VII Medium

1K 13 4
                                    

VII- Medium


Totoo pala yung kasabihan na "Ang tunay na ganda makikita pagkagising sa umaga". Si Ivann na bagong gising, magulo ang buhok naniningkit na mata at nakabusangot na mukha, ang gwapo pa rin. Simula ata ng makita ko ang lalaking ito ay napapadalas rin ang papuri ko sa kanya. Masama ito. Pinilig ko ang aking ulo para mawala sa isipan ko ang isipin na iyon.


Ang laki- laki ng kama nahuhulog pa.


Maaga kong natapos ang lahat ng trabaho ko, kaya ng matapos kaming mag tanghalian ay nag ayos na ako.

Nandito na ako sa labas ng bahay para mag abang ng masasakyan nang biglang tumunog ang cellphone ko, may nag text. Dali-dali ko iyong kinuha mula sa sling bag na dala ko.




Unknown: Hi, pwede ko bang makuha ang number mo?


Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako.



Ako: Ginagago mo ba ako? >_<



Nagtext na nga kukunin pa number ko, gaguhan lang?


Sakto naman na pag ka send ko noon ay may dumaan ng tricycle. Napagpasyahan kong sa SM na lang magpahatid. Hindi ko pa kasi kabisado ang lugar na ito, kung doon ako bababa hindi na ako maliligaw.

Mabuti na lang at may mangilan-ngilang pampublikong sasakyan na dumadaan dito kahit na subdivision ito. Loose shirt at shorts lang ang suot ko, sa paa naman ay doll shoes.


May nagtext ulit.


Unknown: Peace! :D Can I have your name?



Ako: Why, don't you have yours?


Hindi na sya nagreply.


Nag text akong muli, tinanong ko sya kung saan nya nakuha ang number ko at sinabi nyang hiniluan nya lang.


Narinig ko na yan.


"Salamat,kuya" sabi ko ng iabot ko ang bayad pagbaba ko sa terminal.



Pag pasok ko pa lang sa mall may lumapit na agad sa akin at nag abot ng kung anong papel. Magsasalita pa lang sya pero nginitian at nilagpasan ko na.
Pasensya ka na kuya, hindi naman sa hindi ako interesado sa produkto mo, pero wala rin kasi akong pambili. Hehe. Hindi naman ako nagmamadali kaya napagpasyahan kong dumaan muna sa department store.



"Ano po yun ma'am?" Wika ng sales lady na lumapit sakin habang iniisa-isa ko ang mga damit nanduon. "Meron pa pong ibang kulay, ano po bang size?" Sabi ulit ng sales lady.



Nakakailang naman sunod sya ng sunod at binabantayan ang galaw ko. Mukha ba akong shoplifter? wag kang mag alala ate di ko naman ibubulsa 'tong paninda nyo. Nginitian ko na lang sya at d na muling pinansin. Makuha ka sa ngiti ate. Banta ko sa isip ko lang haha. Tinuloy ko ang ginagawa ko hangang sa makarating sa kung saan saan. Nakakaaliw tumingin ng magandang bagay. Bag sapatos damit pants shorts skirts haist sana mayaman ako para lahat ng magustuhan ko mabibili ko.




"Ang mahal naman nito!" Ng makita ang P499.75 na presyo ng isang piraso ng panty na nadaanan ko sa ladies underwear. Naisip kong sa pag uwi ko, duon na lang ako mamimili ng damit sa palengke sa bayan namin. Hindi ko kaya ang mga presyo dito. Sa palengke namin bente pesos lang may dalawang panty na ako.


Hindi naman ako bibili pero panay pa rin ang tingin ko sa mga underwear nakakaaliw naman talaga ang mag window shopping.


"Please give me another chance"




Wild WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon