Chapter 10
Hindi narin naman nagtagal ang ama ni Adam at nagsabi na ito na aalis na siya. Pinilit naman ni Adam na dun nalang sa bahay niya ito magpalipas ng gabi pero tumanggi ang ama niya at sinabing doon daw siya pinapatulog sa bahay ng kanyang kumpare.
Pero bago pa man umalis yung ama niya ay nag-usap sila ng kaunti habang si Summer ay nagsabi na matutulog na siya.
“Ano tumatakbo sa isip mo ngayon?” Tanong ng ama ni Adam
“What do you mean dad?”
“What do you mean ka jan. Syempre anjan si Summer kaya alam ko na medyo napapaisip ka.”
‘Anong medyo? Sobrang napapaisip nga ako e!’ Sabi ni Adam sa isip niya.
“Pero anak, tandaan mo, sundan mo lang ang puso mo. Hwag kang magpaka-tanga. Nasa harap mo na, pakakawalan mo pa ba?”
Those words struck Adam. Tama nga naman ang ama niya, nanjan na si Summer. Bat hindi pa siya nagawa ng move niya? Yun nga lang, Malabo pa ang lahat…
“Aalis na ko ha. Tandaan mo, nagawa mo nang iwan ang Bachelor’s Club na yan para kay Summer, hindi pa huli ang lahat para ituloy ang plano mo…”
Matapos sabihin yun ng ama niya ay tumalikod na ito para umalis.
“Teka dad!” Sigaw ni Adam at hinawakan ito sa balikat. Agad naman niyang niyapos ang ama at ganun din ang ginawa nito.
“Salamat.. Salamat po sa lahat.”
Ngumiti lang ang ama niya at nagsimula na ulit maglakad paalis.
Pumasok narin naman si Adam, nagshower, at nahiga na sya sa kama. Tulala nanaman siya sa kisame habang nag-iisip.
Sa kabilang kwarto naman ay ganun rin ang ginawa ni Summer. Ang daming nangyari ngayong araw na ito. Natabunan nga ng saya ang gabi niya gawa ng pag-bisita ng ama ni Adam, pero malaking issue parin yung kay Chloe.
“*Sigh* I’ve decided…” Sabi niya sa sarili niya at nakatulog narin naman siya.
Kinabukasan, maaga ulit silang pumunta sa clinic kasi ineexpect nila na marami ang magpapacheck up ng mga pet nila. Wala narin naman masyadong nangyari dahil sobrang busy sila.
Mga 8pm na ng gabi sila nakauwi. Nagluto nalang si Summer ng simpleng dinner at nagsimula na silang kumain ng tahimik.
Then, binasag rin naman ni Summer ang katahimikang yon. “Adam?”
Tinignan lang siya ni Adam and gave her a “yes?” look kasi naguya pa siya ng pagkain. Di ba nga don’t talk when your mouth is full?
“Uhhm. Medyo nakaipon nanaman ako ng sapat na pera ang I think..”
Natigilan ng saglit si Summer at nag-isip ng maayos. ‘Itutuloy ko pa ba o hwag na?’ Sabi niya sa isip niya.
“*Sigh* Okay. I think tima na para lumipat ako.”
Nanlaki naman ang mata ni Adam at nabulunan. “Wh-what? *Cough Cough*”
Then may nag-door bell ulit.
Parang ang in-demand naman ng bahay ni Adam at ang daming bisita lagi a?
“I’ll get it.” Sabi ni Adam at tumayo na. “Excuse me.”
Tinignan lang siya ni Summer habang papunta sa likod. Kahit kalian talaga ay hindi nawala ang dugong pagka-magalang ni Adam.
Nung nasa may pinto na si Adam ay nilingon muna niya si Summer. “We’ll talk about it later, okay?” At binuksan niya na ang pinto. MEdyo nabigla siya kasi hindi niya ineexpect na dadating nanaman siya dito.

BINABASA MO ANG
The Bachelor's Club
Fiction généraleFour bachelors, four stories. It started as a simple game, then became a competition on who will marry before 30 and collect all of their invested money. Will they break the one and only rule of the club? Well, there's one thing to find out.. READ...