V- GLENDA on its way.
Ilang araw na rin ang nagkakaraan simula noong pagtatalo namin ni Ivann. Mukha namang hindi nya ako isinumbong kasi hindi pa ako kinakaladkad ng nanay nya palabas nitong bahay.
Hawak ko ngayon ang isang puting basahan at sprinkler bottle na may lamang glass cleaner, kakatapos ko lang kasi maglinis ng salamin ng mga bintana.
Dinig na dinig ko ang halakhakan na nagmumula sa terrace. Sino pa ba naman yun, eh di sila Ivann.
Kararating lang siguro nila galing sa paglalaro. Ganon naman sila araw araw eh, kapag hindi basketball, jogging.
Ang sarap ng buhay nila, minsan hindi ko maiwasan na hindi mainggit. Mabuti pa sila na e-enjoy nila ang kanilang kabataan samantalang ako namulat na agad sa pagtatrabaho.
Napansin yata ni Adrian ang pagmamasid ko sa kanila kaya agad na akong umalis.
"Kelly wait! pigil nya sa'kin. Can i have water please?" at nag puppy eyes.
"pa cute pa ang loko. bulong ko SURE!"
"Sinong cute?"
"IVANN!!!"
"I know" at ngiting ngiti sya. TEKA ANONG NANGYARI? O_o
Galing sya sa kusina dala-dala ang isang pitsel ng malamig na tubig at isang baso.
"Juice sa'kin" pahabol ni Ralph.
Nagpunta naman ako sa kusina para kumuha ng inumin nila. Dahil dala na ni Ivann ang tubig nagpasya akong juice na lang at ilan pang baso ang dalhin.
The typhoon is expected to make landfall in the Albay-Sorsogon area on Tuesday night and pass through Camarines Sur, Quezon, Laguna Rizal, Metro Manila, Bulacan Pampangea, and Zambales. sabi sa tv. Kumpleto dito sa kusina may radyo din kung ang trip mo naman ay music.
"Naku manang Liz may bagyo po pala!" at dadaan yun sa amin.
"Oo nga eh, si Glenda. Yan daw ang pinaka malakas na bagyo ngayong taon."
Nearby provinces will also be affected because of the typhoon's large size.
PAGASA warned residents in low-lying and mountainous areas under storm signals against possible flashfloods, landslides, and storm surges.
Nakakatakot naman. Bigla kong naalala ang bahay namin. Hangang signal number two lang kasi ang kaya ng bahay namin. Pag nag three na siguradong bibigay na iyon.
Binalikan ko na ang maiingay na adonis dito sa terrace.
Define AWKWARD?
Ito yun eh, kanina nung malayo pa ako halos lumawit na yung ngala ngala nila sa paghahalakhakan tapos matic pag lapit ko biglang tumahimik.
Inilapag ko na lang sa mesa ang tray na dala ko.
"Kelly smart ka ba?" si Reyniel.
"H-huh? Wala akong load eh" at nagtawanan na naman sila na parang wala ng bukas. Habang si Reyniel naman ay nakasimangot na.
EH? ANONG NAKAKATAWA SA SINABI KO? O____O
"Hindi ba uso ang pick up line sa lugar nyo?" si Reyniel ulit pero naka smile na.
Kinuha naman ni Meynard ang cellphone nya mula sa kanyang bulsa at ang cellphone sa mesa pagkatapos ay winagayway sa akin. "We have cellphones oh?"
"Sorry. Akala ko kasi makikitext sya." eschupid!
Nasaan ang utak Kelly? syempre bago maki text sayo yan. Sa kanila muna. At Imposible namang lahat sila walang load para sa akin pa makitext. Tss. BOBO.
Tumalikod na ako at umalis na. Nakakahiya na kasi kung magtatagal pa akong kasama sila. Una puro sila lalaki. Pangalawa maid lang ako.
Dahil nga napag usapan ang cellphone, nag paalam ako kay manang Liz, para magpaload sa tindahan. Naisip ko kasi na kamustahin ang pamilya ko at balaan sila na mag ingat sa paparating na bagyo.
Maayos naman daw sila, ipinagyabang pa ng kapatid ko na matataas daw ang marka nya noong periodical exam, na perfect pa daw nya ang limang subject. Hindi naman ako nagdududa doon, matalino talaga ang kapatid ko. Alam kong malayo ang mararating ng batang iyon. Sinabi din sa akin ni nanay na nagsisimula na daw ang tatay mag- ani ng kanyang tanim, kahit wala pa iyon sa panahon, sa takot na masira ito ng bagyo at hindi na mapakinabangan.
"Hello Tucker..." bati ko sa malaking aso na nakayukyok sa isang sulok, sa sala ng mapadaan ako. Wala akong alam sa breed-breed na yan kaya hindi ko alam kung anong lahi meron itong si Tucker, askal lang kasi ang madalas kong makita sa lugar namin.
Akmang lalapitan ko sya pero bigla itong umalis at tamad na inakyat ang hagdan. Well, tamad naman talaga ang asong iyon. Wala yung ginagawa kundi kumain, matulog at umungkot sa isang sulok. Hindi sya bibo o makulit tulad ng ibang aso.
"Suplado, parang yung amo."
"May sinasabi ka ba Kelly?"
"Huh? W-wala, kwan kasi, si Tucker, iniisip ko kung anong lahi nya. Wala kasi akong alam sa aso." Palusot ko, Bakit ba palagi na lang syang nanggugulat.
.
.
BINABASA MO ANG
Wild World
Ficción GeneralMay lugar pa ba sa puso mo ang magmahal? Kung sa bawat pagkakataon na pipiliin mong maging masaya ay palagi kang nasasaktan? Hanggang kailan ka aaas? Hanggang kailan ka kalalaban?