TPO- 12 Partner

2K 92 14
                                    

- Charmela Sophia Serfentes-Mondragon -

Maaga kaming pumasok ngayon dahil may announcement na sasabihin si Ms. Reese sa amin.

Kompleto na kami na nandito at nakita kong nakatingin sa akin yung Ysabelle at kinikindatan ako.

Naiinis ako sa ginagawa niya sarap gawing yelo para hindi na makakindat pa.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at pagtingin ko ay si Kaye.

"Bakit?"nakangiting tanong ko dito at nakita kong namula ito.

So adorable

May sasabihin sana siya ng biglang may magsalita sa harapan.

"Good morning class"masayang bati sa amin ni Ms. Reese  at tumingin ako kay Kaye bumulong dito.

"Later"sabi ko na lang at tumingin ulit kay Ms. Reese na nagsasalita.

"Lahat kayo nandito ay para matuto at makapagsanay sa pakikipaglaban, May isang announcement na alam kong magugustuhan niyo. At iyon ay Ranking Match sa dadating na buwan kaya lahat ay ngayon ay maaaring mag training"sabi nito sa amin at nagtaas ng kamay si Cassidy.

"Yes Ms. Cassidy?"tanong nito sa kapatid ko tumayo naman ito at may sinabi dito.

"By partner po ba?"tanong ni Cassidy.

"Oh. Buti pinaalala mo. Yes by partner at kayo na ang magdesisyon kung sino gusto niyo makapartner at pwede kayong magpatulong sa higher year sa inyo"

"Ahh salamat po"nakangiting sabi ng kapatid ko sabay upo at kinausap si Kyle.

Tumingin ako kay Kaye at napansin kong nakatingin ito sa akin.

"Tayo ang partner"cold na sabi ko at ngumiti dito at tumango naman ito agad.

Napansin kong wala na pala si Ms. Reese at nakita kong palapit sa amin yung apat na babae.

"Charmela partner tayo please"pagpapacute na sabi ni Ysabelle pero binigyan ko lang siya ng cold stare.

"No may partner na ako"cold na sabi ko dito. Tumingin ako Kaye sabay hawak sa kamay nito.

"Ganun ba?"malungkot na sabi nito at tumalikod na napansin kong sinundan siya ng isang babae na si Hilda at halata naman dito na may gusto siya kay Ysabelle ayaw pa umamin.

****
- Yuri Kaye Montefalcon -

Kinikilig pa rin ako sa pagkakahawak ni Charmela sa akin.

Tapos ako pa ang pinili niyang maging partner sa training. Sa totoo lang medyo napapaisip na din ako kung ano ba itong nararamdaman ko at kung ano yung ginagawa ni Charmela sa akin.

Nakita kong nag uusap si Jenny at Candice mapapansin mong may past silang dalawa dahil sa tinginan palang nila.

***
- Candice Sophia Serfentes-Mondragon -

Lumapit sa akin si Jenny at yung puso ko nanaman bumilis ang tibok at yung tiyan ko parang may mga paro parong lumilipad sa tiyan ko.

"Sophia"rinig kong tawag nito at napatingin ako dito at hindi nagpapakita ng emosyon.

"Bakit?"walang emosyon na sagot ko dito.

"May partner kana?"nag aalalangan na tanong nito sa akin.

Palihim akong ngumiti pero mabilis na humarap dito at wala pa ring emosyon na tinignan ito.

"Ano naman kung may partner na ako?"tanong ko dito at tinignan sa mata napansin kong namula ito.

"Gusto ko sana na maging partner ka"namumulang sabi nito sa akin sabay iwas ng tingin.

Mage Academy Season 3 (The Powerful One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon