- Yuri Kaye Montefalcon -
Maaga ako gumising ngayon at nag ayos na sarili ko.
Ligo
Bihis
Suklay
Sipilyo
Pabango
Tadahh tapos na ako at tumingin muna ako sa salamin at nagpacute pa.
Habit ko na ito simula bata pa ako dahil may pinaghahandaan ako lagi noon di ko lang matandaan kung kanino.
Pagbaba ko ay nakita kong nagbabasa si daddy habang si mommy ay nakatingin sa phone niya.
"Good morning everyone"masayang bati ko sa kanila sabay halik sa pisnge nila.
"Ang saya ata ng anak ko ah"natatawang sabi ni dad.
"Ihh excited lang ako daddy"sabi ko sabay tabi sa upuan niya.
"Kumpleto na ba lahat ng gamit mo?"tanong ni mom at sinandukan ako ng kakainin ko.
"Opo tayong dalawa pa po nag ayos nun eh"
"Mabuti ganun. O siya kumain kana"sabi ni mom at kumain na din ito.
"Thank you mommy"sabay simula ko na sa pagkain at ang dami buti na lang sexy pa din ako.
Nang matapos kami ay may narinig kaming nagdoor bell. Tinawag ni mom ang isang maid namin para buksan ito.
"Ma'am sundo daw po ni Señorita Yuri"sabi nito.
Nagtatakang napatingin naman ako kay Mommy. Si daddy ay nakaringin lang sa amin.
"Yaya pababa na lahat ng gamit ni Yuri dito"at tumayo si mommy para pumunta ng labas sumunod naman kami ni daddy.
"Good morning Ms. Montefalcon ako po ang magdadala sa inyo sa Mage Academy. May kasabay po kayo nasa loob lang siya"sabi ng isang gwapong lalaki at nasa mid 30 na ang edad nito pero ang gwapo at macho pa din.
"Ma'am eto na po ang gamit"sabi bigla ng katulong. Kinuha naman ito nung gwapong lalaki at binuksan ang isang pinto ng car para makapasok ako pero hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob na babae.
Humarap ako kila mommy at daddy na pinipigilan umiyak.
"Mommy and daddy mamimiss ko po kayo. I love you mommy and daddy always ang forever. Mag ingat po kayo ah"naiiyak na sabi ko dito.
"I love you too anak. Mamimiss kita mag ingat ka din doon ah"sabi ni daddy sabay yakap sa akin.
"Mahal din kita sweety. Mamimiss kita sobra. Mag ingat ka ah"sabay yakap din sa akin at agad naman ako nag paalam.
Pagpasok ko sa loob ay tumingin ulit ako kila mommy at nakita kong magkayakap silang nakatingin sa akin at nagpaalam.
Ngumiti naman ako sa kanila at nagulat ako ng biglang may nagpunas ng luha ko.
Pagtingin ko ay si Rose at nagulat ako bigla kaya napasigaw ako.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko dito.
"Di ba sabi ko sayo lilipat ako ng school?"natatawang sabi nito sa akin.
"Oo pero hindi ko alam na sa Mage Academy ka din pala"sabi ko at napansin kong tinitigan ako nito.
"Babe bakit di mo sinabi sa akin na lilipat ka din pala?"nagtatampong sabi nito.
"Nakalimutan ko hehe"sabi ko dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/73364495-288-k405777.jpg)
BINABASA MO ANG
Mage Academy Season 3 (The Powerful One)
FantasiBago niyo ito basahin ay mas maganda unahin niyo muna ang season 1 and season 2 dahil hindi niyo maiintindihan kung dito agad kayo sa season 3. Pero kung mapilit kayo edi go :) wag kayo magagalit kung di niyo maiintindihan ang iba :) This is GirlxGi...