- Stephany Kaith Heaven -
Tinignan ko ang taong nasa harap namin ngayon at nakangisi pa sa akin.
"Tiffany Ken"bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig ng mga kasama ko iyon kaya napatingin sila sa akin.
"Hello Big sister i miss you"sabay flying kiss pa nito sa akin pero tila nang aasar pa ito.
"Bakit mo ginawa yun?"galit na sabi ko dito at tinignan ito ng masama. Pero nakita kong ngumisi lang ito sa akin na lalong ikinainis ko.
"Tinignan ko lang kung malakas ba sila at ang sinasabi na tao sa propesiya yun lang"sabay ngisi nito at narinig kong napasinghap sila sa sinabi nito dahil nadamay ang propesiya.
"Kaith anong ibig niyang sabihin?"tanong bigla sa akin ni Giadie at tinignan ko lang ito.
"Sino nag utos sayo?"hindi ko pinansin ang tanong ni Giadie at tinanong ko ulit ang kapatid ko.
"Si S-e-c-r-e-t"mapang asar na sagot nito sa akin.
"Guys kailangan nanatin makabalik dahil malapit na maubos ang oras natin dito"biglang singit ni Danica at tumango naman kaming lahat.
"Aalis agad kayo? Hindi pa ako tapos makipag laro sa inyo eh"malungkot na sabi nito pero ang mga mata niya iba ang pinapahiwatig.
"Wag ngayon Tiffany"seryosong sabi ko dito at nakita kong tinignan lang ako nito na walang emosyon.
"Tss! Fine basta next time hindi ko na kayo papakawalan pa. Bago kayo umalis pasabi naman kay Yuri-"hindi nito tinuloy ang sinabi niya pero mabilis na nagteleport ito sa akin at bumulong.
"Malapit na namin siyang kunin"bigla naman ako nagulat sa tinuran nito at ilang sandali lang ay nawala na ito.
*****
- Giadie Serfentes -
Nakita naming nagulat ito sa binulong ng kapatid niya at mabilis naman umalis din naman ito.
"Kaith? Anong sinabi niya? Anong binulong sayo?"sunod sunod na tanong ko dito.
"W-wala naman. Bilisan nanatin at magmadali para maabutan pa natin ang portal"lihis na sagot nito at tumango na lang agad kami.
Nakita namin ang portal at mabilis kaming pumasok. Paglabas namin ay napansin namin na nasa infimary room na pala kami at nag kakagulo na sila.
"Headmistress nandito na po ang pinapakuha niyo"mabilis na lumapit si Danica at inabot ang winter flower na nakabalot sa tela na itim.
"Mabuti naman at tagumpay kayo muntik na kayo mahuli dahil nag iiba na ang mga kulay nila"sabi ni Headmistress at pumunta naman agad kami sa loob ng room kung saan magkasama ang dalawa na si Charmela at Yuri.
Nakita namin na ginagawa na ang mga potion ng mga healers hinalo lang nila ang winter flower at pinainom sa dalawa.
Mabilis naman ang naging bisa nito sa kanila at bumalik na sa dati ang mga kulay nila.
Pansin ko naman na tahimik lang sa isang tabi si Kaith at may malalim na iniisip.
"Ayos ka lang ba?"nag aalalang tanong ko dito.
"Yeah kailangan ko lang siguro magpahinga at mukhang ayos naman na sila"sabay alis nito at hindi na ako hinintay sumagot pa.
*****
- Charmela Sophie Serfentes-Mondragon -
Naririnig ko na tila may mga nag uusap usap at malapit lang sila sa tabi ko.
Unti unti kong dinilat ang mga mata ko ang unang bumungad sa akin ay ang liwanag na nanggagaling sa ilaw at sumunod naman ay ang kulay puti na kulay.
"Baby Mela"sigaw ng isang pamilyar na boses at napansin kong si Mom pala ito.
"M-mom"medyo nanghihina na tawag ko dito at niyakap naman agad ako nito.
"Baby akala ko iiwan mo na kami"umiiyak na sabi sa akin ni mom habang umiiyak hindi ko naman mapigilan ngumiti sa sinabi nito at nakita ko naman sa likod niya si Mama na nakangiti habang lumuluha din.
"Charmela"mahinang tawag nito at niyakap kaming dalawa ni mom.
Kumalas naman sila at mabilis na hinalikan ako sa pisnge at maging sa labi ko.
"Ate Mela"sigaw naman ng dalawang kambal ko at yumakap sa akin at yumakap naman ako pabalik sa kanilang dalawa nakita ko naman ang mga kaibigan namin na masayang nakatingin sa amin.
Pagkatapos nila ako yakapin ay mabilis naman sila nagkwento na pumunta sila Mt. Wintery at doon nila kinuha ang Winter Flower na gamot sa amin ni Kaye.
Si Kaye nasan siya?
"Nasan si Kaye? Nasaan pala siya? Gising na ba siya?"cold na tanong ko sa kanila bigla at napansin kong tahimik na nagkatinginan silang lahat.
"Mom,mama nasaan po si Kaye"naiiyak na tanong ko kila mama. Nakita kong malungkot na tumango si mama kay mom.
"Anak hindi pa din siya gumigising at mahigit dalawang linggo na kayo natutulog at si Yuri naman ay hindi pa din nagigising hanggang ngayon pero sabi naman ng mga healers maayos naman ang lagay niya"paliwanag ni mom sa akin at mabilis naman akong tumayo sa pagkakahiga ko pero nakaramdam ako ng hilo.
"Anak wag ka muna bumango mahina pa ang katawan mo"nag aalalang sabi sa akin ni mom.
"B-but m-mom si Kaye she needs me"naiiyak na sabi ko sa kanya at napansin ko naman na ngumiti si mama.
"Baby mela tingin ka sa kabilang side sa may left side mo"
Mabilis ko naman sinunod iyon at nakita kong nakahiga din ito sa kabilang bed at nakapikit.
"Pinagsama na namin kayo sa isang room para mabantayan namin kayo pareho"paliwanag ni mama sa akin at mabilis na niyakap ko silang dalawa ni mom.
"Thank you mom and mama"bulong ko sa kanila at hinalikan naman nila ako sa noo.
"Anything for you baby mela"nakangiting sabi nila sa akin. Tinignan ko naman si Kaye na payapang natutulog sa higaan na katabi ko at inabot ko naman ang isang kamay niya at hinawakan ko ito.
Maiinit ang palad niya na tandang buhay siya at nakita ko naman si Ate Steph na nakatingin kay Yuri. Mukhang napansin naman ako nito kaya tumingin ito sa gawi ko at ngumiti ng pilit.
May nangyari kaya?
"Waaah! Baby Charm i miss you"sabay yakap sa akin ni Ate Danica at Ate Giadie sa akin.
Yumakap na lang din ako sa kanila pabalik pero may isang bagay na nasa isip ko kung bakit wala pa din siyang malay hanggang ngayon.
Ayos lang kaya siya. Ayos ka lang kaya Kaye?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Mage Academy Season 3 (The Powerful One)
FantasíaBago niyo ito basahin ay mas maganda unahin niyo muna ang season 1 and season 2 dahil hindi niyo maiintindihan kung dito agad kayo sa season 3. Pero kung mapilit kayo edi go :) wag kayo magagalit kung di niyo maiintindihan ang iba :) This is GirlxGi...