ASHLEY'S POV
Unti unti kong minulat ang mata ko na maka aninag ako ng sikat ng araw. Pag dilat ko nakita kong binubuksan ni Jasmine yung bintana niya. Tiningnan ko si Jas, okay na kaya siyaa? Hays. Sana may magawa din ako para tulungan si Jasmine. Ang bait niya kasi masyado ee 😭 Hayss.
"Uy Ash gising kana pala! Nagising ba kita? Nako sorry" bigla namang sinara ni Jasmine yung bintana at sinara yung kurtina hahaha.
"Baliw ano kaba! Ayus lang. Hahaha buksan mo na uli yung bintana"
Ginawa naman niya yon at nag peace sign muna saken hahaha. Ang cutee talaga niya. Para siyang bata 😂 bumangon na ako at kinuha yung phone ko sa bag, baka kasi nagtext si Mama ee.
From: Prince 👑💞
Goodnight Princess! Im sorry! Wag ka mag isip ng kung ano ano please? Iloveyou! Ikaw lang. Sa ngayon hindi ko pa ma explain sayo. Pero I promise! Sasabihin ko din sayo. Sana maintindihan mo. Iloveyou my princess, I always love you.
Bakit? Anong ibig niyang sabihin? Anong ako paden? Sht naman Pat! Niloko mo na ko harapa harapan ee! Ano pang kailangan mong iexplain? Ieexplain niya ba kung bakit niya ko pinagpalit?! Ano hindi paba sapat yung ginawa niya? Tapos papaasahin niya nanaman ako? Biglang may yumakap saken, katabi ko na pala si Jasmine.
"May rason naman pala siya ee. Hayaan mo siyang mag explain"
"No. Ayoko, paasahin nanaman niya ko. Or baka ieexplain niya saken bat niya ako pinag palit? Haha. Wag na."
Pinunasan ko yung luha ko at nginitian si Jasmine. Para sabihin saknyang okay lang ako. Kahit hindi.
"Alam mo tara na sa baba! Ikain na lang natin yan."
Ngumiti na lang ako kay Jasmine, gutom lang to. Pagkain lang katapat nito :) Kaya mo yan Ash. kayanin mo.
"Oh andyan na pala kayo, umupo na kayo at kakain na tayo" sabi samin ni tita ng makita niya kami ni Jasmine. Umupo na ako sa tabi ni Jasmine, nakakahiya nga ee. Palamunin pa ko dito.
Habang nakain kami, napansin kong medyo walang gana si Jasmine. Ano kayang nangyare sakanya? Wala na akong balita sa nangyayare saknila ni Leslie ee.
Tumingin siya sakin, nahalata niya atang nakatingin ako saknya.
"Alam kong maganda ako wag mo naman akong titigan Ash" baliw talaga tong babaeng to hahaha.
BINABASA MO ANG
Second Chance
FanfictionYou can't please everybody to believe you. Just do what you want and follow your heart's desire