Chapter 5

454 5 2
                                    

Chapter 5

The day went by fast for Adam and Summer. They cleaned up the guest room for Summer and unpacked her clothes. Halos hindi nag-imikan yung dalawa habang ginagawa nila yun hanggang sa matapos sila ay maghahapunan na.

“I’ll just go out. Bibili lang ako ng makakain natin. Feel at home, okay?” Agad namang kinuha ni Adam ang susi ng sasakyan niya at lumabas na ng pinto. Naiwan lang doong nakatayo si Summer habang iniisip niya kung ano ang gagawin niya habang wala pa si Adam.

Naisipan niya namang maglibot para masanay na siya sa surroundings nya at malaman ang pasikot-sikot sa bahay nito. Una niyang hinanap ay ang mga cr. Merong isang maliit sa baba at yung malaki ay nasa taas na pinag-gigitnaan ng kwarto nila ni Adam. Wala namang masyadong kwarto sa loob kaya lumabas siya sa likod. Doon, nakita niya ang isang mini garden at ang dog house ni Prince. Laking pasasakamat niya at tulog na si Prince, kung hindi, baka nalapa na siya nito.

She scanned the place at doon may nakita siyang isang maliit na cabin sa medyo sulok. At dahil na-curious siya, naisipan niyang pumasok doon sa loob.

Nang maabot niya yung pintuan, sinilip muna niya yung bahay at yung paligid para i-check kung may tao. Matapos niyang siguraduhin na siya lang talaga ang nandoon, binuksan naman niya agad yung pinto.

“Now where are the lights…” Gabi na noon at sobrang dilim doon sa loob ng cabin. Kapa siya ng kapa para hanapin yung ilaw doon.

CRASH!

Nabigla naman si Summer nung napansin niya na parang may nabasag siya doon habang may naghahanap ng ilaw. Dahil kinabahan na siya, naisipan niya na umalis na muna doon at bumalik some other time.

Pagkalabas na pagkalabas niya doon sa loob ng bahay ay sakto namang dumating si Adam dala dala ang dalawang pizza boxes at drinks sa kabilang kamay nito.

“What were you doing?” Tanong ni Adam kay Summer.

Nagtaka naman si Summer kung bakit siya tatanungin ni Adam samantalang nakatyo parin siya doon sa same spot kung saan siya iniwan ni Adam.

Nung napansin ni Adam na nagtataka ang itsura ni Summer. Sumenyas siya na tumingin siya sa salamin. Nagets din naman ni Summer yung message kaya pumunta siya doon sa maliit na cr sa baba para i-check kung ano nga ba yun.

“Aaaaaah!”

Nagpanic naman si Adam matapos marinig ang pagsigaw ni Summer doon sa cr. “Anong nangyari?!” Tanong ni Adam na medyo nagpapanic na rin.

The Bachelor's ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon