Chapter 6

416 5 7
                                    

Chapter 6

Sumilip si Adam sa labas ng bintana niya. Pinagmasdan niya ang view ng village nila. Tahimik ang kalye, ang mga nagjojogging palang ang nakikita niya doon. 6 am na kaya bumangon na siya. Hindi pa sikat na sikat ang araw ng mga panahon nay un at medyo malamig ang hangin. Ber month na kasi e.

After niyang magmuni-muni, naisipan din niyang bumaba sa kusina para maghanda ng almusal. Pero bago palang siya makababa ng hagdan, nakaamoy na siya ng kape na nanggagaling sa kusina.

“Adam, kain ka na o.”

Nabigla siya kay Summer. Naka-apron pa siya, halata mo na nag-abala talaga siya sa pagluluto kasi medyo gulo gulo pa ang buhok nito. Sa loob loob ni Adam ay medyo napapangiti siya kasi ang cute tignan ni Summer. Napicturan pa niya sa imahinasyon niya na bagay sakanya ang maging isang house wife.

After ng lahat ng paghahanda nila, nagdrive na si Adam papunta sa clinic. Naiilang siya sa pagdradrive kasi katabi nito si Summer. Ang huli niya kasing naaalala na katabi niya si Summer sa sasakyan niya noon ay nagkukulitan pa sila at pakanta kanta. Ibang iba sa sitwasyon ngayon kung saan tahimik lang sila.

“Nandito na tayo.” Sabi ni Adam nang itigil niya ang makina ng sasakyan.

--

“Good morning Adam” Sabi nung babae na nasa front desk. Pinagmasdan ito ni Summer habang nag-aayos ng papeles. Mukhang hindi siya napansing dumating nung babae.

“Ah, Jona, ito nga pala si Summer. Summer, si Jona.”

“May kasama ka pala Adam.” Sabi nung babae na nakatingala din kay Adam. “Hello Summer!” Sabay ngiti kay Summer habang kumakaway.

“Ah, hello.” Medyo nahihiya hiya pa si Summer kay Jona. Hindi parin nawawala ang pagkamahiyain niya kahit na nakakaharap siya sa maraming tao kapag nagpeperform siya at kapag pinapakilala sa iba’t ibang sikat na pangalan.

Inexplain naman ni Adam kay Jona na si Summer ang bago niyang katulong sa clinic. Mahalaga daw kasi na maiayos ng mabuti yung files ng kliyente at paminsan minsan ay katulong sila pag kailangang mag-opera o maglinis ng mga alagang hayop ng mga kliyente niya.

Bakas sa mukha ni Summer ang kaba na may halong takot kasi takot ito sa mga hayop. Pero alam naman niya sa sarili niya na kailangan niya ito, pampalipas oras at para narin mabuhay.

“O pano, iwan ko na kayo ha? Si Jonan a ang bahala dito.” At umalis na si Adam patungo sa office niya.

Sinabi naman ni Jona kay Summer ang mga dapat nilang gawin ngayong araw na ito. Sa ngayon ay mag-aayos lang daw muna sila ng files at maya maya ay mag-aassist sa mga darating na pasyente. Hindi parin nawawala sa mukha ni Summer ang takot kaya nagtaka naman si Jona.

“May problema ka ba?” Tanong nito kay Summer.

“Wala naman. Pero, kasi…”

“Takot ka sa mga hayop ano?” Napatingin si Summer kay Jona at nanlaki ang mga mata. Nagtataka siya kung paano nalaman nito. “Ganyan din kasi ang mukha ng pamangkin ko pag pinapahabilin ng kapatid ko dito.” Dagdag pa nito. Ang nasa isip isip niya ay manghuhula si Jona or something.

“Summer?” Tawag ni Jona.

“Bakit?”

“Pamilyar yung itsura mo. Taga dito ka ba dati?”

Nagtataka si Summer sa tinanong ni Jona. Sa pagkakaalam naman niya ay hindi sila magkakilala at matagal nang hindi bumabalik si Summer sa Pinas.

“Hindi . Dun ako nakatira dati sa kabilang bayan.” Mahinhing sinabi ni Summer.

The Bachelor's ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon