IV- First Battle.
Isang panibagong umaga, panibagong araw na naman ang haharapin ko. Maganda ang sikat ng araw at mukang magiging maganda rin ang araw na ito para sa akin. Hindi ko alam kung anong may roon sa araw na ito at pakiramdam ko punong puno ako ng enerhiya. Ganadong ganado akong magtraho madami-dami na rin ang nagawa ko at ngayon ay busy naman ako sa mga pingan, kakatapos lang kasi namin mag agahan. Hep hep hindi kami magkakasabay kasama ang bosses namin, dun sila sa dining area at syempre kaming mga alila ay dito sa kusina.
Dahil feel na feel ko nga ang araw na ito masigla kong kinakanta ang isang lumang awitin na ginawan ko ng sarili kong version hehe.
You give me hope, The strength the will to keep on, No one else can make me feel this way, And only you Can bring you all the best I can do, I believe you turn the tide And make me feel real good inside
Hindi ko masasabi na magaling akong kumanta syempre hinihintay ko muna ang pa puri ng iba bago ko purihin ang sarili pa humble muna para masaya.
You pushed me up, When I'm about to give up, You're on my side when no one seems to listen, And if you go
You know the tears won't help but show You'll break this heart and tear it apart, Then suddenly the madness starts
Pero kahit hindi ako mahusay na mang aawit isa lang ang masisigurado. Hindi naman kahiya hiya ang boses ko. Hindi naman ako yung tipo na mababato ng kaldero pag bumirit na. Kung baga sa coke, Sakto!
It's your smile, your face, your lips that I miss, Those sweet little eyes, That stare at me and make me say I'm with you through all the way 'Cause it's you, who fills the emptiness in me, It changes ev'rything, you see When I know I've got you, with me
"Wow, iyan ba ang usong kanta sa probinsya nyo?"
Muntik ko ng mabitiwan ang pingan na hinuhugasan ko dahil sa pagkagulat. Hinanap ko agad ang pinanggalingan ng tinig na alam ko naman kung kanino.
...and there
isang gwapong lalaki na nakasandal sa may pintuan, nakangiti at pinapaikot ang cellphone sa kanyang kanang kamay.
"Pwede ba kita maabala sandali? Hindi ko kasi makita yung jersey ko na blue." at uma alon na naman ang kanyang noo habang nagkakamot ng ulo.
Hmmm baka naman gusto mo munang magpahinguto ko bago ko hanapin ang jersey mo?
at ngayon kitang kita ko ang inis sa ekpresyon ng kanyang mukha.
Wow lang ang mood swing ng lalaking ito. Kanina mukang anghel na kabababa lang sa lupa tapos biglang sinaniban ni Lucifer.
Tumango lang ako, itinigil ko muna ang paghuhugas ng pinggan at agad syang sinundan patungo sa kanyang kwarto.
Napahinto ako ng makita ang itsura nito. Ang gulo gulo, kita ko ang mga nagkalat at halo halong damit sa sahig at ang iba pa sa kama.
Napansin ata nito ang pagkatulala ko kaya tumikhim sya, siguro ay para agawin ang atensyon ko at matulungan na sya sa pag hahanap kaya lumapit agad ako patungo sa kanya.
"Nag iba kasi ang ayos ng mga damit ko. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin" sabi nya habang patuloy pa din ang pag hahalungkat hagis dito hagis doon.Naiirita ako sa ginagawa nya malamang ako ang mag aayos ng lahat ng kalat nya kulang na lang itaktak nya yung closet para lang makuha ang hinahanap nya. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng aayusin ko kaya tinabig ko na.
"Let me" napalakas ata ang tabig ko dahilan para mapaatras sya mula sa kinatatayuan nya. Nagkunawari ako na walang nangyari ayokong mag sorry dahil naiinis na din ako.
Agad kong nakita ang hinahanap nya at walang kagana gana kong iniabot iyon sa kanya.
"Ikaw ba ang nag ayos nyan? Pwede pakibalik na lang sa dati? nahihirapan akong maghanap eh."
Ah.. dati pala ha? pinulot ko ang mga nagkalat na damit sa sahig pati na rin ang nasa kama matapos ay isinalampak ko iyon sa loob ng closet at isinara. Aalis na sana ako ng magsalita sya.
"Teka. Anong ginawa mo?" bakas ang pagkamangha sa mukha nya tila, hindi makapaniwala sa ikinikilos ko.
"Ibinalik ko sa dating ayos ang closet mo BABY." Diniin ko tlga yung salitang baby at tinaasan ko sya ng kilay. Hindi ko alam kung bakit ko sya tinawag na baby. Ipaalala nyo nga sa akin na itanong kay Chang kung baby ba talaga ang tawag nya dito.
Akmang aalis na ako ng muli syang magsalita.
"Sawa ka na ba sa trabaho mo?" napangiti naman ako. Biglang nabura ang inis ko. this is it! nilapitan ko sya.
"Bakit paaalisin mo na ba ako? Hindi ko mapigilan mapangiti sa harap nya. ang bilis naman yata matupad ng plano ko. I'm ready."
"Pwede ba ayusin mo na lang yan." turo nya sa closet.
"Sabi mo ibalik ko sa dati. Eh yan yung itsura nya dati. wala na akong pakialam kung palayasin nya ako ngayon. Mabuti nga iyon para maka alis ako ng walang kahirap hirap. Hindi mo ba napansin kung gaano ka organize yan kanina? Alam kong binabayaran ako pero konting konsiderasyon naman sana. Hindi ako robot! Hindi naman biro ang mag ayos ng libo libo mong damit!" kinalma ko na ang sarili ko at nag tungo muli sa closet. Syempre no choice kung hindi ayusin ko na lang ulit alangan naman na ayusin yan ni SENYORITO!
Akala ko pa naman magiging maganda ang araw na ito para sa akin. Pero ganoon talaga ano? Hindi balanse ang mga bagay-bagay. Ngayon ay masaya ka tapos mamaya ay bibigyan ka ng problema. Parang natatakot na akong makaramdam ng kasiyahan.
Tinanong ko sya kung paanong ayos ba ang gusto nya. Sumagot naman sya at tinulungan ako kaya mabilis iyong natapos.
"I'm sorry" sabi ko. At iyon na nga umiral na ang pagiging mabuting bata ko. Naiintindihan ko naman din sya. Meron tayong mga nakasanayan na ayos ng mga gamit o kung ano pa man. Ayaw natin itong nagagalaw sa isang lugar para alam natin kung saan ito kukuhanin o hahanapin.
Kinabahan tuloy ako, paano kung magsumbong yun sa mommy nya at pagalitan ako? Oo gusto ko ng maka alis dito pero sana sa maayos na paraan. Wag naman sana yung sinasabunutan ako, kinakaladkad at itinutulak palabas ng bahay kasama ng mga nagliliparan kong damit. T_T
.
.
.
BINABASA MO ANG
Wild World
General FictionMay lugar pa ba sa puso mo ang magmahal? Kung sa bawat pagkakataon na pipiliin mong maging masaya ay palagi kang nasasaktan? Hanggang kailan ka aaas? Hanggang kailan ka kalalaban?