- Rose Ann Del Rio -
Nang makaalis na silang lahat ay naghanda na ako para mamaya, sa totoo lang hindi ko alam bakit simula ng makita ko si Ate Danica ay may iba na akong nararamdaman.
Narinig ko na lang na may kumakatok at naisip ko agad na baka siya na.
"Sandali lang"sabi ko at naglakad patungo ng pinto. Pagbukas ko ay sumalubong sa akin ang isang dyosa na nakangiti. Bigla nanaman bumilis ang tibok ng puso ko.
"Hi, ready kana ba?"tanong nito sa akin at kaya hindi ako makapagsalita ay tumango na lang ako.
Kinuha ko agad ang gamit ko at mabilis na lumabas nagulat ako ng biglang kunin nito ang bitbit ko.
"Ako na"sabi nito at ng akmang pipigilan ko ay nanguna itong maglakad.
Bawat na dadaanan namin ay nakatingin sa amin lalo na kay Ate Danica.
"Ang tahimik mo dyan?"tanong nito sa akin.
"Naiilang kasi ako sa tingin ng mga students eh"nahihiyang sabi ko dito.
"Don't mind them"nakangiting sabi nito sabay hawak sa kamay ko at nakaramdam ako ng kuryente?
Nang makarating kami ay binitawan nito saglit ang kamay ko at ng mabuksan na ang pinto ay hinawakan ulit nito. Nakaramdam naman ako ng pag iinit sa dalawang pisnge ko.
Pagpasok namin ay sa right side nagkaroon ng kulay blue at brown habang sa left side nagkaroon ng green tapos may iba't ibang klase ng mga halaman.
Nagprepresent ng mga kapangyarihan namin ang lumabas.
Tinabi muna ni Ate Danica yung mga gamit namin at naghanap kami ng maaaring pagtabihan.
-----
Third Person's POV
Nang maiayos na nila ay nagsalita si Danica kay Rose at may sinabi dito.
"Rose pagtapos ng training na ito at kung sino manalo may kahilingan sa isa't isa"seryosong sabi nito kay Rose.
Napaisip naman si Rose at tumango naman dahil may naisip na siya kung ano ang hihilingin niya kung siya ang mananalo.
Naging seryoso na sila at mabilis na nagtitigan sa isa't isa ilang sandali lang ay nagteleport ng mabilis si Danica at nagpalabas ng air tornado.
Nagpalabas naman si Rose nang isang halaman na may malalaking bibig.
Ginawa ng mga halaman na ito ay sinangga ang mga air tornado pero hindi papala natatapos doon ang ginawa ni Danica nagpalabas siya ng invisible air speare at mabilis na tinira kay Rose.
"Ahhhh"sigaw sa sakit ni Rose at si Danica naman ay nakaramdam ng awa pero mabilis din binalik ang walang emosyon niyang expression.
"Vine wipe"sigaw naman ni Rose at mabilis na hinampas kay Danica na hindi niya namamalayan.
"Ahhh"sigaw naman sa sakit ni Danica.
Mabilis pa nagpalabas si Rose ng mga vine wipe na may mga matatalas na bagay.
Bago pa ito madikit kay Danica ay nagpalabas naman ito ng Earth Shield.
Kaya nawalan ng silbi iyon. Nang makabawi na nang konting lakas si Danica ay pinag sama niya ang earth at air ball.
Napansin naman ni Rose iyon kaya mabilis siyang gumawa ng plant shield at tinodo lahat ng mage niya.
Mabilis na nakita ni Danica ang ginawa nito kaya mabilis niyang tinira dito ang earth and ball.
Nang matira na nito ay naglikha iyon ng malakas na pagsabog at sobrang kapal ng usok.
Nakaramdam ng panghihina si Danica at sa banda naman ni Rose ay nawalan siya ng malay sa sobrang lakas ng impact pero bago siya tuluyan mawalan ng malay ay nakita pa niyang may papalapit na bulto sa kanya.
-----
- Danica Earthno-Windster -
Mabilis na tumayo ako kahit na nanghihina na din sa lakas ng ginamit kong mage.
Nakita ko si Rose na nawalan ng malay kaya mabilis akong tumayo din.
Nang makalapit ako ay dahan dahan ko ito binuhat, sa totoo lang may gusto ako kay Rose pero pinipigilan ko lang dahil alam kong may gusto siya kay Yuri.
Pero napansin ko sa kanya na para wala na siyang nararamdaman dito.
Kaya dahil ako nanalo alam ko na ang hihilingin ko sa kanya at alam kong hindi ko pagsisihan pag hiniling ko sa kanya iyon.
Bigla ako napaluhod at mabilis na hinawakan si Rose at naramdaman ko na may humawak sa akin.
"Tss, lahat na lang kayo may injury. Buti na lang binabantayan ko kayong lahat"sabi ng isang pamilyar na boses at napangiti naman ako dahil sa sinabi nito.
Sa totoo lang alam kong binabantayan nila kami kanina pa at alam kong ganun din ang ginawa niya sa dalawang kambal niya. Bago ako mawalan ng malay ay nabanggit ko pa ang pangalan nito.
"Baby mela"banggit ko sa pangalan nito at naramdaman komg binuhat ako nito bago ako tuluyang mawalan ng malay.
-----
- Charmela Sophie Serfentes-Mondragon -
Sinalo ko ito at tinulungan naman ako ni Yuri. Sa totoo lang lahat sila binantayan ko at alam kong mapupuruhan silang lahat sa ginawa nila.
Masyado nilang sineryoso ang laban nila at nang mabuhat ko si Ate Danica ay mabilis naman kinuha ni Kaye si Rose.
"Dalhin na natin sila sa infimary room"sabi nito at tumango na lang ako.
Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami at pansin ko ang titig nila sa dalawa.
Mabilis na pinatungan ko sila ng mga jacket na dala nila, buti na lang may dala sila kundi wala na akong mapantatakip sa kanila.
Bawat nakakasalubong namin ay binibigyan ko ng cold stare at kusa naman sila tumatabi.
Pagkarating namin ay mabilis na nilapag ko si Ate Danica sa higaan at inasikaso agad sila ng mga taga Healing Mage.
"Mahal na prinsesa"tawag sa akin ng isang babae na nasa 30's na at nagbigay galang ito sa akin.
"Hmm"cold na sagot ko lang dito.
"Ang swerte nila dahil pinapakita mo sa kanila ang kagandahan ng iyong kalooban"sabi nito at tumango na lang ako.
Nakita ko naman si Kaye na napailing na lang sa tugon ko doon sa kumausap sa akin.
"Kain muna tayo bago naman natin puntahan sila at balikan"sabi ni Kaye sa akin at humawak sa kamay ko at pasimple naman ako namula.
"Bakit ka namumula?"inosenteng tanong nito sa akin.
"Mainit lang"tipid na sagot ko at tumangong nakangiti ito sa akin.
-----
Author's Note
Chapter 16 Done
Click the star
Thank you ♡
Comment
FantasyLover1499
BINABASA MO ANG
Mage Academy Season 3 (The Powerful One)
FantasyBago niyo ito basahin ay mas maganda unahin niyo muna ang season 1 and season 2 dahil hindi niyo maiintindihan kung dito agad kayo sa season 3. Pero kung mapilit kayo edi go :) wag kayo magagalit kung di niyo maiintindihan ang iba :) This is GirlxGi...