Huminga ako ng malalim. Umupo ako sa kama ko at ibinagsak doon ang aking cellphone.Wala pa rin reply ang kapatid ko. Sinubukan ko rin kontakin ang iba pa naming kamag-anak. Out of reach lahat.
Ganoon naman talaga sa lugar namin kapag may bagyo. Palaging nawawalan ng kuryente. Minsan pa nga ay umaabot ito ng dalawang linggo bago pa maibalik.
Natulog na lang ako ng maaga kesa pahirapan ang daliri ko kaka dial. Operator lang naman ang sumasagot.
_________________________________________________________________________________
Dali-dali akong lumabas para buksan ang gate nang may nag door bell. Sinilip ko muna kung sino iyon bago ko tuluyang buksan ang gate.
Isang sexsing babae ang nakita ko. Nakatalikod na parang nakatuwad. Abala sya sa kanyang maleta. Naka spaghetti shirt ito na tinernohan ng maong na palda, faded iyon at sira-sira ang dulo. Hindi ko alam kung style ba yun o wala ng maisuot si ate.
Kasunod ko si tucker. Parang naghihintay sya na buksan ko na ang gate. Kilala nya siguro ang babaeng sa labas.
At hindi ako nagkamili nang buksan ko ang gate parang hindi ako nakita ni ate. Lumapit ito kay tucker at hinaplos ito.
"Hello baby. Kumusta? Na miss mo ba ako?"
Tuloy pa rin sya pag haplos kay tucker at kita kong gustong gusto ito ng aso.
Nakakainggit. Sana close din kami ni tucker. Ngayon kasi medyo mailap pa sya sakin. Mabait lang yan pag may hawak akong pagkain.
Paano ba mag pa amo ng aso?
"Ilang linggo lang akong nawala ang baho baho mo na" sabi nito
Tumingin sya sakin. Akala ko hindi na nya ako makikita. Nakagat ko ang labi ko. Ang ganda nya...
pag nakatalikod.
Tinignan nya ako tapos yung mga maleta nya. Tapos sa akin ulit at sinabing...
"Please?" Paawang sabi nito
Gets ko na yun. Gusto nyang ako ang magdala ng maleta nya. Kaya yun ang ginawa ko. Sabay silang pumasok ni tucker at sumunod naman ako.
"Pakidala sa maid's quarter" sabi nya ng huminto ako kasi hindi ko naman alam kung saan dadalhin ang maleta nya.
Sa maid's quarter? So maid din sya. Eto siguro yung sinasabi ni manang Liz na nagbakasyon. Sosyal maleta pa. Akala mo kung saang bansa galing.
Sinunod ko iyon.
"Oh, kanino yan?" Tanong ni Ivann ng makita ako. Kainis to laging pakalat kalat.
Naiilang kasi ako pag nakikita ko sya. Naaalala ko kasi yung mga nangyari noong mga nakaaang araw.
Hindi ako sumagot. Nginuso ko na lang ang babaeng kasama ni tucker. Hindi ko naman alam ang pangalan saka ang bigat nito. Gusto ko na lang makarating agad sa pupuntahan ko.
"Uhmm?" Ginaya ni Ivann ang ginawa ko sa mapang asar na paraan.
Natawa lang ako.
"Hindi ko kilala" sabi ko
"Nagpapapasok ka ng di mo kilala" sabi nya na naka kunot na naman ang noo. Hala! Galit.
"Pero kilala sya ni Tucker" sabi ko na naka ngiti. Ngiting ngiti talaga yung labas ang pang-mais.
"Tss" sabi nito at nilampasan na ako.

BINABASA MO ANG
Wild World
General FictionMay lugar pa ba sa puso mo ang magmahal? Kung sa bawat pagkakataon na pipiliin mong maging masaya ay palagi kang nasasaktan? Hanggang kailan ka aaas? Hanggang kailan ka kalalaban?