Para hindi masyadong ugatin itong TBC, naisipan ko na magupdate uli. Natagalan din kasi yung pag update ko last time kaya babawi ako ng very light ;)
Medyo walang kwenta at maigsi ito pero idadagdag ko narin.
Salamat pati sa mga sumusubaybay nitooo! Malkokayo :****
------
Chapter 8
“Mmmmm! Prince! Prince! Gusto mo ng lasagna?”
“Grrrrrrr!”
Kasalukuyang nagdidinner sa mini garden sina Adam at Summer. Sa tabi naman makikita ang dog house ni Prince.
“Naman e! Bakit ba ayaw mo makipag-close sa akin?” Sabi ni Summer habang naka-pout. Pilit niyan g kinukulit si Prince. Naisipan kais niyang tanggalin ang takot niya sa mga hayop, total, halos araw araw narin naman niyang makakasama yung mga yun.
Sa tapat naman ni Summer, makikita mo si Adam na pinipigilan ang tawa niya. Kanina pa kasi nanunuyo itong si Summer kay Prince pero wa-epek parin.
“Tigilan mo muna si Prince.” Sabi ni Adam na nagpipigil parin ng tawa.
“E kasi naman ito. Ako na nga yung nakikipag-close.” Tapos nagsimula ulit sa pagkain.
Kaunting katahimikan ulit ang naganap. Nag focus na ulit sila sa pagkain.
Sa isip naman ni Adam ay sobrang natutuwa siya sa effort na pinapakita ni Summer. Tunay naman talagang maarte yang alaga niyang yan. Hindi nga niya lubog maisip kung bakit ang bait bait niya kay Chloe e…
“Alam ko na!” Sigaw ni Summer na ikinagulat ni Adam.
“Ano naman yun?” Taong niya habang pinupulot yung tinidor na nahulog niya.
“Teka nga, kutsara ba yung nahulog?” Tanong ni Summer na bumaba rin para tignan kung kutsara nga.
“Hindi, bakit?”
“Edi tinidor pala? Good.” At nagbuntong hininga si Summer. “Pag kutsara kasi sabi nila may dadating daw na babae.” Dagdag pa nito.
“You believe that?” Sabi ni Adam na medyo natatawa. “There’s no proof na totoo yung mga yun. Ano ka ba?”
“Wala namang mawawala sa akin kung maniniwala ako di ba? Besides, that already happened once. Pero medyo may twist nga lang.”
“Care to share the experience?”
“Ah, eh..”
“C’mon. Wala namang mawawala kung isheshare mo di ba?”
“Pero kasi.. Baka kung ano reaction mo.”
“I’ll just listen. Tignan natin kung kapani-paniwala nga yang sinasabi mong yan.”
Summere sighed and decided to tell the story.
“Well, kasi, nasa airplane ako nun pauntang States…” Uminom naman ng tubig si Summer kasi medyo kinakabahan siya na ewan sa pagkwekwento niya. Mas nag-lean forward pa naman si Adam at halatang interesado sa kwento ni Summer.
“I was eating then. Tapos nadanggil naman nung stewardess yung right arm ko, kaya ayun, fork yung nahulog sa akin. Inabot naman niya sakin yung tinodor at nag smile. Siya pa nga yung nagsbi sa akin na pag nahulog daw ang tinidor ay may lalaki na dadating, kutsara naman daw pag babae.”
“E dib a nasa plane ka? Pano naman may dadating na lalaki dun? Ano siya? Si superman? Hahaha.”
“Sush. I’m trying to reminisce here.” Sabi ni Summer ng seryoso. Tumahimik naman si Adam at nagbalik sa pakikinig.
“Anyway, ako rin, naisip ko rin na imposibleng may dumating nun. Pero dahil na-curious ako, tinanong ko yung stewardess kung anong oras na sa Pilipinas kasi nagbabaka-sakali ako. Sabi niya quarter to 5 na daw. Huh. Akalain mo na tanda ko pa rin yun kahit ilang taon na ang nakakalipas. At ayun na nga. Nung nakababa na ako sa airport, agad ko namang tinawagan si Manang Rosie kung tapos na siyang mag-impis sa bahay namin…”
Napatigil bigla si Summer sa pagkwento. Para kasing awkward na ikwento niya it okay Adam. Ayaw niya nang buksan yung topic nay un kasi alam niyang anlaki laki ng kasalanan niya dito. Iniwan niya ito kahit na mahal na mahal niya si Adam, at marahil ay hidni parin yun nagbabago hanggang ngayon yung nararamdaman niya, pero sa tingin niya ay wala nang patutunguhan yun.
“Huy, Summer! Ayos ka lang ba? Natahimik ka jan?”
Inayos ni Summer ang sarili niya at nagpilit ngumiti. “Ah, hehe. Anon a nga ba?”
Napansin ni Adam na medyo pilit yung tawa ni Summer. Hinawakan niya ang kamay nito na ikinagulat ni Summer. Kahit naman si Adam ay nagulat din sa ginawa niya pero pinabayaan narin naman niya.
“Kung hindi mo kayang ituloy yung story mo, ayos rin lang. Pero kung malaking problema man yan, mas makabubuti siguro kung ilabas mo lang lahat.” At ngumiti siya kay Summer.
Sa isip ni Summer, marahil ay may point nga si Adam. Nakaka-stress magkimkim ng problema. Per paano kung yung problemang ito ay involved mismo si Adam?
Nagbuntong hininga ulit si Summer. “I guess I’ll finish my story then.”
“Are you sure?”
“Yeah. Where was I? Oh, yah!”
Umayos narin ng upo si Adam at pinagmasdan si Summer.
“I called Manang Rosie and told me that a certain someone went to our house here in the Philippines. That certain someone was said to be looking for me approximately a quarter before six…”
Napatingin sa baba si Adam nang matapos yung kwento ni Summer. Siguro ay narealize niya na yung kwento niya.
Na siya yung “someone” nay un.
Natahimik ulit silang dalawa at napag-isipang tapusin narin yung pagkain. Sobrang awkward nung atmosphere nila.
Iniisip ni Summer n asana hindi niya na ikwinento kay Adam ito. Pero sa kabila naman nito ay nakatulong rin yun para gumaan yung nararamdaman niya.
Nabasag naman yung katahimikan nung narinig ni Adam na may nag door bell at tumahol naman si Prince.
“I’ll get it.” Sabi ni Summer at tumayo. Gusto niya muna kasing makaalis dun sa awkward scene nila ni Adam.
“Okay, lilinisin ko nalang kalat natin dito.”
Tumayo narin si Adam at nag-impis. Si Summer naman ay pumasok na sa loob ng bahay at lumapit na sa front door habang hinihiling n asana hindi si Chloe ang nandun.
Nagbuntong hininga ulit siya bago dahan dahang binuksan ang pinto.
“So, you really are here?”
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Club
General FictionFour bachelors, four stories. It started as a simple game, then became a competition on who will marry before 30 and collect all of their invested money. Will they break the one and only rule of the club? Well, there's one thing to find out.. READ...