- Candice Sophia Serfentes-Mondragon -
Nauna ng umalis sila Ate Mela at Ate Yuri. Sa totoo lang natutuwa ako dahil hindi na gaano ka cold si Ate Mela para bang bumalik na siya sa dati na normal.
Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na din ako sa kanila para maunang mag training.
"Una na ako guys"paalam ko at sabay halik sa mga pisnge nila.
"Sige ingat Ate Candice"sabi ng kapatid ko kaya ngumiti na lang ako.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Jenny na nasa labas ng pinto ng dorm namin.
"Good morning Sophia"masayang bati nito at ng makita ko nanaman ang ngiti niya ay yung puso ko halos magwala na sa kakatibok.
"Morning"cold na sagot ko at napansin kong nawala ang ngiti nito pero mabilis na binalik din.
Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at nagpigil lang ako na yakapin ito.
"Let's go"sabi ko at inunahan na ito sa paglalakad.
Bawat nilalakaran namin ay madaming bumabati sa akin na estudyante pero may isang babae na naglakas loob na lumapit para kausapin ako.
"Hello"sabi ng isang cute na babae at nakita ko si Jenny na napataas ang kilay.
"Hi"sabay ngiti dito at napansin kong kinilig si Ateng.
"I'm Sh-"hindi na natuloy ang sasabihin nito ng biglang magwalk out si Jenny at binangga pa ako.
"I'm sorry Ms. Mauna na ako ah may training pa ako eh"sabay iwan dito at sinundan si Jenny.
------
- Jenny Reyes -
Nakakainis ! Nakakainis ! Talagang nakikipag flirt pa siya mismo sa harapan ko.
Pero ano naman magagawa ko? Wala na kami at ako mismo ang may kasalanan bakit wala na kami ngayon at kung bakit wala na akong karapatan sa kanya.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko at pagtingin ko ay walang iba kundi si Candice at yung puso ko tumibok nanaman ng mabilis at yung kamay ko na magkahawak sa kamay niya ay nakaramdam ako ng mumunting kuryente.
"Bakit mo ako iniwan doon"galit na sabi nito at napasimangot naman ako bigla.
Ano yun? Gusto niya makitang nasasaktan ako kapag nakikipag landian siya? Tss. No way!
"Wala busy ka kasi sa kausap mo"sabay hila sa kamay ko na hawak niya at mas binilisan ko pa ang paglalakad.
"Ano naman? Ayaw ko naman mapahiya yung cute na girl"sabi nito at cute na girl pa talaga ah.
"Edi doon kana sa CUTE na girl na yun"at pinagdiinan ko pa ang word na cute.
"Sigurado ka?"mapaghamon na sabi nito at natagilan naman ako at humarap ako dito.
------
- Candice Sophia Serfentes-Mondragon -
"Sigurado ka?"mapaghamon na sabi ko at medyo nasaktan ako sa sinabi nito pero hindi ako nagpahalata at bigla itong humarap sa akin.
Nakita ko sa mga mata nito ang lungkot, sakit at higit sa lahat selos.
"No-o"mabilis na sagot nito kaya napangiti ako kaya mabilis na hinatak ko ito.
Magkahawak kamay lang kami na naglalakad pa puntang training room.
Hinawakan ko ang pinto at kusa itong bumukas at pagtapak ko pa lang ay yung right side ay nagkaroon agad ng kulay gray.
BINABASA MO ANG
Mage Academy Season 3 (The Powerful One)
FantasyBago niyo ito basahin ay mas maganda unahin niyo muna ang season 1 and season 2 dahil hindi niyo maiintindihan kung dito agad kayo sa season 3. Pero kung mapilit kayo edi go :) wag kayo magagalit kung di niyo maiintindihan ang iba :) This is GirlxGi...