Ten years had past.......
"ELLE"
Nilingon ni Elle ang pinanggalingan mg boses na iyon.
Nakita niya ang nakangiting si Monic ibanez.
Katrabaho niya sa Moonlight, Isang sikat na Women magazine.
Napangiti siya nang maisip kung ano, ang posibleng pakay nito sa kanya.
"Bakit? ate Monic?" tanong niya rito.
Niyakap siya nito nang makalapit ito sa kanya.
"thank you! Elle! "
"Hindi na ako makahinga ate Monic" natatawang wika niya.
Agad naman itong humiwalay sa kanya.
"Ang gwapo talaga niya." kinikilig na sigaw nito.
Ang kuya Yixing niya ang tinutukoy nito.
Nag kakilala na ang mga ito nang minsang dalhin niya ito sa restaurant ng mga kuya niya at agad itong nagkainteres sa kuya Yixing niya.Her friend was instantly smitten by her brother's kind and smiling eyes.
Nang sabihin niyang nakikitira siya sa bahay nito, kulang na lang ay sakalin siya nito sa sobrang inggit.
Humiwalay na kasi ang kuya Jungmyun at Kuya Yixing niya ng tirahan at tanging sila na lang ng kuya Minseok niya ang nakatira sa ancestral house na naiwan ng mga magulang nila.
Pero nang nakaraang linggo lang ay nagpasiya siyang makitira muna pansamantala sa kuya Yixing niya.
Medyo may kalayuan kasi ang ancestral house nila sa kanyang opisina.
Minsan, nakikitulog din siya sa bahay ng kuya Jungmyun niya. Tuwing nakikiusap itong bantayan muna niya ang bahay nito.
"I told yah ^__^! "ani niya.
Tila nangangarap na tumingin ito sa kisame.
"Ang kisig niya at sexy pa 😍. Ang bait at higit sa lahat sweet pa! Alam mo bang binigyan niya ako ng libreng slice ng cake? Sabi niya, kung masasarapan ako idadagdag niya sa iyon sa menu. At! Wag ka gurl! award winning ang sarap ng cake niya! Tapos 'tapos nginitian niya pa ako kyaaaaaah hmmmmp! Aheheheheehe "kinikilig na tumili si Monic.
Natawa siya.
"Ganyan din ang reaksiyon ng ibang babae tuwing nakikilala si kuya Yixing"
komento niya.Agad nawala ang kislap sa mga mata nito at napatingin sa kanya.
"May iba kang ipinakilalang babae sa kuya mo? Akala ko pa naman, ako lang?!" nagtatampong sabi nito.
Twenty-four years old na ito pero mahilig pa rin si Monic sa cartoons at paborito nito si tom and jerry.Ito rin ang isa sa pinakamalditang taong nakilala niya.
Pero bagay ito sa kuya Yixing niya. Walang thrill kung mabait ang magiging girlfriend ng kuya niya. Baka walang patutunguhan ang relasyon ng mga ito. Duda siya kung may himalang mangyayari sa mga ito kapag ikinulong sa isang silid atleast with Monic, alam niyang magiging interesante ang buhay ng kuya niya. Magiging makulay at magulo iyon. Hindi naman sa iniisip niyang ito mismo ang gagapang kay Yixing but.....
"Wala nga ! ikaw lang. Pero hindi lang ikaw ang babaeng nagpupunta sa Black Rose Corner para lang masilayan at makadaupang -palad si Kuya Yixing. tandaan mo, hindi lang ikaw ang admirer ni kuya" ani niya.
Mula nang magbukas ang restaurant ng kapatid niya. Napansin niyang karamihan sa mga customer doon ay puros babae na ang tanging gusto lang yata ay makilala ang mga kuya niya. Alam din niyang karamihan sa mga ito ay naiinggit o naiinis kapag personal na inaasikaso siya ng kuya Yixing niya. Hindi na lang niya pinapansin ang mga ito maliban na lang kapag talagang inaaway na siya.
"Oo nga eh😔 ahuehuehue. Ang dami kong karibal" Bumuntong-hininga ito.
Tumikhim siya nang lumungkot si Monic. Parang problemadong-problemado ito dahil sa mga babaeng nakikiagaw sa atensiyon ng kuya Yixing niya.
"Don't worry maahbebs! may backer ka naman" Pang aalo nito.
Nagningning ang mga mata ni Monic.
Hope was written all over in her eyes even in her face.
Kulang na lang ay lumuhod ito sa harap niya.
"Sino? Ikaw? " tanong nito.
"Hindi!"
Itinuro niya ang kisame
"Si lord. Idaan na lang natin sa dasal ang pagsinta mo kay kuya Yixing"
Natawa siya nang sinimangutan siya nito.
Maya maya pa ay nagkukulitan na sila sa lobby ng MOONLIGHT.
*****************
HERE THE UPDATE.***
BINABASA MO ANG
A Serenity of Love
RomanceJanelle hated Chanyeol from the bottom of her heart sa bawat pagkikita nila ay palagi nalang silang nagbabangayan para bang aso't pusa lagi at nakasanayan nalang niya ang bawat pagbabangayan nila. To her , Chanyeol was her mortal enemy and her demon...