Yown o! Umuwi ulit ako sa Lucena para makapag-update. Hahaha. Hindi ako makatiis na walang wattpad e. Ganun ko kayo kamahal! :DDD
Medyo maiksi itong update na ito, pero sana magustuhan niyo parin :)
- lalalarizaa
--
Chapter 11
“Chloe! What the? Why did you do that” Suway ni Adam kay Chloe. Sobrang na-shock siya kasi out of the blue ay bigla bigla nalang siyang hinalikan nito.
“I.. I.. Don’t you like me Adam?” Sabi ni Chloe na medyo naluluha at naka-pout. Tinignan lang siya ni Adam at nang mapansin na medyo naluluha ito ay kumalma siya.
Kahit kalian ay hindi ginusto ni Adam na makasakit ng babae kaya ganito siya kay Chloe. Siguro kung sa ibang tao ito ginawa ni Chloe ay nasigawan na siya nito. Swerte ni Chloe at si Adam ang kaharap niya ngayon.
Kaya siguro laging napaghihinalaang chick boy dati itong si Adam kasi wagas siyang magpakabait sa mga babae. Sinusunod lang naman niya ang pangaral sakanya ng ama.
Napa-kamot nalang si Adam sa ulo niya kasi naguguluhan na siya kung ano ba ang dapat gawin. “Aah. Never mind. Let’s go.”At inihatid na niya si Chloe papunta sa bahay nito.
--
Samantalang para naman kay Chloe ay waging wagi siya. ‘Kahit kelan talaga ang galing galing ko. Bwahahaha’ ang sabi ni Chloe sa sarili niya habang naglalakad sila ni Adam.
Di mapagkakailang magaling magdrama si Chloe dahil sa mga pinapakita niya ngayon. Basta kung ano ang gusto niya, gagawa at gagawa siya ng paraan para makuha lang yun. At ang matagl na niyang target? Si Adam.
Kung tutuusin ay matagal na sana niyang nakuha si Adam pero masyado itong focused sa trabaho niya at kahit anong gawin niya ay wala siyang napapala. Until summer came.
Naisip niya na si Summer ang pwedeng maging daan para mapansin siya lalo nito. Sa katunayan ay kilala talaga niya si Summer. Nakikita niya ang mga larawan nito dati sa bahay ni Adam nung minsang naiwan siya doon. Nakita rin niya ang maiksing sulat sa likod nung larawan na iyon at naisip niya na kasintahan ito ni Adam. Nang tanungin naman niya si Adam noon ay hindi siya nakasagot at biglang nalungkot. Matapos noon ay itinago na ni Adam sa kung saan yung mga larawan ni Summer.
Sobra ang gulat at asar nga niya noong nakita niya si Summer na kasama ni Adam at naisip niya na nagka-balikan na ang mga ito. Pero based on how they treated each other nung unang pagkikita nila, halata mo na may ilangan sila at natural ay hindi nagkabalikan kaya may nakikita pa siyang pag-asa.
--
Kinabukasan naman ay maagang gumising si Summer at nag-empake. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya pero hindi niya talaga siguro kaya na makasama si Adam.
Kahit na nakumbinsi na niya ang sarili niya na mahal pa talaga niya ito.
Hindi niya mapigilan ang maluha sa sobrang asar sa sarili. Sa sobrang pagsisisi.
“Kung hindi ba ako umalis in the first place, magdaranas ba ako ng ganito? Of all people, bakit ako pa? May matindi ba akong kasalanan kaya pinaparusahan ako ng ganito?”
Napaupo nalang siya sa sahig at nagsimula na ulit umiyak.
Halos wala na nga siyang tulog nung gabi sa sobrang pag-iisip at pag-iyak. Hindi niya na alam kung anong nangyari kay Chloe at Adam. Pero nang makita niya yung dalawa na naghahalikan, parang nawalan na siya ng rason para makasama pa si Adam.
“Get a hold of yourself Summer” Sabi niya sa sarili niya at pinunasan ang mga luha.
Sa ngayon ay sobra sobra ang lungkot niya dahil wala siyang karamay. Wala siyang kaibigan na pwedeng sandalan. Wala ang mga magulang niya para takbuhan. At mas lalong wala na ang dating nobyo na ginawa ang lahat, maibalik lang ang ngiti sa kanyang mga labi.
Nang matapos na siyang maghanda, lumuha siya ng kapirasong papel, nagsulat at iniwan ito sa dining table.
“Good bye Adam.” Ang mga salitang nasabi niya bago pa siya makalabas sa bahay na iyon.
Sobrang nahihiya siya kay Adam at the same time ay sobrang nagpapasalamat ito dahil kahit papano ay inalagaan siya nito. Pero siguro nga ay binigyan siya ng second chance na makita si Adam hindi para ibalik ang kung anong mayroon sila nung nakaraan, kundi para itama at mag move on na sa lahat ng ito.
--
An hour later, nagising naman si Adam. Medyo antok pa siya kaya mukhang wala sa sarili nung biumangon ito.
‘Bakit ang tahimik..’ Sabi nito sa sarili niya. May nararamdama siyang kakaiba pero hindi na muna niya ito pinansin hanggang sa matapos na lahat ng ritwal niya tuwing umaga.
“Summer?!” Sigaw nito sa may living room. Nakakapagtaka dahil kadalasa’y nauuna itong gumising kaysa sa kanya.
Agad naman siyang umakyat papunta sa kwarto niya at kumatok
*TOK TOK TOK*
“Summer? Summer! Nanjan ka ba?”
Patuloy parin siya sa pagkatok nang mapansin niya na hindi naka-lock ang kwarto.
“Su---“
Napatahimik siya sa nakita niya..
Malinis ang kwarto, nakaayos ang kama.
Binuksan niya ang cabinet doon at nakitang wala itong laman.
Saka lang nag sink in sakanya na umalis na nga talaga si Summer. Ang bumubulabog lang sa isip niya ay kung bakit naman siya aalis.
Adam scanned the whole room, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.
Umupo siya sa kama at inilagay ang mga kamay niya sa mukha niya.
“Bakit ka umalis Summer?” He said under his breathe.
Tinanggal naman niya ang mga kamay sa mukha at nabaling ang atensyon sa isang sulat sa may side table ng kama.
Agad siyang tumayo matapos mabasa ang sulat na iyon, kinuha ang susi ng sasakyan niya at dumeretso sa clinic.
Pinaharurot niya ang sasakyan niya dahil nasa isip niya nab aka makita niya doon si Summer.
Agad siyng tumakbo papasok ng pinto.
“Summer?!” Sigaw niya.
Pagkalingon niya ay nakita niya lang si Jonan a halata mong nabigla sa pagsigaw ni Adam.
“Jona, nakita mo ba dito si Summer?” Tanong nito.
“Nagdaan siya dito kanina at nagsabi na may nakuha na daw siyang ibang trabaho at may lilipatan na daw. Hindi mo ba alam?”
Natahimik nalang si Adam doon sa sinabi ni Jona at mabagal na pumunta sa office niya.
Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak ni Summer at bigla nalang siyang umalis.. Umalis nanaman siya ng hindi nagpapaalam, gaya ng dati. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o ano.
Umupo lang siya sa sofa doon at nahiga. Ang isang braso niya at nakapatong sa mukha niya.
Ng bigla nyang naisip..
Marahil ay hindi makakalayo dito sa bayan si Summer.
Sa ngayon ay palalamigin muna niya ang kung ano man ang meron sa kanilang dalawa at saka niya ito hahanapin.
At sana… Hindi pa huli ang lahat para sakanilang dalawa.
Pero kung hindi pa man huli ang lahat, paano niya sisimulan ulit sa dati?

BINABASA MO ANG
The Bachelor's Club
Algemene fictieFour bachelors, four stories. It started as a simple game, then became a competition on who will marry before 30 and collect all of their invested money. Will they break the one and only rule of the club? Well, there's one thing to find out.. READ...