TPO- 20 Ranking Match III (Yuri Kaye V.S Charmela Sophie)

1.3K 64 7
                                    

- Yuri Kaye Montefalcon -

Napatingin ako kay Charmela at ang mga mata nito ay cold hindi ko alam pero napakapamilyar sa akin ng mga mata niya.

Nawala ako sa pag iisip ko ng biglang may lumabas na hologram sa harapan namin.

"Dahil kayong dalawa na lang ang natira sa inyo malalaman kung sinong team ang mananalo. Kanya good luck blue team and white team"sabay nawala na ang hologram sa harapan namin.

"Expected ko na talagang mangyayari ito"biglang sabi ko kay Charmela.

"Me too"cold na sagot nito sa akin at bigla itong nagsmirk sa akin at bigla ako napalunok.

Ang hot niya

What? No no erase erase nababaliw na ako dahil sa kanya malala na ito.

"Are you okay?"biglang tanong nito sa akin na may pag aalala.

"Ye-eah"sagot ko at tumango naman agad ito sa akin.

Nagulat na lang ako ng bigla na lang nito ako tirahin ng fire ball buti na lang nakapag barrier agad ako.

"Bakit ka umatake agad?"naiinis na tanong ko agad dito.

"Sasabihin ba yan ng magiging kalaban mo sa totoong labanan?"cold na sagot nito sa akin at tama naman siya sa sinabi niya sa akin.

Lalaban din ako

****

-Third Person's POV-

Mabilis na naglabas ng fire daggers si Yuri at mabilis na pinag hahagis kay Charmela pero nasasalag lang lahat nito.

"Ang hirap naman niya patamaan"nasa isip ni Yuri.

Nagulat na lang si Yuri ng biglang may paparating sa kanya na 10 water daggers at dahil sa mabilis na pangyayari ay nasugatan siya.

"Ahhhhh"sigaw nito sa sakit at tumayo agad siya sa pagkakalayo.

Sa loob naman ng auditorium ay busy ang lahat sa panonood at nagbubulungan.

"Nagkakainitan na ang Laban"

"Magaling sila pareho pero mas magaling pa din ang aging prinsesa"

"Weak lang pala siya"

Narinig naman ng mga kaibigan ni Yuri ang huling nagsalita kanya tinignan nila ito ng masama at napansin naman iyon kaya napatahimik na lang siya.

"Yuri"sigaw bigla ni Rose Ann ng makita matamaan ito ng tatlong earth ball.

"Shit nakakaintense naman ang labanan na ito"biglang sabi ni Kyle at nagtanguhan naman sila Cassidy sa sinabi nito.

"Tama ka nga"sagot naman dito ni Giadie.

Pinanood nila ulit ang Laban at napansin nila ng biglang maging mas dark red ang fire flame na nilalabas ni Yuri.

"What happen? Paanong naging dark red yun?"tanong agad no Candice.

Sa Laban naman nila Yuri at Charmela ay medyo nanghihina na sila.

"Nakatulong naman pala ang training kahit papaano"sabi bigla ni Charmela dito.

"Yeah mukhang ganun na nga"nanghihinang sagot ni Yuri. Napansin ni Yuri na hindi lang pala siya ang nanghihina.

Maglalabas na ulit siya ng dalawang fire ball ng biglang napaluhod siya at napahawak sa ulo niya.

"Ang sakit ang ulo ko parang binibiyak"naiiyak na sabi sa isip ni yuri.

Napansin naman bigla ito ni Charmela at tinignan niya ito ng mabuti.

"Damn! I think masyado ako napasobra"naiinis na sabi nito sa sarili.

Mabilis ang lahat habang papalapit na sana si Charmela ng biglang may mabilis na bagay ang papunta sa kanya at hindi niya ito bigla naiwasan.

"Ahhhh"sigaw sa sakit bigla ni Charmela at pilit inaninag ni Charmela kung sino may gawi nito.

Pagtingin niya ay isang taong nakajacket na kulay itim at mabilis na tumayo si Charmela at bigla ito pinag titira ng fire ball at water ball.

"Who the hell are you?"galit na bulong nito sa isipan.

Mabilis naman nakaiwas ang nakaitim na jacket at hindi maaninag ang mukha nito dahil sa maskara na nakabalot sa mukha nito.

Napansin niya naglabas ulit ito ng bow at arrow na gawa sa ice mage at natigilan siya ng makitang papunta ito sa direction ni Yuri at walang sinayang na oras na nagteleport siya sa tabi nito at mabilis na niyakap at pagtapos ay naramdaman ni Charmela na may bumaon sa likod niya.

Sabay naman nahimatay sa sobrang panghihina sila Charmela at Yuri at bago iyon ay napaluha naman si Yuri dahil sa sinapit ni Charmela.

Sa loob naman ng auditorium ay mabilis na nagtayuan ang mga Tao at ang maging ang mga reyna.

"What the hell? Sino ang taong yun?"galit na sigaw bigla ni Queen Charlie.

"Momma si Ate Charmela at Ate Yuri"naiiyak sigaw ni Cassidy.

"Headmistress iteleport na po sila agad"sigaw ni Giadie at mabilis naman ito ginawa.

Napatingin ang lahat sa hologram at napansin nilang kumaway ang nakaitim na jacket at nakaitim na maskara para bang nagpaalam sa kanila.

****
- Stephany Kaith Heaven -

Tinakbo namin agad sila sa clinic at mabilis naman sila inasikaso ng mga healers at napatingin naman ako sa mga reyna na kinakabahan para sa anak nila.

Gumagawa na ba sila ng move?

"Jessica! Hanapin mo ang may gawa nito sa anak ko!"galit na sigaw ni Queen Cassandra at nakita ko naman ang kambal na umiiyak at ang iba naman ay nakayuko.

"Steph ayos lang kaya sila?mahinang bulong sa akin ni Giadie kita ko sa mga mata niya ang pagod at pag aalala.

"Oo naman malakas sila"pagpapalakas loob na sabi ko dito.

"Hindi ko alam paano nakapasok ang intruder na yun sa loob"naiinis na sabi bigla ni Headmistress.

"Kailangan natin mahuli iyon para malaman natin kung sino ang may pakana nun"galit na galit na sigaw ng Reyna.

"Pinapaasikaso ko na yun"sagot nito at bigla naman lumabas ang mga healers at nagsipuntahan naman agad kaming lahat dito.

"Ayos na ba ang anak ko at si Yuri?"nag aalalang tanong ni Queen Charlie dito.

Nakita namin na parang nag aalalangan ito sa isasagot niya at nagulat kami sa sinagot nito.

"Hindi pa po at may lason po ang katawan nila dahil sa pana na tumama sa kanila kaya kailangan makakakuha tayo ng winter flower sa Mt. Wintery sa mas madaling panahon kung hindi ay mamatay sila at ginamit na lason sa kanila ay hindi basta basta"sagot nito at mabilis naman kami pumunta sa pwesto ng dalawa at napansin namin na ang putla nila pareho.

Hahawakan sana namin ito ng bigla naming pigilan ng healers sa gagawin namin.

"Wag po ninyo sila hawakan dahil ang lason na ginamit ay hindi basta basta dahil pag hinawakan ito ng sinuman ay magkakaroon din kaya ganun ang nangyari kay Ms. Montefalcon kahit hindi siya natamaan"paliwanag sa amin ng head ng healers.

"Hanapin niyo ang Winter flower ngayon din at iyon ang misyon niyo Royalties"biglang seryoso na sabi ni Headmistress at tumango naman agad kami.

Sana makuha namin ito lalo na at nasa isang delikado na lugar ang kailangan naming lunas.

Mage Academy Season 3 (The Powerful One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon