Chapter 14.
Like a sister.....
Hindi mawala sa isip ni Elle ang sinabing iyon ni Yeol kahit isang linggo na ang lumipas mula nang marinig niya ang pay uusap into at ng Kuya Jungmyun niya.
Papunta siya sa building nila pero tuliro parin siya.Mukhang siyang kaluluwang ligaw na palakad lakad nang walang patutunguhan.Kanina pa siya naglalakad pero Hindi pa din soya makapunta sa building nila.Mabuti na lang at walang masyadong taong dumaraan ng mga oras na iyon dahil nasa klase ang mga schoolmate niya.
Naalala na naman niya ang nangyari noong kaarawan ni Yeol.Maghapon siyang nagkulong sa kwarto niya at umiyak dahil sa sakit na nararamdaman niya.
Ilang araw din siyang tulala at Hindi makausap nang matino.Nag aalala na nga sa kalagayan niya ang Kuya Minseok niya.pero tuwing tinatanong nito sakanya kung ayos lang ba siya ay sasagot lang siya ng "Okay lang ako kuya.hihi".saka pilit na ngingitian ito.
"Elle!"
Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.Si Yeol.
Nagtatalo ang puso't isip niya kung pano niya ito pakikiharapan.Gusto rom niyang saktan ito dahil sa pananakit nito pero alam niyang walang alam di yeol sa nararamdaman niya kaya wala siyang karapatang saktan ito.huminga siya nang malalim bago humarap dito.
"Hi"bati niya.Parang gusto niyang palakpakan ang sarili dahil natural na natural lang ang reaksyon niyq,gayong parang pinipiga ang puso niya nang makita ito.
"May pasok ka pa ba.? "tanong ni Yeol.Nagtaka si Elle.Alam ni Cross ang schedule niya kaya bakit ito magtatanong kung may pasok pa siya gayong alam nito na wala.Umiling siya.
Ngumiti ito.Bumilik ang tiboktibo ng puso niya. Dapat niyang pigilan ang kung anumang nararamdaman niya para dito.
"Natanggap ko nga pala ang regalo mo, Elle.Thankyou."
Iyon lang ang sasabihin nito? Himdi niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang.Umaasa parin siyang nagkamali lang siya ng dinig at itatanggi nito ang sinabi nito sa kuya niya.Ngumiti siya nang pilit at tumango.Baka kasi bigla siyang maiyak kung magsalita pa siya.
Tahimik din ito.An Awkward silence enveloped them.hindi siya makatingin nang deretsyo kay Yeol dahil baka mahalata nito na may itinatago siya.titig na titig pa naman ito sa kanya,na parang inaarok ang iniisip niya.
Bumunting hiniga siya"Gusto ko lang talaga magpasalamat pero hindi tayo nagkita nong Birthday ko kaya ngayon ko lang nasabi". Ngumiti ito.Parang may mali roon.Tila may gusto pa itong sabihin pero hindi masabi sa kanya"Sige,baka naabala na kita,Ingat ka nalang Elle. "Tinalikuran siya nito.Kinabahan si Janelle dahil tila may mali sas ikinikilos nito.
"I like you, Yeol!"Sigaw niya bago pa ito tuluyang makalayo sa kanya.She just had the urge to tell him that.May kakaibang kahungkagan kasi siyang nararamdaman nang talikuran siya nito.Pakiramdam niya na dapat na siyang magtapat dito dahil baka hindi na niya iyon magawa sa ibang pagkakataon.
Humarap uli ito sa kanya. "Hindi kita nakikita bilang kuya na tulad nina Kuya Jungmyun,kuya Minseok at Kuya Yixing.Nakikita kita bilang Park Chanyeol Saito,isang lalaki na pwede kong magustuhan dahil iba ka sa mga kuya ko.Ibang iba ka sa kanila dahil ikaw lang ang lalaking tanging nakakapagpakaba sa akin.Sa isang ngiti mo lang,bumababa depensa ko.Ikaw rin lang ang siyang nagpapasaya sa'kin, ang kumukumpleto sa araw ko,kahit pa nagkakaasaran lang tayo.Marami pa akong dahilan,pero hindi sapat ang isang araw para masabi ko sayo iyon."
"Hindi ko sinasadyang maramdaman ito,Pero,hindi ako nagsisisi.Dahil alam kong karapat dapat ka para sa pagmamahal na iyon.Mali ang sinabi ko kanina.Hindi pala kita gustl.Mahal kita,Park Chanyeol,at hindi ko kayang tanggapin na kapatid lang ang turing mo sa'kin."
Sinubukan niyang basahin ang mga mata nito para alamin kung ano ang nararamdaman nito.Pero masyadong siyang distracted para malaman kung ano ang itinatago ng mga matang iyon.Come on,Yeol.Say Something. Please,lihim na pakiusap niya rito.
Napalunok siya nang lumapit ito sa kanya.She was surprised when he took her in his arms and gave her a hug.The warmth gave her assurance and her inner turmoil vanished.
"Thank you for the feelings, my dear little Janelle."
Napasinghap si Elle nang halikan ni Yeol ang noo at saka dahan dahang lumayo sa kanya.Nawala na parang bula ang assuramce na naramdaman niya kanina nang talikuran uli siya nito.Pakiramdam niya ay tila untiunt unti ring namatay ang puso niya.alam na niya ang kasagutan nito.kapatid lang talaga ang tingin nito sa kanya.
"UMALIS na pala si Yeol papuntang london. "
Natigilan si Elle sa pagsandok ng kanin nang marinig ang sinabi ng kuya Minseok niya.tatlong araw na ang lumipas mula nang magtapat siya nang damdamin kay Yeol at tanggihan siya nito.kabaliktaran ng inaasahang reaksyon niya ay hindi man lang siya umiyak nang talikuran siya nito.Sa halip ay tila naging bato ang puso niya at nawala ng pakiramdam.
Ipinagpatuloy niya ang pagkuha ng kanin at sumandok ng kare kare na niluto ng kuya Minseok niya.
"Oo,kuya.Nagmamadali ngang umalisumali,eh,". Sagot ngn kuya jungmyun niya.
Siguro dahil sa kanya.
Sumubo siya ng pagkain.Masarap talagang magtimpla angan kuya Minseok niya.
"Paano ang bahay niya at yong naiwan niyang girlfriend? Okay lang ba sa kanya iyon? "tanong ng kuya Yixing niya.
"Break nan sila ni Sandara,Yixing.at ang bahay niya,inihabilin muna niya sa pinsan niya".
"Sinong pinsan.? "
"Si Baekhyun daw.Doon muna titira si Baekhyun dahil malapit lang dito ang unibersidad na pinapasukan niya.
Tahimik na nagpatuloy si Elle sas pagkain habang nakikinig sa usapan ng mga kapatid niya.
"Hindi na rin pala siya babalik dito,sabi niya.Sa london na lang daw siya magpapatuloy ng pag aaral."
"kunsabagay,maganda rin na ma explore niya ang cooking style ng mga Briton.baka mas marami siyang matutunan doon.Are you okay with that,kuya jungmyun? Baka maungusan ka ni Yeol". Anang ni kuya Yixing.
"I dont care,Yixing.Mas gwapo at mas matalino parin ako sakanya. "
Nagtawanan ang mga kuya niya sa sagot ngn kuya jungmyun niya.Tumayo na siya hawak ang pinggang pinagkainan niya."tapos na akong kumain". Anunsyo niya at saka dinala ang mga iyon sa lababo.Iniwan niya ang kanyang mga kapatid at lumabas ng dining room nila.
Umakyat siya sa kwarto niya at doom nagmukmuk.Umupo siya sa kama niya at pinagsusuntok ang unan niya.She was mad at Yeol.he broke her heart into pieces and now he had left.Ni wala itong sinabi sa kanya na aalis pala ito.
Nag-init ang mga sulok ng mga mata niya hanggang sa mapahagulhol na siya ngn iyak.Hinayaan niyang dumaloy angan mga luha niya hanggang sa naramdaman niyang pati ang puso niya ay namanhid na sa sakit.it will be the last time she will cry for him.it was time to move on.
***************
Annyeong:):)Kamusta kayo? Its good to be back? Haha
Sorry if ngayon lang nakapag update.😂😂✌
BINABASA MO ANG
A Serenity of Love
Любовные романыJanelle hated Chanyeol from the bottom of her heart sa bawat pagkikita nila ay palagi nalang silang nagbabangayan para bang aso't pusa lagi at nakasanayan nalang niya ang bawat pagbabangayan nila. To her , Chanyeol was her mortal enemy and her demon...