- Yuri Kaye Montefalcon -
Pagkatapos ng introduction ay umalis na si Ms. Reese dahil first day palang naman daw kaya hindi muna siya mag tuturo.
Nakita kong nakasimangot yung dalawa na sina Candice at Cassidy.
"Bakit ganyan itsura niyo"cold na tanong sa kanila ni Charmela na nagbabasa ng libro.
"Waah Ate Mela si Jenny nakakainis na ang babaeng yan"sabi ni Candice sabay yakap sa isang braso ni Charmela.
"Don't mind them baby sis"cold lang na sabi nito at tumingin naman ako kay Rose na tila nag day dreaming ang bruha.
"Hoy anyare sayo?"tanong ko dito dahil tulalang nakangiti.
"Babe kinikilig ako kay Ate Danica"parang kinikiliting sabi nito sa akin matching yugyog pa sa akin.
"Ang landi mo cousin"biglang singit ni Kyle at nakita kong tumingin ito ng may pang aasar kay Rose.
"Inggit ka lang"nakairap na sagot nito sa pinsan niya.
"Bakit ako maiinggit aber? Atlease ako nakakasama ko si Cassidy"nadulas na sabi nito kaya napatingin kami sa kanya ni Rose at nakita kong napatingin din si Charmela pero naka smirk habang yung kambal ay busy na nag uusap.
"May gusto ka kay Cassidy?"bulong sa kanya ni Rose.
"Wala tss"masungit na sagot nito pero namumula pa din.
"Nadulas na ang madaldal mong bibig cousin kaya wag kana magkaila"nakairap ulit na sabi ni Rose kay Kyle.
"Oo na secret lang natin ah"nagmamakaawany sabi nito at nagpuppy eyes pa.
"No problem"sabi ni Rose at may sinabi pa ito."but may condition syempre"nakasmirk na sabi nito at napansin kong napabusangot ang mukha ni Kyle.
"Fine"naluging sabi nito kay Rose.
"Treat mo ako lagi ng lunch"sabi nito at ngumiti ng matagumpay.
"Ang daya tss. Ok fine"defeated na sabi nito.
"Lunch na tayo guys"sabi bigla ni Cassidy at nakita kong namula si Kyle dahil magkatabi na sila nito ngayon.
"Si-sige"nauutal na sabi ni Kyle at mas namula pa si Kyle ng biglang hawakan ang kamay niya ni Cassidy.
Tumayo naman kami at hinawakan bigla ni Charmela ang kamay ko at napangiti na lang ako dito.
Palabas na sana kami ng biglang harangin kami ng apat na babaeng kaklase namin at nakita kong masama pa rin ang tingin sa akin nung babae na si Ysabelle.
"Hi pwede bang sumabay kami?"mabait na tanong nung Jenny at tumingin ito kay Candice at napansin kong sa mga mata nito ang lungkot pero nawala din.
"Bawal"madiin na sabi ni Candice at inirapan si Jenny pero nakita ko din ang lungkot na dumaan sa mata ni Candice pero dahil magkapatid sila ni Charmela at natago iyon na mabilis pero nakita ko si Charmela na nakatingin sa kapatid niya.
"Please"pagmamakaawa naman nung Ysabelle.
"Payagan niyo na"singit ko at napatingin silang lahat sakin n para bang tinubuan ako ng tatlong ulo.
"What?"sigaw ni Rose at si Charmela naman ay tumingin sa akin at ngumiti pero nawala din ng mabilis.
"Sige"cold na sagot ni Charmela at hinila na ako palabas.
"But Ate Mela"rinig namin na sabi ni Candice pero nag tuloy lang si Charmela.
****
- Charmela Sophie Serfentes- Mondragon -
BINABASA MO ANG
Mage Academy Season 3 (The Powerful One)
FantasíaBago niyo ito basahin ay mas maganda unahin niyo muna ang season 1 and season 2 dahil hindi niyo maiintindihan kung dito agad kayo sa season 3. Pero kung mapilit kayo edi go :) wag kayo magagalit kung di niyo maiintindihan ang iba :) This is GirlxGi...