III- Ivann Luis Cabral and Friends.
Nasa may terrace garden ako ngayon para magdilig ng mga halaman. Suot ko na ang kulay asul na uniform na pinasuot sa akin ni manang Liz.
"Ang gara naman nito muka akong nurse assistant." Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan kung paano nag pi-fit ang unipormeng 'yon sa katawan ko. Mas mabuti na din itong may uniform para hindi ako nahihirapan mag isip ng susuotin ko araw araw, kaunti lang naman ang damit ko at halos naisuot ko na iyon sa loob ng isang lingong pamamalagi ko dito.
"One week na ako dito pero feeling ko kararating ko lang. Si Ivann naman kasi grabe magpakaba kausap ko yung mga orchids, Bakit ganon yung boss nyo ha?" tanong ko naman sa white rose.
AHUH!!!
Bigla naman akong may naisip na bright idea. Tama. Tama. Gagamitin ko si Ivann para maka alis agad ako dito. Hmmmmm... gagalitin ko sya palagi para sya na mismo ang magpa alis sa'kin.
Oh my god.. speaking of boss, boss Ivann is coming!
"Good morning Sir" tumingin lang sya at nilampasan ako.
Akala ko yun na yun pero tumigil sya at nagsalita.
"Don't call me Sir masyadong pormal"
"A-ah okay. Ano ba ang tawag sayo ni Chang Crizing? para yun na lang din ang itatawag ko sayo" sabi ko, huminto sya at nilingon ako.
"Baby"
hala baby daw! seryoso ba sya?
"Ay awkward naman Sir kung tatawagin kitang baby. Pwede bang Ivann na lang, ok lang ba?" sabi ko habang binibigyan din sya ng ngiting awkward.
"Okay" sagot nya at nag tuloy na ulit sa paglalakad.
"Bilis Cabral, tubig!" may kasama pala! Nakasuot din sya ng jersey at mayroon siyang hawak na bola.
Itinuloy ko ang ginagawa ko habang yung lalaki naman ay naupo sa kahoy na upuan sa tabi ng kahoy din na mesa na nandito lang din sa garden.
"Ang tagal mo uhaw na uhaw na ako, by the way who is she?" sabi nung lalaki at walang awang tinungga yung tubig.
"Kelly, new maid" sagot nya
Hindi ko alam pero parang nasaktan ako nung marinig kung paano nya ako pinakilala although yun naman ang totoo. Pakiramdam ko lang nanliit ako sa salita na yun. Maid.
"Hi miss, I'm Adrian Lima sabay lahad ng kamay nya sakin. Medyo gulat pa ako sa paglapit nya sa akin at pina process pa ng utak ko ang mga sinabi nya, namalayan ko na lang na tinanggap ko na pala ang kamay nya para makipag kamay. Kelly, right?" tumango na lang ako at binawi ang kamay kong balak nya yatang lamugin sa higpit ng kanyang pagkakahawak.
"Ang ganda mo at ang lambot ng kamay mo. Hindi ka bagay dito" aniya at ngiting ngiti si kuya. Nagpapasalamat naman ako ng marami sa nanay ko at hindi nya ako pinurga sa mga gawaing bahay dahilan kung bakit walang kalyo ang mga kamay ko.
"At sinong bagay dito? Ikaw? Pwede ka ng magsimula ngayon." sabi naman ni Ivann, Joke ba yun? Gusto ko sanang tumawa kaya lang mukang seryoso naman sya.
"Ikaw naman kinakausap ko lang selos ka naman agad."
"I'm not jealous, gago!" Sabay bato nya ng bolang hawak ni Adrian kanina at nagtungo na sa loob ng bahay.
Oo nga naman Adrian, bakit mo iisiping nag seselos sya. Nakakahiya tuloy. -__-
"Ilang taon ka na pala Kelly?" tanong ni Adrian.
"Nineteen"
"I'm twenty three" sabi nya matapos pulutin ang bola at pumasok na din sa loob.
Eh ano naman kung twenty three ka.
Simula noong dumating si Ivann dito sa bahay ay palaging ganoon ang eksena. Gigising sya ng maaga. Maglalaro. Uuwing pawisan kasama si Adrian, minsan naman ay kasama nya pa ang iba pa nyang kaibigan na sina Reyniel, Zai, Ralph At Meynard na nagpakilala rin sa akin.
Ang makilala at makamayan ang mga anak mayaman at nag gagwapuhang mga lalaki na ito ay masasabi kong blessing at ako na nga.....
ang babaeng pinagpala sa lahat.
Hindi ko tuloy maiwasan ang mangarap, na sana isa sa kanila ang ang maging boyfriend ko.
na sana ako si Cinderella at isa sa kanila ang prince charming ko.
na sana ako na lang si Maya Dela Rosa at isa sa kanila ang Ser Chief ko.
Ugh!!! Nakakainis. Hindi ako fan ng Cinderella at Be careful with my heart na yan. Paasa. Sa totoong buhay wala namang ganon. Walang prinsipe na magmamahal ng alalay.
.
.
.
.
.

BINABASA MO ANG
Wild World
General FictionMay lugar pa ba sa puso mo ang magmahal? Kung sa bawat pagkakataon na pipiliin mong maging masaya ay palagi kang nasasaktan? Hanggang kailan ka aaas? Hanggang kailan ka kalalaban?