- Yuri Kaye Montefalcon -
Maaga ako gumising ngayon dahil sa panaginip ko nanaman tungkol sa batang babae na yun.
Hindi ko alam iba ang pakiramdam ko dito. Parang bang may makikita ako na parang parte sa akin.
Pagbaba ko ay nag aalmusal na sila mom at dad kaya binati ko na sila.
"Good morning mom"bati ko kay mom sabay halik sa pisnge nito. At sunod naman kay dad.
"Good morning dad"sabay halik din dito.
"Good morning Sweety"nakangiting sabi sakin ni mom at napatingin naman ako kay dad ng batiin niya ako.
"Good morning Yuri"nakangiting bati nito.
"Kain kana sweety"alok sakin ni mom kaya tumabi na ako sa kanya.
"Thank you mom"
Nagsimula na kami at agad nagpaalam si dad dahil maaga daw siyang kailangan sa company namin.
"Bye Yuri, Bye hon"paalam ni dad sabay halik sa noo namin napangiti naman ako dahil doon habang si dad ay hinalikan pa si mom sa lips.
"Ihh kinikilig si mom"tukso ko dito.
"Shhh"awat nito sa akin at nang matapos kaming kumain ay sumakay na kami sa car niya.
"Sweety may dumating na letter pala sa iyo. Mamaya basahin mo na lang pag uwi mo nilagay ko na sa kwarto mo sa may study table mo"sabi ni mom bigla sa akin at nacurious naman ako dahil doon.
"Anong letter po yun mom?"takang tanong ko dito dahil hindi ko alam na may letter na magpapadala pwede naman magmessage sa social media account ko.
"Basahin mo na lang pag uwi mo mamaya"sagot ni mom at napansin kong mukhang may alam si mom.
"Hay sige po"sagot ko na lang at ilang sandali lang ay nakarating na kami sa school ko at nagpaalam agad ako.
"Bye mom, see you later"sabay halik sa pisnge nito at ngumiti naman si mom sa akin.
Nang makalayo na si mom ay pumasok na ako at ang daming sumalubong agad sa akin at binabati ako.
"Good morning Ms. Yuri"
"Good day Ms. Yuri"
Ngumiti naman ako sa kanila at narinig ko pang nagtilian yung mga babae at yung mga lalaki ay ngumiti naman.
Pagkapasok ko ng roon ay nakita ko si Rose na nakadukdok sa desk niya.
Nang makarating ako sa pwesto nito ay kinalabit ko ito bago maupo sa tabi nito.
"Hmm"ungol na sabi nito at agad na tumingin sa akin at nagbigay ng isang malungkot na ngiti.
"May problema ka ba?"nag aalalang tanong ko dito.
"Babe lilipat na ako ng school"naiiyak na sabi nito at nakaramdam naman ako lungkot dahil sa buong year na nag aaral ako dito ay siya lang ang naging mag isang totoong kaibigan ko.
"Saan ka naman lilipat"malungkot na tanong ko dito.
"Sa isang malayong Academy"sagot nito sa akin. At napatingin naman ako ng malungkot dito.
"Anong pangalan?"tanong ko dito kasi parang ayaw nito sabihin eh.
"Secret bleeh"nakangiting sabi nito kaya hindi ko na lang kinulit dahil mukhang ayaw nito aminin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/73364495-288-k405777.jpg)
BINABASA MO ANG
Mage Academy Season 3 (The Powerful One)
FantasyBago niyo ito basahin ay mas maganda unahin niyo muna ang season 1 and season 2 dahil hindi niyo maiintindihan kung dito agad kayo sa season 3. Pero kung mapilit kayo edi go :) wag kayo magagalit kung di niyo maiintindihan ang iba :) This is GirlxGi...