I Katelyn San Jose

6.7K 28 0
                                    

I - Katelyn San Jose.

"Ay!! kabayong tumalon!" Nag wawalis ako sa harapan ng  gate nang gulatin ako ng sunodsunod na pag busina ng isang sasakyan. Sinenyasan nya ako na buksan ang gate at agad ko naman itong ginawa.  Mabuti na lang at hindi naka lock yung daan para sa sasakyan kaya agad ko itong nagawa. Nang muli kong naisara ang gate sinundan ko ang pumasok na sasakyan, baka kasi may iba pa syang kailangan o nais pang itanong .

oh my god! is it real? is it real?

Sandali akong napahinto sa paglalakad.

.

.

.

Paanong hindi eh parang artista sa kagwapuhan yung bumaba mula sa driver's seat.

"Who are you?" Nak ng teteng spokening dollar pa!

Ni-head to foot nya lang naman ako, magsasalita pa sana ako kaya lang nagmamadali na  syang pumasok sa loob ng bahay.

Nagtanong ka pa! Sana hindi na lang di ba? Ang suplado naman, gwapo sana eh, pero sige na nga GWAPO NA LANG ULIT. Ganon yata talaga pag anak mayaman. Di ba pwedeng complete package? Magandang lalaki. Mayaman. Mabait.

"Ivaaann..." Nakangiting wika ni ma'am Emi habang sinasalubong ang lalaking dumating.

"Maaaah.."

Anak pala.. sumalubong din ito at hinalikan sa pisngi ang ina.

"Si papa?"

"Nasa office pa pero pauwi na daw,  he'll be here in an hour."

Dumiretsyo na ako sa kusina para tigilan ang pakikinig sa usapan nila.

" Oh nandyan ka na pala, tamang tama tulungan mo akong ilabas itong merienda " Si manang Liz isa rin sa kasambahay dito.

Tama, kasambahay din po ako at kung paano nangyari iyon? Saka ko na ikukwento.

"Ah manang, yun pong dumating..." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla syang nagsalita.

"Anak yun ni Maam, sa maynila nag aaral. Dahil sem break ngayon, malamang dito lang sya buong bakasyon. Ang gwapo ano?"

Parang kinikilig-kilig pa sya habang nagkukwento. Kaya pala ngayon ko lang sya nakita sa loob ng isang lingong pamamalagi ko dito at ngayon ko lang din nalaman na may anak sila, hindi kasi ako matanong lalo na sa mga bagay na hindi naman ako interesado. Maliban sa alam ko na lawyer ang amo kong lalaki at ob gyn ang amo kong babae ay wala na akong alam.

Dinala ko naman agad sa sala ang merienda na inihanda ni Manang Liz. Naabutan kong nagtatawanan ang mag ina doon habang nag kukwentuhan.

"Maam, S-sir." Ibinaba ko sa mesa ang dala-dala ko, kitang kita sa sulok ng  aking mga mata  ang malalalim na titig sa akin ni sir Ivann. Seriously? Anong kasalanan ko sa taong ito? Bakit parang may galit sya sa'kin?

"Anak, this is Kelly, Sabay hawak ni maam Emi sa balikat ko, marahil napansin din nya ang kakaibang tingin sa akin ni Ivann. Ano ang complete name mo nga iha?" tanong nya sakin habang nakangiti pa rin.

Ang ganda ganda ni maam Emi, may pinagmanahan talaga itong si Ivann. Yun nga lang hindi nya ata nakuha ang kabaitan ni maam, ang sungit kasi nya.

"Katelyn San Jose po, pero Kelly na lang." Sagot ko.

"Pamangkin sya ni manang Crising. Umuwi muna sya sa kanila dahil may problema daw at medyo matatagalan pa syang bumalik, kaya ipinalit muna ang kanyang pamangkin. Next week pa rin makakabalik si Doris, isa pa sa mga kasambahay it's better kung may makakasama si manang Liz, lalo na ngayon at bakasyon." hinaplos pa nya ang balikat ko habang ipinapakilala ako sa kanyang anak.

"Why she's not wearing uniform?" Tanong nito ng may kasama na namang masamang tingin.

Nye Nye Nye- whey she's net wereng uniferm. Mukha mo! Bakit mas maganda ba ang uniform nyong pangkatulong kesa sa damit ko?

Ok naman 'tong suot kong palda ah. Di naman maikli, sakto lang ang haba. Ok din naman 'tong pink kong t-shirt, na may angry birds. Anong problema non?

"Pinapagawan ko pa anak, masyado kasing malaki para sa kanya ung mga nasa-stockroom, isa pa hindi rin naman ako sigurado kung magtatagal sya dito." Nag hi lang ako na hindi naman nya pinansin kaya ayon, bumalik na lang ako sa kusina.

Ang totoo hindi na babalik si chang Crising. At hindi ko alam kung pano ako makaka alis dito.

Flashback

Sige na ineng pumayag ka na.Pagkakataon mo na din ito para makaipon ng pang apply apply mo. At pag nakahanap ka na ng maganda gandang trabaho mapapag aral mo na ang sarili mo.

Chang naman eh... Bakit kasi hindi ka pa nagpaalam na aalis ka na  ng tuluyan.

malaki kasi ang utang na loob ko sa kanila.Nahihiya ako na basta ko na lang sila iiwan.  *End

Ayaw na kasi sya pag trabahuhin ng mga anak nya kasi nga naman medyo may katandaan na din ito.

"Paano na ako ngayon? Umaasa pa pala si maam Emi na babalik pa si chang" (///_~

Kailangan ko tuloy mag isip ng dahilan para makaalis ako dito. Sa totoo lang kasi ayoko sa trabahong ito. Hindi naman sa minamasama ko ang pagiging kasambahay pero kasi syempre di ba? Sino naman mangangarap ng ganitong trabaho? May mataas akong pangarap para sa sarili ko, kahit na alam kong sa sitwasyon namin wala akong karapatan.

.

.

.

.

.

Wild WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon