VI- Comfort room
"Golden retriever."
"Ahhh, okay. Golden retriever." Pag uulit ko. Naka alis na pala ang mga kaibigan nya.
"Saan ka galing?"
"Nagpaload lang." Sobrang tagal ko bang nawala at napansin nyang umalis ako?
Tumango lang sya at umakyat na sa hagdan habang panay ang pindot sa cellphone nya.
"Shit!" Dinig kong sabi nya at hinampas pa ang railings ng hagdan.
Naku, baka magsungit pa ito at mapagbuntunan na naman ako. Maka alis na.
"Kelly, wait."
Yan na nga ba ang sinasabi sa propesiya eh.
"Bakit?"
"Smart ka ba?"
"Bakit?" Iniisip kong pickup line ulit yun kaya sa halip na sumagot ng oo ay bakit ang nasabi ko.
"Pa text naman."
"Okay." Bumaba naman sya agad at kinuha ang cellphone na iniabot ko. Mabilis lang iyon at agad nyang naibalik sa akin.
Kung sino pang magaganda ang cellphone sila pang mga walang load. Nakakaloka.
"Aba, matinde." Sabi ko ng i-check ang sent items sa cellphone ko at nakitang wala doon ang message na sinend nya.
Abala kaming lahat sa pag hahanda sa paparating na bagyo, sa pag aayos ng mga bagay na maaaring maapektuhan ng bagyo, tulad ng mga gamit sa roof deck na posibleng masira sa lakas ng ulan at hangin, pagche-check ng mga bubong at mga kable ng kuryente. Linggo palang ngayon at inaasahang sa martes ito dadaan.
Nagpaalam ako kay manang Liz kung pwede akong lumabas bukas. Wala na kasi akong personal na gamit katulad ng bath soap, napkin at deodorant, kaya naisip kong mamili bukas, syempre kailangan ko din ihanda ang mga pangangailangan ko. Pinayagan naman ako ni manang Liz at sinabing tapusin ko muna daw ang mga gawain ko bago ako umalis. Napag-pasyahan kong maaga akong gigising bukas para maaga din akong matapos sa mga gawain ko.
»
»
»
Ivann's POV:
"ANONG GINAGAWA MO DITO?"
I asked when I saw Kelly, inside my room.
"Pwede bang makiligo?"
I gazed at her in a kind of stunned wonder. Bakit sa kwarto ko pa?
"Sira kasi yung tubig sa baba."
I just nod, umupo ako sa dulo ng kama ko then turned on the tv.
Ilang saglit pa ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig mula sa comfort room. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumapit ako doon, Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, natuwa pa ako dahil hindi naka lock iyon.
Nakatapis sya ng puting tuwalya at kitang kita ko kung paano nya tinanggal iyon at hinayaang mahulog sa sahig. Tinapat nya ang katawan nya sa shower, bahagya pa nyang inangat ang kanyang ulo dahilan para tumama ang tubig sa kanyang leeg, nilapitan ko sya at niyakap mula sa likuran.
"I won't let you run from me." Sabi ko habang hinahalikan sya mula sa leeg pababa sa kanyang balikat. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit iyon ang lumabas na salita sa bibig ko.
I slowly moved my hands upward hangang marating ang dibdib nya. At my slight touch I could feel her nipple tightened into a hard bud.
"No, Ivann."
How could she say no? Eh ramdam na ramdam ko namang gusto nya ang ginagawa ko?
"Ssssh.... Just feel, baby." Bulong ko sa tainga nya. "Let yourself go and feel," hinarap ko sya at inilagay ang kamay ko sa beywang nya. I moved my hands upward over the warm skin of her back then I brushed my lips softly over hers. She struggled for a moment pero bumigay din. Humakbang ako pauna ng hindi bumibitaw sa halikan na yun para isandal sya sa wall. I groaned when I felt the wonderful sensation of her breast brushing against my chest at mas lalo akong nang-gigil na halikan sya. Bakit ang layo ng dingding? Maliit lang naman 'tong banyo ah?
»
»
»
"OUCH!!!!!!!" Daing ko ng maramdaman ang sakit ng pagkakahulog ko sa kama.
"OKAY KA LANG?" Nag aalalang tanong ni Kelly ng makitang nakagulong ako sa sahig.
"ANO BANG GINAGAWA MO DITO?" Inis na tanong ko. Nandito pala talaga sya.
"Naglilinis ng CR."
"Hindi ba pwedeng mamaya na lang yan pagka-gising ko?"
"May pupuntahan kasi ako mamaya. Sorry, bukas kasi ang pinto akala ko wala ng tao. Tapos nakita kong mahimbing naman ang tulog mo, kaya akala ko okay lang, akala ko di kita maiistorbo."
"NO!" Pigil ko nang tangkain nyang lumapit.
"Okay lang ako, puro ka akala. Bilisan mo na lang dyan at umalis ka na."
She nodded at pumasok na ulit sa banyo. Ako naman ay naupo sa gilid ng kama ko at hinilot ang aking sintido.
Ano bang nangyayari sakin, pati ba naman maid pinagnanasahan ko?
Tumayo ako para silipin si Kelly. Naglilinis nga sya, hindi tulad ng sa panaginip ko na naka tapis lang ng twalya. Nahiga na lang ulit ako para magkunwaring tulog hangang makaalis sya. Pero nakatulugan ko na pala ang pagkukunwari, hindi ko na namalayan ang pag alis nya.
Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa mesa, na nasa gilid ng kama ko, ala-una na pala.
Ano bang oras nangyari yung kanina? Bakit parang ang tagal ko na atang tulog?
Tumayo ako at hinawi ang kurtina sa glass window. Nang mapatingin ako sa labas, nakita ko doon si Kelly, sa tapat ng gate, sa opposite side at mukhang naghihintay ng masasakyan. Sinabi nya kaninang may pupuntahan sya, ngayon na siguro iyon.
Naisip kong itext sya at agad naman syang nag reply, nakita ko pa nga kung paano sya nagmamadaling nagtype bago sumakay sa isang tricycle.
Katelyn: Ginagago mo ba ako? >_<
Wahahaha. Ayos din pala pagtripan eto eh. May toy na ko, may gasolina pa!
Nagpustahan kasi kami na kung sino ang unang makakakuha ng number ni Kelly ay makakatanggap ng PO ng gasolina galing kay Ralph. Vice mayor kasi ang daddy nya kaya ayun isang kapirasong papel lang meron na syang libreng gasolina. Full tank iyon at sayang din ang mahigit na isang libong piso kaya kinareer ko yung pustahan.
Nagkunwari akong makikitext sa kanya pero ang totoo number ko lang yung tinext ko para makuha ang number nya. Denilete ko pa yung message ko sa sent items para walang ebidensya. Nagreply ako.
To Katelyn: Peace! :Dv Can I have you're name?
Katelyn: Why, don't you have yours?
Astig! Umi-english na maid. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Muka naman syang mabait pero bakit parang ang sungit nya sa text?
Hindi na ako nagreply dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Bago makababa sa hagdan ay isa pang text ang dumating. Sya ulit.
Katelyn: San mo nakuha ang number ko?
"Hinulaan ko lang," reply ko.
Ilang sandali pa ang nakakaraan pero hindi na sya nag text, busy na siguro. Nag ring naman ang phone ko at kinakabahan ako sa pag aakalang si Kelly iyon. Nagpasya ako na kung sya iyon ay irereject ko, pero hindi naman si Kelly eh. Kaya sigot ko na.
"Yes tito? Wala naman. Okay, see you."
BINABASA MO ANG
Wild World
Fiksi UmumMay lugar pa ba sa puso mo ang magmahal? Kung sa bawat pagkakataon na pipiliin mong maging masaya ay palagi kang nasasaktan? Hanggang kailan ka aaas? Hanggang kailan ka kalalaban?