paulit-ulit nyang sinasabi na gusto na nyang umuwi. Hangang sa maramdaman ko na nawalan na sya ng malay. Duon ako nag simulang mag panic at humingi ng tulong.
Sinabi kong dadalhin namin si Kelly sa hospital ngunit tumanggi si manang Liz. Sabi nya hindi na daw kailangan. Napagod lang daw siguro si kelly kaya sya nahimatay. Binuhat ko sya at inihiga sa kanyang kama. Mabuti na lang at hindi sya masyadong mabigat. Sinabi ko sa kanila kung ano ang nangyari at maging sila ay nalungkot para kay Kelly. Hindi ko rin alam ang buong storya. Pero ang mga nabasa ko ay sapat na para maintindihan ang matinding pag iyak nya. I can't imagine myself living alone. I can't imagine kung sa akin mangyayari ang nangyari sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nag iisip at hindi ko napansin na nagkamalay na si Kelly. Dali-dali syang nag iimpake, inilagay ang kanyang mga gamit sa itim na traveling bag. Hindi man lang nya pinapansin ang mga tao sa paligid. Maging kami naman na nanonood sa kanya ay tahimik lang din.
"Sandali, Saan ka pupunta?" Mabilis kong nahawakan ang wrist nya nang mag tangka syang lampasan kami.
"Kailangan kong umuwi, please"
Malungkot ang kanyang titig na tila gusto na namang umiyak.
"But its 12 midnight. Baka wala kang masakyan o baka mapahamak ka lang. " Sabi ko ng makita ang oras sa relong suot ko.
"Mapahamak?" Pag uulit nya with develish smile. "Sa tingin mo ba natatakot pa akong mamatay?" Pagka sabi noon ay dali-dali nyang tinungo ang daan palabas.
Damn! This girl ugh!
Dali dali kong tinakbo ang susi ng kotse ko sa aking kwarto. Laking pasasalamat ko at ng makalabas ako ng bahay ay hindi pa sya gaanong nakaka layo. Hindi agad ako naka alis dahil pinigilan pa ako ni manang Liz. Maiintindihan ako ni papa at mama. Kung nandito sila ay ganito rin ang gagawin nila.
Ilang beses akong bumusina pero parang wala syang naririnig. Huminto ako sa tabi nya. Bumaba ako at nilapitan sya.
"Get in. " parang papel ko syang tinulak papasok sa passenger seat.
Pagkatapos ay pumasok na rin ako at sinimulan ulit mag drive.Tahimik lang sya, holding her pist at kinakagat ang labi na parang pinipigilan ang pag iyak.
"Ihahatid kita. Just tell me kung saan tayo dadaan." Sabi ko at tumango naman sya.
Kalahating oras pa lang kaming nakakalayo ng maramdaman kong umiiyak na naman si Kelly. I hate this situation. Feeling ko ang useless ko dahil hindi ko alam kung papano ko sya icocomfort. To see her crying, to see her angelic face with tears to see her like this, pakiramdam ko nasasaktan din ako. Weird.
Hindi madali ang naging byahe naming iyon. Ilang beses kaming naligaw, bumaba at nagtanong dahil hindi nya kabisado ang daan. Umaga na ng marating namin ang kanilang bayan.
Sa bahay nila maraming tao. Magulo maingay. May mga nagsusugal pa. Tama ba ito? Gawing sugalan ang lamay?
Unang bumaba si Kelly, sumunod naman ako sa kanya. Simple lang ang bahay nila. Hindi malaki pero hindi rin naman masyadong maliit. At pag pasok namin sa loob pakiramdam ko hindi ako makahinga. Pati ang paglunok napaka hirap. Tatlong white coffin ang bumungad sa amin. Maging si Kelly ay hindi nakayanan ang nakita. Yung magulong paligid kanina ay biglang tumahimik. Wala kang maririnig kundi ang boses ni Kelly ang iyak nya ang sigaw nya ang pag wawala nya.
"Malalagpasan mo rin 'to Kelly." Sabi ko na ako lang ang nakakarinig. Hinayaan ko syang ilabas ang nararamdaman nya.
Lumabas muna ako ng bahay at nag pasyang tawagan si mama. kinwento ko ang nangyari. Naintindihan naman nya ang sitwasyon. Sinabi pa nyang mag stay muna ako dito para alalayan si Kelly. At kung may mga kailangan ay itawag sa kanya. Sya na rin daw ang bahalang mag explain sa pagkawala ko, kay papa.
Ngayon narealize ko na napaka swerte ko pala talaga. Meron akong mga magulang na tulad nila. Kaya pinapangako ko sa sarili ko na sisikapin ko pang mas maging mabuting anak sa kanila. Mas papahalagahan ko ang mga araw na kasama ko sila at iiappreciate ang lahat ng bagay na ginawa nila para sa'kin. Napaka ikli lang ng buhay. Posible pala talaga yun, na mawala ang mga taong minamahal mo sa isang iglap. Hindi ka handa. Walang nagsabi. Walang nagparamdam.

BINABASA MO ANG
Wild World
General FictionMay lugar pa ba sa puso mo ang magmahal? Kung sa bawat pagkakataon na pipiliin mong maging masaya ay palagi kang nasasaktan? Hanggang kailan ka aaas? Hanggang kailan ka kalalaban?