Kelly's povPalagi kong sinasabi sa sarili ko na isang masamang panaginip lang ito. Pero sa twing gigising ako sa umaga. Sinasampal ako ng katotohanan na mag isa na lang ako.
Gaano na ba katagal ang nakalipas simula ng iwan nila akong lahat? Isang linggo? Dalawa? Hindi ko alam. Wala akong pakialam sa mga araw na dumadaan. Hindi ko pa rin matanggap ang pangyayari.
"Kelly kumain ka na! Nandyan na yung pagkain na pinadala ni mama!"
"at sana naman kainin mo na yan! Ang dami na naming nasasayang na pagkain dahil sayo"
"Nagtitipid kami sa pagkain para may matira para sayo, tapos ikaw pinapanis mo lang!"
Si trixie. Sa twing pupunta sya dito ang dami nyang sinasabi. Wala ako sa mood makipag away kaya hinahayaan ko na lang syang pumutak ng pumutak.
Pagkalibing nilang tatlo inaya ako ni tita Tes, nanay ni Trixie na sa kanila na tumuloy pero tumanggi ako. Mas gusto ko pa rin sa bahay namin. Kahit sabihin pa nilang may multo. Eh ano kung mag multo sila? Bakit ako matatakot? Mas ok nga yun kasi magkakaroon ako ng chance na makausap sila. Siguro ang una kong itatanong ay kung bakit hindi nila ako sinama? Bakit nila ako iniwang mag isa? Ang daya nilang lahat!
Namatay sila sa isang aksidente. Aksidente. Walang may kasalan. Hindi sinasadya. Walang mananagot. Walang magbabayad. Wala akong pwedeng sisishin sa pagkawala nila. Walang hustisya. Ang unfair.
Hindi ko pa rin mahanap ang sagot kung bakit. Bakit sila pa? Bakit hindi ako? Bakit sa amin ito nangyari? Ang daming bakit. Paano ko haharapin ang buhay na ako lang? Paano na ako?
"Oh umiiyak ka na naman! Tama na nga yan Kelly!!! Tatlong bwan na silang wala. Ayusin mo naman ang sarili mo! Hindi ka kumakain! Hindi ka naliligo! Ang baho-baho muna! Tignan mo yang itsura mo, Nag tutoothbrush ka pa ba?" Hinarap nya ako at tinulak ng bahagya. Marahil ay napipikon na siya dahil wala siyang makuhang tugon mula sa akin.
Tatlong bwan na pala yun. Parang kahapon lang. At kahit na apat na bwan pa yun o taon na, palagay ko'y hindi pa rin sapat iyon para maghilom ang sakit na nararamdaman ko.Hindi sila ang nawalan ng ama ng ina at ng kapatid, hindi nila ako kailan man maiintindihan.
"Isang bwan pa na ganyan ka dadalhin ka na namin sa mental! Ggrrr!"
Galit syang umalis at ibinagsak ang pinto.
Minsan naiisip ko na magpakamatay na lang. Tutal mag isa na lang ako. Kapag patay na ako sama-sama na kami. Pero naiisip ko, makakasama ko ba talaga sila kung magpapakamatay ako? Paano kung nasa langit sila at ako naman mapunta sa impyerno? Hindi ko rin sila makakasama. Pinipilit ko na lang na kumbinsihin ang sarili ko na may dahilan ang lahat ng ito. May dahilan ang lahat ng sakit na ito.
" Nay! Tay! Ryan! "
Walang tigil ang pag iyak ko ng makita ko ang isang kotseng kasalubong nila na binangga ang kariton kung saan nakasakay ang nanay at tatay ko kasama si Ryan. Nagwala ang kalabaw at hindi iyon ma control ni tatay hangang sa mahulog sila sa bangin.
Napabalikwas ako at hinahabol ang aking paghinga. Napanaginipan ko na naman sila. Nagsimula na naman akong umiyak. Minsan ay natatakot na rin akong matulog dahil palaging ang pangyayari na iyon ang gumigising sa akin. Kung sana ay hindi ako umalis! Maaring hindi ganito ang nangyari. Maaring kasama nila ako. Maaring walang aksidente.
Natagpuang patay si nanay at si tatay pagkatapos ng aksidente. Si Ryan naman ay inakalang nawawala pero dinala pala sya sa hospital nung babaeng naka bangga sa kanila. Ilang oras lang din daw ang itinagal ni Ryan at binawiian na rin sya ng buhay.
BINABASA MO ANG
Wild World
Ficción GeneralMay lugar pa ba sa puso mo ang magmahal? Kung sa bawat pagkakataon na pipiliin mong maging masaya ay palagi kang nasasaktan? Hanggang kailan ka aaas? Hanggang kailan ka kalalaban?