Chapter 2
“Adam, it’s me…”
“Su-Summer?”
Sa sobrang pagka-gulat ni Adam, napamulat nalang ng malaki ang mga mata niya.
Ba’t siya nandito? Akala ko ba hindi na ito babalik. Bakit? Hindi ito pwede. Ayos na ako e. Ayos na! Parang hindi kaya ng powers ko ang Makita siya ulit. Masyado namang biglaan. Haay! Ano ba itong mga iniisip ko. Ayos na talaga ako at wala nang meron sa amin. Ayaw ko na…
Kungtititigan mo ang mga mata ni Summer, halos maiyak-iyak na ang mga ito. Mukha siyang may pinagdadaanang problema..
“Adam. Oo.. A-ako ito…”
Bigla namang siyang niyakap ni Summer habang umiiyak. Wala namang masabi si Adam. Pinabayaan lang niya itong umiyak sakanya. Nanatili lang siya sa kinakatayuan niya at parang hindi parin nasi-sink in sa sistema nya na nagbalik na ulit si Summer. Habang nakatayo siya doon, bigla niyang naalala ang nakaraan…
* Flashback *
“Hon, I love you sooo much!” Masayang sinabi ni Summer habang nakaupo sila sa bench ng campus. Magkayakap sila dito at nakatingin sa madilim na langit na punong puno ng stars. Pinasya nilang huwag munang umuwi kasi mapilit talaga si Summer. Gusto nya daw kasing makasama ni Adam buong magdamag kaya pinagbigyan naman siya nito…
“I love you too” Bulong naman ni Adam kay Summer. “I wish we would always be like this. Happy and in love for the rest of our lives. No worries and no pain. You and me, forever” Hinalikan naman nito si Summer sa pisngi.
“Adam?”
“Yes hon?”
“What would you do if… If I went away?”
“Ano ba’ng sinasabi mo Summer?”
“Nothing, it’s just… I want to know how you’d feel if I’m gone. Would you still love me?”
“Ano ka ba naman Summer. Ayaw ko ng mga ganyang tanong ha..” Bigla namang nagseryoso ang mukha ni Adam at tumingin ulit sa langit. “Pero kung gusto mo’ng malaman… Kung mawawala ka, siguro, magwawala ako. Oo, yun. Mukhang hindi ko kakayanin. Tutal, mag-aapat na taon na tayo, malapit na rin tayong grumaduate at madami na tayong plano para sa future natin di ba? If mawala ka man, hinding hindi ako susuko hangga’t hindi kita naibabalik. Mahal nga kita di ba? Mahal na mahal Summer…”
Matapos making ni Summer ang mga ito, naramdaman niyang may tumutulong luha sa kanya. Agad naman niyang pinahidan ito at baka mapansin pa ni Adam.
“Mahal na mahal din kita Adam…”
After that, they faced each other, eye to eye. Silence filled the air as they were both looking in each other’s eyes. Unti unting naglapitan ang mga mukha nila hanggang kakaunti nalang ang pagitan ng mga ito. Next thing they knew, they were kissing passionately. Summer never felt this way before while she was kissing Adam. Her head was full of doubts. Ramdam na ramdam naman niya ang pagmamahal ni Adam. Guilt escaped her system as they were kissing. She loves Adam, she really does, but she has no choice but to leave him. Ayaw niyang sabihin kay Adam na aalis na siya kasi baka magbago ang pa ang isip niya once na sabihin ito ni Adam…
The next day, pumunta si Adam sa huling classroom ni Summer para sunduin ito. Nagtataka nga siya kung bakit hindi manlang sinasagot ni Summer ang mga text at tawag niya, nag-aalala na siya.
“Excuse me, may kilala ka ban a Summer?” Tanong ni Adam sa isang babae na kalalabas lang sa room ni Summer.
“Di ba ikaw yung boyfriend nya?”
“Ah, oo, bakit?”
“Hindi mo ba alam?”
“Ha? Hindi alam ang alin?” Kumunot ang noo ni Adam sa babae at nagtataka kung ano ang pinagsasabi nito sakanya. Ano ang hindi ko alam?!
“Nag-drop na sya a? Balita ko ay pumunta na ng ibang bansa dahil may nag-offer sakanya ng singing career at umalis na daw siya kaninang umaga.”
“Anong.. Anong pinagsasabi mo? Joke ba to? Wa-wala namang sinasabi si Summer a?!”
“Boyfriend ka nya tapos hindi manlang niya sinabi? Tsk, naku! Pasensya na ha? Pero hindi ako nagbibiro e…”
Umalis na yung babae at naiwang tulala si Adam. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Dumerestso siya sa parking lot ng university para sumakay sa sasakyan nya at dali-daling pumunta sa bahay ni Summer.
Nang makarating siya dito, naabutan niya si Manang Rosie na sinasarhan yung gate ng bahay ni Summer.
“Manang Rosie!”
“Ay naku! Adam! Bakit.. Bakit ka napapunta dito?
“Nanjan po ba si Summer?”
“Hijo…”
Hindi na nya pinatapos si Manang Rosie at nagsisigaw ns siya bigla.
“Summer! Summer! Lumabas ka jan! Sabihin mo’ng nagbibiro lang yung kaklase mo! Nanjan ka pa dib a? Summer!!!!”
Hinawakan ni Manang Rosie ang mga kamay ni Adam. “Hijo! Huminahon ka. Si Summer…”
“Nasaan po siya?! Nasan si Summer!”
“Umalis na siya hijo e. Nangibang bansa na sya…”
“P-pero, bakit?!”
“May nag-offer sakanya doon na sumali sa broadway. Dun na sya maninirahan e. Sorry hijo. Mabuti nalang at umuwi ka na. Hindi ko kasi alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Summer e. Sorry..”
Umalis na si manang at naiwan si Adam doon. Napasandal nalang siya sa gate ng bahay at ipinatong ang ulo nito sa kanyang mga tuhod habang umiiyak..
“Bakit ganun? Bakit nya ako iniwan? Hindi na ba nya ako mahal?”
Tumingala nalang si Adam habang natulog parin ang luha nito. Kinalkal niya ang vulsa ng bag niya at may nilabas na isang kahon at may nilalaman itong singsing…
“I could have been the happiest man on the world…”

BINABASA MO ANG
The Bachelor's Club
General FictionFour bachelors, four stories. It started as a simple game, then became a competition on who will marry before 30 and collect all of their invested money. Will they break the one and only rule of the club? Well, there's one thing to find out.. READ...