Napansin agad ako ni Ivann, hininto nya ang sasakyan. Agad namang bumaba si Ma'am Emi. Yumuko ako hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nanginginig ako sa sobrang kaba. Nakaramdam ako ng takot ng nakita kong paalis na sila. Para bang may magandang pagkakataon akong pakakawalan kung hahayaan ko silang umalis. Sa pag andar ng kanilang sasakyan ay parang may gumuhong pag-asa para sa akin. Pakiramdam ko kung aalis sila ay tuluyan na akong mapapag-isa. At hindi ko kaya ang isipin na iyon. Bumalik ako sa reyalidad ng maramdaman ko na nasa harapan ko na si Ma'am Emi."I guess you already made your decision" nakangiting wika ni ma'am Emi.
"Sasama po ako. Sambit ko ng hindi sya tinitignan. Pwede nyo po ba akong bigyan ng konting oras para ayusin ang lahat bago ko iwan itong bahay?" Dugtong ko, hindi ko pa rin sya kayang tignan.
"Sige. Bibisitahin lang namin si Mang Danny habang hinihintay ka"
Kumunot ang noo ko. Mang Danny? Siguro ay nakilala nila ito dahil sa pabalik-balik sila sa lugar na ito noong nangyari ang aksidente. Nang mai-park ng maayos ni Ivann ang sasakyan ay naglakad na silang mag-ina patungo sa bahay ni Mang danny. Pinagmasdan ko sila hangang sa lumiko na sila at mawala sa aking paningin. Huminga ako ng malalim at aambang bumalik sa aming bahay ng may isang sasakyang tumigil sa harapan ko. Isang pamilyar na mukha ang bumaba dito. Kahit na maykatandaan na ang babae ay lumilitaw pa rin ang kanyang ganda, ang kanyang pananamit at tindig ay sumisigaw ng karangyaan.
"Ano pong ginagawa nyo rito?" May bahid pa rin ng pait ang pananalita ko. Alam kong naayos na ang lahat. Pero hindi pa rin mawala sa sistema ko na sya ang sisihin sa pagkawala ng pamilya ko. Ayoko sana syang kausapin pero ayaw kong maging bastos.
"Iha, gusto sana kitang makausap"
Tumango ako at naglakad patungo sa aming bahay. Sa likod ko ay alam kong kasunod ko lamang sya.
Umupo ako sa upuang kawayan na nasa harap ng aming bahay at umupo rin sya.
"Alam mo bang hindi ako pinapatulog ng aksidenteng yun."
Simula nya, ramdam ko ang bawat hikbi sa pagsasalita nya. Kumirot ang puso ko at naramdaman ulit ang sakit sa mga nangyari.
"Alam kong hindi sapat yung mga ginawa ko para mabayaran ang lahat ng nawala sayo."
Pinagmasdan ko sya habang nagsasalita. Kita ko ang sinseredad sa bawat buka ng bibig nya at sa walang ampat na pag tulo ng kanyang luha.
"Sana ay mapatawad mo ako"
Ngayon ay nakatingin na sya sa akin. Tinikom ko ang aking bibig at pinipigalan ang aking pag iyak. Ang sakit pa rin. Ang sakit sakit. Gusto ko mang ibigay ang kapatawaran na gusto nya, ay hindi ko kaya. Dahil sa twing nakikita ko sya ay kabaong ng mga mahal ko sa buhay ang aking naaalala.
"Gusto kitang tulungan. Gusto kong akuin ang lahat ng naiwang responsibilidad ng mga magulang mo sayo, sa ganon ay makabawi man lang ako sa kasalanang nagawa ko."
Tumingala ako at sarkastikong napangiti sa mga sinabi nya. Kung ganon ay nandito sya para linisin ang kanyang konsensya? At hindi ko yun ibibigay sa kanya! Gusto kong dalhin nya habang buhay ang aksidenteng iyon! Gusto kong maghirap sya tulad ng paghihirap ko ngayon! Sa ganitong paraan nya lang mababayaran ang lahat.
"Umalis na po kayo. Hindi ko po matatanggap ang tulong na inaalok nyo. At kung maaari po sana ay ito na ang huli nating pagkikita."
"Iha"
BINABASA MO ANG
Wild World
General FictionMay lugar pa ba sa puso mo ang magmahal? Kung sa bawat pagkakataon na pipiliin mong maging masaya ay palagi kang nasasaktan? Hanggang kailan ka aaas? Hanggang kailan ka kalalaban?