TPO- 11 Candice's Past

1.9K 85 6
                                    

- Charmela Sophie Serfentes Mondragon -

Pumunta na agad kami ng dorm at lahat kami ay kumpleto tinignan ko si Kaye at tumango naman ito.

"Guys dito muna tayo sa sala may pag uusapan lang sila Candice at Charmela"sabi nito at agad naman nag tanguhan sila.

"Magluto na lang kayo ng gusto niyo at mag movie marathon kayo"suggest ko sa kanila at hinawakan ang kamay ni Candice na hanggang ngayon ay tahimik lang.

Pagpasok namin sa kwarto ay nilagyan ko ng barrier ang buong kwarto dahil baka may makinig iba na din para sa safe na din.

Umupo agad ako sa bed ni Candice at tinignan itong nakatayo sa harapan ko na nakayuko lang.

"Baby sis come here"cold na may halong lambing na sabi ko dito.

Ngumiti naman ito sa akin at agad na tumabi pagkatapos ay yumakap ito. Narinig kong umiiyak ito ng mahina kaya inalo ko.

Nakaramdam ako ng awa para dito at nakaramdan din ako ng pagkaguilty.

Hindi ko man lang siya nadamayan sa panahon na kailangan niya ako.

"Ate Mela masakit pa din"naiiyak na sabi pa rin nito.

"Shh magkwento ka para hindi mabigat sa loob mo"sabay yakap pa dito.

****
- Candice Sophia Serfentes Mondragon -

Tumingin ako may Ate Mela at yumakap dito at sinimulan ko ang pag kwento ko at unti unti bumalik sa akin ang alaala na kasama si Jenny.

- F L A S H B A C K -

Maaga akong pumasok ngayon at nagpaalam na ako kila Mimi at Mama na maaga akong papasok dahil may gagawin ako.

Pero sa totoo lang gusto ko mapag- isa dahil si Ate Mela ay lalong lumala ang pagiging cold niya.

Simulang namatay si Ate Yuri at kahit ilang taon na ang lumipas parang sariwa pa rin ito kay Ate Mela.

16 years old na kami at iniisip ko na masakit ba talaga pag iniwan o mawalay ka sa taong mahal mo?

Hindi ko namalayan na may nabangga na pala at sabay kaming naupo sa lapag.

"Ouch"rinig kong sabi nito.

"Aray"sabi ko naman at agad akong tumayo para tulungan ito sa pagtayo.

Hahawakan ko na sana ng biglang tabigin ang kamay ko at hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya dahil natatabunan.

Nang makatayo na ito at humarap sa akin ay bigla ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa buong buhay ko.

Yung puso ko bumilis ang tibok at may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko. Hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako nito.

"Hey? Miss"rinig kong sabi nito sa akin at natauhan naman ako bigla at ngumiti dito.

"Sorry, are you alright?"tanong ko agad dito ng makabawi ako.

"Tss. Sa tingin mo?"mataray na sagot nito sa akin at bigla naman ako nakaramdam ng inis sa sinabi nito ako na itong concern nagtaray pa.

"Miss, ako na itong concern tatarayan mo pa ako? Hindi lang ikaw nasaktan kaya wag kang mag inarte"pagtataray ko dito at napansin kong ngumiti pero nawala din.

"Sorry, ang cute mo mainis"pang tetease nito sa akin at namula naman ako sa sinabi ito.

"Stop teasing me"naiinis na sabi ko pero sa loob loob ko ay kinikilig ako.

"I'm Jenny Reyes you can call me Jen"nakangiting sabi nito sabay kuha sa kamay ko.

"Candice Sophia Serfentes Mondragon"sabay shake sa hands niya.

Mage Academy Season 3 (The Powerful One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon